Chapter 37 *Husband Duties and Hates*

83 10 47
                                    




3rd person's POV

"Kasal na silaa... Kasal na silaaa..." kinakantahan ng The Solvers ang bagong kasal na sila Karen at Sachi sa tono nang 'here comes the bride.. here comes the bride'.

Kaya tuloy nagtawanan ang mga bisita dahil sa mga ito, di lang iyon gumawa pa ng munting presentation ang mga ito para sakanila.

"Panoodin niyo nalang kasi" iniupo ni Light si Karen sa harap ng asawa nito at inutusang panoodin ang slideshow na nakahain sa harap. Tungkol ito sa pinagmulan ng KaChi. Oo, ang bagong tandem sa libro ng the series na binuo ng writer na si Kuraibonne.

Ang slideshow ay nagsimula sa unang pagkikita ng dalawa, since bata pa sila. Hanggang sa may inilabas ang slideshow na mga litrato nang nagdadalaga at nagbibinata sila habang ang sumunod pa ay sa panahong nagcollege na si Karen habang si Sachi naman ay nasa States.

Madaming kuha ang nakalagay sa loob niyon kaya manghang mangha ang halos lahat ng bisita na sa ganoong punto na buo ang dalawang iyon.

Maagang natapos ang selebrasyon dahil biglang nahilo si Karen ay napagdesisyonan nilang magpahinga na mula sa bahay. Habang ang mga kaibigan nila ay hinayaan muna silang dalawa na mapag isa gaya ng bagong kasal, may honeymoon.

"Sachi ano—"

"Je t'aime!" pag cocorrect niya sa asawa tungkol sa tawag sakaniya nito.

"Eh ano kasi—" sagot ni Karen ng maibaba na siya sa kama ng asawa mula sa pagbuhat sakaniya na bagong kasal.

"Ano?" yumukod ang asawa niya sa harap niya para magkatapatan ang mukha nila habang ang isa namay nangimay sa hiya.

"Eh—kasi—" kamot kamot pa siya habang balisang di maituloy ang sasabihin.

Lumuhod nalang si Sachi para mas matitigan niya ang asawa na ngayon ay parang bata na nag uungot at nahihiya.

"Ano nga?" sabay niyang ngiti at hinawakan ang magkabilang hita ng asawa.

"May prob—blema kas—si ako" nagbago bigla ang expression ni Sachi, nabagabag agad siya kaya niyapos niya ang asawa.

"Ano—may masakit ba sayo? Saan? Ano nararamdaman mo? Alam mo namang bawal sayo ang namomoble---" sunod sunod na tanong niya habang sinisiyasat ang katawan ng asawa

"Nagugutom ako" natigilan pareho sila ng marinig niya sa dalawang teinga ang sagot.

"HA?!" gulat na gulat siya at napasigaw dahil lang sa nagugutom ang asawa niya.

Sachi's POV

"ANO?!" sabay sabay na sambit ng mga kaibigan niya sa mukha niya. Ni hindi din sila makapaniwala na humihiling si Karen ng kambal na saging, di lang basta kambal gusto pa nito ay tatlong magkakadikit.

"Saan naman tayo hahanap ng saging na tatlong magkakadikit?" napasapo nalang si Light sa noo niya dahil sa imposibleng request ng asawa.

"Yun na nga. Kaya nga kumunsulta ako sainyo kasi kahit ako nababaliw sa kakaisip saan ako kukuha ng tatlong saging!" tiningala ko ang kisame na para bang may makukuha akong sagot.

"Tapos, gusto pa ng chicharong nakamix sa coffee jelly? Di ba sasakit ang tyan ng asawa mo non?" kahit ako napapaisip sa pagkaing nabuo ni Karen. Saan ka nga naman makakakita ng pagkaing may chicharon na nakacoffee pa?

"Hay. Wala tayong magagawa dyan, buntis iyong tao at di din naman niya mapipili ang gugustuhing kainin" sabat ni Light na may experience na sa pagbubuntis. Yun nga lang ang kinahiligan niya lang ay lasagna.

"Ang kaso ang hirap naman humanap ng saging na tatlo! Yung coffee jelly na may chicharon madali pang gawin eh pero yung saging?!" nang gagalaiti sa sulok si Rosh na parang siya yung asawa at kung makamando ng kaliwat kanang pagkumpas eh tensyonadong tensyonado, di ba ako yung asawa dito?

Hey, Our Label Is UnknownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon