6

78.4K 1.4K 18
                                    


Kean's  [Point of View]



"Lets talk." 



Mariin kong sambit. Nakita ko ang pag-aalala at pagkagulat sa mga mata niya. Liningon niya muna ang anak niya o mas mabuting sabihin na anak namin.




Kasama ng anak namin si Lieera at Bianca at alam ko namang hindi nila pababayaan ang anak ko. I'll claim the fact that he is my son. All the investigations that was sent to me is true.




Hinila ko siya papunta sa sasakyan ko at inupo sa passenger seat. I locked all the doors to make sure that she will not escape away from me. Not now, not again.




"San ba tayo pupunta?" tanong niya. Hindi ko rin alam. Ang gusto ko lang ay makapag usap kami at sabihin niya lahat saakin ang dahilan ng pag alis niya. Dahil ilang taon akong naghintay na bumalik siya. 



Galit ako sakanya. 



Pero andito parin ang kakaibang pakiramdam tuwing kasama ko siya.



Hininto ko ang sasakyan sa bahay ko. Para saamin sana ito kung hindi siya umalis. Kung umayon lang ang tadhana para saaming dalawa baka masaya na kami ngayon.



Pinagbuksan ko siya at nagtatakang lumabas. "Nasaan tayo? Kaninong bahay 'to?" tanong niya. I smirked at her. "Mine." parang ikaw, sana akin ka nalang ulit. What am I thinking? Ganito parin ang epekto niya saakin.



"Let me go!" Tinabig niya ang kamay ko. Pero mas hinigpitan ko ang pagkakahawak, ayoko na ulit siyang mawala. Dinala ko siya sa loob ng bahay at pumunta sa pangatlong palapag kung nasaan ang opisina ko.



"Bakit hindi mo sinabi?" mahinahon kong tanong sakanya nang maupo kaming dalawa sa sofa.



"Hindi ko alam ang pinagsasabi mo." 



"Damn! May anak tayo!" sigaw ko. Ilang taon akong naghintay at halos mabaliw na sa sakit noong iniwan niya ako at hindi ko alam na kasama niya na pala noon ang anak kong nasa sinapupunan niya.


Umiyak siya at hinayaan ko lang na ang tunog ng mga hikbi naming dalawa ang naririnig sa loob ng opisina ko. 




"Sa tingin ko hindi mo na kailangan malaman yun, masaya ka na sa buhay mo Kean."



Gusto kong isigaw lahat sakanya ang mga hinanakit na kinimkim ko pero iyon ang hindi ko magagawa. Because, no matter how hard for me to please her, she is still the woman that weakens every fiber of my body.




"I am not happy. I will get my son, Carrell. Whether you like it or not." pati ikaw ay kukunin ko.




The Richman's Wife and SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon