"Tara na Wendy! Gutom na talaga ako!" Reklamo ni Kara sa akin pero nanatili lamang ang paningin ko sa black board.
"Sabi ko naman kasi sayo kumain kana."
"Hindi nga ako magla-lunch kasi wala akong gana." Matamlay na sabi ko sa kanya dahilan para mapabuntong hininga naman ito.
"Wala ka lang sisilayan wala kana agad gana? Edi pano na lang kung magkasakit siya tapos isang linggong hindi pumasok? Edi isang linggo kading hindi kakain ? " sarkastikong tanong nito sa akin.
"Hindi naman. " walang kagana ganang sagot ko sa kanya. Ang totoo nakakaramdam na ako ng pagkagutom talaga pero wala talaga akong gana kumain.
Nasanay na kasi akong hindi para mabusog kaya kumakain ako ng tanghalian kundi para makasilay kay Yago. Si Yago ng buhay ko! Kaya naman dahil absent siya ngayon ay wala na akong dahilan pa. Mamimiss ko lang siya lalo kapag nakita ko yung pinupwestuhan niya palagi kapag kumakain siya.
Mamimiss ko lalo yung ngiti at pagtawa na mula sa kinauupuan niya tanaw na tanaw ko mula pwesto namin palagi ni Kara kapag kakain. Yung ngiti niyang binubuo palagi ang araw ko kapag nakikita ko yon.
Napabuntong hininga na naman ako. Bakit kaya absent si Yago? Masama kaya ang pakiramdam niya? Sana naman hindi! Nooo! Bawal na bawal yon. Paano na lang ako kung wala siya!
"So ano? Dito na lang tayo hanggang sa matapos ang lunch break? Ganern? " inis na tanong ni Kara. "Napaka mo! Tara na kasi ! Kahit samahan mo na lang akong kumain? Please?" Pagpapaawa pa kunwari nito.
At dahil wala na akong iba pang magagawa ay nakasimangot akong tumango dito at agad na hinila naman ako nito .
Hindi pa kami nakakalapit sa table na palagi naming pinupwestuhan ay tanaw na tanaw ko na ang palaging inuupuan ni Yago baby ko! Jusmiyo namimiss ko siya!
Habang lutang na naglalakad ay nabalik akong bigla sa reyalidad ng biglang may matabig ang balikat ko.
"Oh sorry miss." Napanganga ako baagya dahil sa pagkagulat pero mabilis ko ding itinago dahil baka mapansin niya.
Nginitian ko ito at tinanguan "Ayos lang " nginitian niya rin ako at lalong lumutang ang kanyang kagandahan.
Hindi na ako magtataka kung bakit baliw na baliw sa kanya si Yago. Kung gaano ko na kasing katagal na gusto si Yago, ganon na din katagal na may gusto si Yago kay Cheska.
Mabilis kong iniiwas ang aking tingin at mabilis na sumunod kay Kara na nakaupo na at parang nangingiting nakatingin sa akin.
"That 'nakasalubong mo ang crush ng crush mo' feeling " pang aasar nito sa akin. "Bibili nako ng foods. Di kaba talaga kakain?"
"Kakain nako. Kung anong iyo ganon din akin" walang ganang sabi ko dito at umalis na ito para umorder.
Alam ko naman, tanggap ko naman na malabo talaga akong magustuhan ni Yago. Hindi lang dahil may iba siyang gusto kundi dahil mukhang hindi naman kasi talaga nakatadhana maski ang mapansin man lang niya ako.
Yun ang hirap kapag may gusto ka sa isang tao na hindi ka naman gusto. Lahat ng kilig at sayang nararamdaman mo kapag nasisilayan mo siya, binabawi kapag naaalala mo ang masaklap na katotohanang hanggang silay at lihim na tingin kana lang talaga sa kanya.
Sino nga ba naman ako para makatawag ng pansin niya. E maski yata kahit isang pirasong buhok ni Cheska iwan na iwan yung akin. Sa madaling sabi wala. Wala akong laban kay Cheska.
She's the real definition of 'almost perfect' . She's beautiful , she's sexy but simple , she's popular , crush ng bayan , mabait siya at higit sa lahat mayaman and me? I'm just a nobody.
BINABASA MO ANG
That 'Hindi Ka Crush Ni Crush' Feeling
Teen FictionBakit nga kaya ganon? Taken na ang Crush mo pero umaasa ka parin na magbebreak sila at Mapapansin ka niya? Yung tinapat ka na niya na hindi ka niya crush pero naghihintay ka parin na baka magbago ang isip niya? Bakit nga kaya sa dinami dami ng lala...