7

40.8K 662 1
                                    



Umuwi akong nakatulala at nabigla parin sa mga pangyayari. Sobrang bilis na sa isang iglap lang ang plano ko lahat ay nawala.



"Andito ka na pala, umuwi na si Bianca kanina pa." tumango lang ako at dumiretso sa kusina para uminom ng tubig. Tuyong tuyo na ang lalamunan ko na halos 3 baso ang naubos kong tubig.



"Ano ang nangyari?" tanong ni Lieera. Naupo kaming dalawa sa upuan at napabuntong hiningang sinagot siya. "Gusto niyang kunin si Calix." nararamdaman ko ang luhang nagbabadyang tumulo.



Bakit kailangan pa? Iniisip ko palang na malalayo sakin ang anak ko ay sobrang sakit na. 



Hinahaplos ni Lieera ang likod ko at yinakap ako. Siguro ito lang ang kailangan ko sa ngayon. Sobrang pagod ang nararamdaman ko at gusto ko nalang magpahinga at matulog.



Kinabukasan, nagising ako dahil sa ingay na naririnig ko sa sala. Nag ayos muna ako at bumababa na. Puno ng tawanan ang sala at nakita ko si Bianca na nilalaro si Calix.



"Goodmorning, Carrell!" bati niya. Ngumiti ako at binati siya pabalik. 


Ang dami niyang dalang paperbags na naglalaman ng mga mamahaling laruan at damit. Kahit kailan talaga napaka galante nilang magkapatid. 



"This is too much, Biancs." I checked all the tag prices and this costs a hundred thousand. 



"No problem, Carrell. Ang tagal nating hindi nagkita. Hayaan mo akong bumawi kay Calix at isa pa hindi  mo ako ginawang ninang niya." rant niya pa. Tumawa lang ako at yinakap siya. 



"Im sorry, Okay?" hinging paumanhin ko. Babawi rin naman ako sakanya dahil isa siya sa pinaka importanteng tao sa buhay ko.


"Mommy, I'm done playing. I want too eat now." 


"Yes, baby. Let's eat."


Sabay sabay kaming kumain nila Bianca at masayang nagsalo sa hapag. Habang tinititigan ko si Calix at Bianca ay nakikita ko ang resemblance nila sa isat-isa. 



Calix is really the richman's son.


The Richman's Wife and SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon