"Mommy ang hot ko talaga! Kaya pinagpapawisan na ako."
Napatingin ako kay Calix na mamula-mula na dahil sa init ng panahon dito sa pilipinas. Kawawa naman ang anak ko kahit namana niya sa ama niya ang pagiging mahangin.
"Oo na." Pang aalo ko, gusto talaga nito ang napupuri siya. "Please, Calix magpunas ka nang pawis sa mukha mo, may panyo ka naman diba? Magpunas ka kasi lalagyan ko nang bimpo ang likod mo."
Pinatalikod ko siya para malagyan na ng bimpo ang likod niya at pulbo, pero pinigilan niya ako at busangot na humarap. "Mom, I'm a big boy already. No need to that." Nagmana talaga sa tatay niya.
Aangal pa sana ako kaso lang dumating na ang sundo namin. Itim na limousine, Isa sa mga pag-aari ko dito sa Pilipinas. Pinagbuksan kami ni Mang Reynante ng pintuan at pumasok na kami ni Calix sa loob.
Habang nasa daanan kami nakita ko ang isang napakalaking billboard along the road of EDSA, It was Kean. Naka puting three-piece-suit, he was really a good looking man that captures every girl's attention. Bakit nga ba pinangarap ko pa ang isang tulad niya dati?
Naramdaman kong gumalaw si Calix, he extended his hand to my eyes. Laking gulat ko na umiiyak na pala ako.
"You should not cry, Mom. I love you, Okay?"
I love him too, so much. I will give everything to him. Even if that's meeting his Dad.
Dahil ang totoong dahilan nang pag uwi namin sa Pilipinas ay para makilala niya ang Ama niya.
Lahat gagawin ko para sa anak ko.
BINABASA MO ANG
The Richman's Wife and Son
General Fiction"Mommy, palagi mo nalang sinasabi na nasa work si Daddy. Its been 6 years." "Ma, ipakilala mo na ako kay Daddy. I know the truth Mom." Tuluyang tumulo ang luha ko. His father is powerful, a beast in businessworld. And a womanizer that every women w...