=Kath’s POV=
Another Day in school. Masanay na kayo dahil alam kong pare-parehas lang tayo. Andito na kami sa classroom. Booorriiiiing! HAHAHA. Medyo alam ko na kasi yung itinuturo ni Sir. Kaya Inihiga ko na lang yung ulo ko sa armchair with my chin above my arms.
“Class, by the way, I know we are in the mid-year of our school but we have transferees.” Sabi ni Sir. Wuuuttt?? Diba bawal yun? Tumingin ako kay Julia at Diego, nasa isang hanay lang kasi kami, katabi ko si Julia tapos siya si Diego. Pare-parehas lang kaming nagkibit balikat.
“Here are you new classmates, first we have Sam.” Pumasok ang isang medyo matangkad na payat na cute na lalaki.
“GWAPOOOOO!” Sabi ng ibang girl naming classmates.
“Bes, cute yun ah?” Julia. Ayan na naman siya oh.
“Ehem!” Paningit ni Diego. Haha.
“Haha. Oo nga e, may isa pa.” Ako. Habang lahat kami nakaabang sa susunod na ipapakilala ni Sir.
“Here he is, another transferee, Daniel..” Napatigil na ko nung pangalan pa lang ang sinabi dahil yung lalaking yun yung nakikita ko palagi dahil suot niya yung varsity Jacket na may nakasulat na….Pinatapos ko ng magsalita si Sir.
“DANIEL PADILLA.” Banggit ni Sir. Nagkatinginan kaming tatlo. Julia, Diego at ako. Laglag panga kami sa narinig namin ee.
“WHHHHAAAAATTT!??” Sambit naming tatlo.
“Anung problema guys?” Sir.
“Wala po Sir.” Kaming tatlo. Napahawak ako ng mahigpit sa kamay ni Julia. Hindi ko alam kung bakit pero nanginginig ako.
“Bes, huy! Ok ka lang? sobra kang manginig jan.” Julia.
“Magkapatid silang dalawa. Make sure that you treat them as your friends too okey class?” Huling bilin ni Sir.
“Sam, you can sit behind Ms. Bernardo, the one that has the big eyeglasses. And you Daniel, sit beside her.” Wait what!? Sakin pa pinatabi.
“Sir naman ee—“ Oops! Nasabi ko pa ng malakas.
“Is there something wrong Kath?” Tanong sakin ni Sir.
“Wala naman po.” Sabi ko na lang at tumungo.
“Okay, then you can sit down you two. And we will proceed with the lesson.” Sir.
Umupo na yung dalawa. Sina Sam and Daniel. Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyayari. Sa harap lang ako nakatingin. Hindi ako makatingin sa kanan dahil dun siya nakaupo. Kinuha ni Julia sakin yung notebook na sinulatan naming ng infos. Alam niyo ginawa niya? Ginawa niyang checklist.
✓Gwapo
✓Matangkad
✓Mayaman (Mukha naman ee)
✓Katamtaman kulay
✓DANIEL PADILLA!!
? MAHAL NIYA AKO :”>
Kinuha ko yun sa kanya at baka may makabasa pang iba. Wala na ako lalong naintindihan sa tinuturo ni Sir. Unti unti kong nililingon ang ulo ko sa kanan, para tingnan siya. Oh shoot! Nahuli niya kong nakatingin sa kanya.
“You look fami---“ Magsasalita sana siya.
“Uhm sir! May I go out??” Hindi ko na hinintay sagot ni Sir. Umalis na din agad ako at pumunta ng CR.
BINABASA MO ANG
Naming My Soulmate :">
FanfictionWhat if one day ang nilikha mo sa kathang-isip mong Soulmate ay totoo pala? Will you really fall in love with that person?