CHAPTER 9

12.7K 285 38
                                    

=Kath’s POV=

Hindi ko talaga alam kung paano napunta sa kanila yon. After nila akong ipahiya, umakyat lang ako dito sa rooftop ng school. Alam kong walang makakakita at makakarinig sakin dito. Lagi na lang akong napapahiya. Ngayon ko lang sasabihin to, pero nasasaktan na ako. Umiyak na lang ako ng umiyak ng may humila sakin payakap sa kanya.

“Wag ka ng umiyak, andito na ako.” Ang soulmate ko. Umiyak pa ako ng konti pero nung naramdaman kong medyo napagod na ako, tumigil na ako. Umalis na si DJ sa pagkakayakap at pinunasan ang luha ko gamit ang panyo niya.

“Napakaiyakin ee. Tama na ang pag-iyak ha? Lalo kang papangit niyan.” Pang-aasar niya pa.

“Pumunta ka ba dito para damayan ako o para asarin lang ako?”

“Pwede both??” Sabay ngiti niya ng malaki.

“Tssss.”

“Smile na kasi.” DJ.

“Fine. ^_____^" Ngumiti na ako, at umupo na kami sa isang tabi dito.

“Now, can you tell me, kung ano yung nakasulat kanina sa board? Totoo ba yun?” Naman ee.

“Wag na DJ, nakakahiya.”

“Bat ka namumula jan? Kinikilig ka?” Ay kalakas lang talaga mang-asar oh. 

“Bwisit ka talaga!!”

“HAHAHAHA. Dali na kasi.”

“Hindi ko alam kung maniniwala ka pero kasi we made you.” Ako.

“Huh?”

“Kasi ganito yon, gumawa kasi kami ng soulmate ko, all the qualities, even the name. It turned out na ikaw yun. Nagkatotoo. Nagegets mo ba?”

………..

“O talagang slow ka lang??” Pahabol ko pang sabi dahil yung itsura niya takang taka.

“Nagpa-process pa sa utak ko eh. So ako yung Soulmate mo?” Binigyan niya ako ng smile na nakakaloko.

“Oo, yung gawa gawa kong Soulmate. Teka nga lang, diba magkaaway tayo??!” Bigla akong natauhan.

“Ha? Hindi kaya.”

“Oh c’mon DJ. Magkaaway tayo alam mo yan, jan ka na nga.” Aalis na sana ako pero hinila na naman niya ako. Iniharap sa kanya.

Naming My Soulmate :">Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon