Chapter 53 *Future telling*

43 4 0
                                    


Karen's POV

Kay tagal ko tong pinangarap na mangyari, yung magkaroon ng pamilya at masayang buhay--- pero bago ko pa pala makuha ang lahat nang iyon kailangan ko pa palang mag hirap at magdusa para makamtan yon.

"Ang laki laki mo na anak. Ilang taon ka na? Napakaganda mong bata---" niyakap ko ng mahigpit ang anak ko ngayon habang lumuluha din sya sa kandungan ko

"Wala pa siyang isang taon Karen" natigilan ako sa paghikbi nang marinig kong anong sinabi mo?

"Wa-wala pang i-isang taon?!" Nanlalaki ang mata ko, paano ko paniniwalaan ang sinasabi niya kung matagal na panahon akong nakatulog?

"Hindi mo pa alam na ang kondisyon ng anak mo ay hindi pangkaraniwan, sabihin na lang nating---"

" ANO! ABNORMAL ANG ANAK KO?!" Nag ala tigre ang mata at nag hasik ng bangis ang mukha niya na tinignan ng masama si Seguchi.

" Hindi abnormal ang anak natin Karen." Singit bigla ni Sachi usapan.

Ano ba pinagsasabi nila, bakit hindi pa isang taon ang anak ko kung kasing laki na siya ng pitong taon!

"Pinag loloko niyo ba ako? Oo, nakatulog ako ng mahabang panahon pero hindi pa ako baliw para maniwala sa mga sinasabi niyo na----" naputol ang sasabihin ko ng si Shimo na ang nagsalita.

"Tama po sila nanay, hindi po normal ang paglaki ko. Mas mabilis pa po ang paglaki ko kesa sa normal na bata. " Malungkot ang mata ng anak ko--- nakikita ko ang hirap sa mukha niya.

Mukha ni Sachi?

"Pero huwag kang mag alala kapag nainject ko na sakaniya ang vaccine na ginawa ko. Tyak! Normal nang lalaki ang batang ito, ayon sa edad niya." Bigla akong nabuhayan ng loob tungkol sa vaccine na sinabi ng doctor na ito.

Teka bat nandito to?

"Sigurado ka bang para gumaling ang anak ko at hindi--- para lalong lumala?!" Nilisikan ko siya ng mata, pasalamat nalang talaga siya at hindi ko pa din kayang gumalaw ngayon dahil kung hindi--- paparamdam ko sakaniya lahat ng ginawa nya sa amin ng anak ko.

"Kung gusto mo subukan na natin ngayon para makita mo harap harapan?" Lalo akong kinutuban sa pang hahamon niya para bang may halong pagyayabang pa, tss.

Tinignan ko ang anak ko at sobra akong nag aalala na baka isang mali lang sa turok ng lapastangang doctor na iyon ay maging mitsa pa ng buhay ng anak ko.

"Anak ayos lang ba sayo na subukan ang gamot?" Anak kung anong magiging sagot mo tatanggapin ko. Wag ka lang mawala sa amin ng papa mo.

My god. Naluluha ako sa sobrang takot-- di ko alam kung anong iniisip ng batang ito. Napakagwapo niya at nakuha niya ang lahat ng features ng tatay niya. Hindi ko maipagkakaila na anak ko nga talaga siya dahil kamukhang kamukha ko din naman siya sa ibang anggulo.

"Opo mama okay lang po" natameme ako.

Di agad nag function sa isip ko ang mga sinabi niya. Napayakap na lang ako sakaniya, di ko alam--- di ko alam.











Sachi's POV

"Opo mama okay lang po"

Kitang kita ko yung pagkagulat sa mukha ni Karen. Bakit iba pa ba ang inaasahan mong magiging sagot niya je'taime?

"Kung ganoon kukunin ko na ang vaccine para mainject na natin sa katawan ng anak niyo." Agad agad umalis ang pesteng doctor na ito na hanggang ngayon hindi ko pa din naman lubusang pinagkakatiwalaan, kung hindi lang sa anak ko hindi ko kakausapin ang mokong na iyan.

Hey, Our Label Is UnknownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon