Chapter 3 *Tears of Sachi Koroko*

186 12 54
                                    

Dedicated to the bida - dj_heartache si Karen Mercedes. Request nya UD daw ako :)

Mag gagabi na at nalibot na nila ang buong mansion, malawak ito at madaming pasikot sikot. Pero kahit anong tanggi ni Sachi na nakalimutan na niya ang mansion na ito, hinding hindi niya maloloko ang sarili dahil isang taon din silang naging mag nobya ni Ray na di niya lubos maisip na--- naging girlfriend ko pala yun?

Nag report ang mga tauhan nila sakanila na nakabantay saan mang sulok ng mansion habang silang dalawa naman ay pumasok na para kamustahin ang lagay doon ng—

"Gutom ka na ba?" kinakalkal niya ang phone niya at baka may mga emails sakaniya pero di sumagot ang dalaga at nabunggo nalang siya sa---

Pak!

Malakas na tawa ang namutawi sa dalaga ng maharap niya ito matapos siyang maumpog sa--- pader?

"Aray ko rud-dee" himas niya sa noo na umuntog.

"Ayan kasi, panchichix kasi ang inaatupag. Napapala mo" tas mautas utas na kakatawa ito habang nakahawak sa tyan.

"Tss, nasaktan na nga binubully mo pa! Sama mo talaga!" inis niyang tinignan ito.

"Bakit, kasalanan ko bang di lima mata mo?" namewang ito at tinarayan siya.

"Di ako alien! Bakit ako magkakalima na mata? Third eye nga wala ako eh, lima pa!" murmur niya doon at himas pa din sa noo.

"Ewan ko sayo! Sana naman nakalog na iyang utak mo sa pagkaumpog mo!" at umalis na siya sa harap ng binata at pumunta sa sala.

"Asar talaga!" naibato niya ang phone at ayun—naging tatlo. Tanggal housing, at screen. Basag basag eh.

"Sigee, sirain mo pa! Madami kang pambili eh!" kantyaw pa ni Karen at nakita niyang nakasilip pa ito sa malaking poste. Napakunot naman ang noo niya at hangang hanga na malakas ang tama nito ngayon.

"Oo! Mayaman ako eh!" inis niyang bunghal at kinuha ang nakatiwangwang na phone.

Pupulutin na sana niya ang phone ng iba ang umagaw sa paningin niya.

Napaangat siya ng tingin ng makakita ng---tang ina! Bat may kaligayahan dito?!

Ang laki ah! At ang bibilog. Ang lusog pa! Wapak! Kanino kaya ito?

Pag angat niya ng tingin pataas nakita niya agad ang nakangising mukha ni Ray na ngayon ay nakaV-neck na sobrang lalim at luwa ang kaluluwa sa hinaharap. Bigla siyang nawala sa mood ng makita ito. Tss, kala ko melon yun pala atis.

Dismayado ang mukhang pinulot ang phone at tumayo na din, di na din niya tinignan ang kaharap.

"Di mo ba nagustuhan ang view?" nilalandi siya nito sa sumatutal dahil halata naman sa suot nitong shorts na kita na ang langit habang nakaputi na v-neck at bakat na bakat ang hubog nito.

"Ray, amo kita. Kaya tantanan mo ko sa panlalandi mo" straight forward at it's finest Sachi!

"Di kita nilalandi ah! Assuming ka" iskad nito at nagcross arms habang nakataas ang kilay.

"Tss" yun nalang at ibinulsa na ang phone.

Lalakad na sana siya paalis sa harap nito ng hatakin siya ni Ray at yakapin.

What the—anong!

Teka teka baka mamaya andyan si Karen! Naku naku sandamakmak na naman na batok at sapak ako dun!

"I miss you" usal ni Ray habang yakap yakap niya ang binata. Mahigpit at nangangailangan.

"LOL" napairap pa siya at umikot ang mata sa pagkairita sa dalaga.

Hey, Our Label Is UnknownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon