"Para kang baliw," Hindi ko pinansin si Ivan at nagpatuloy lang sa pagkain habang nakatingin lang sa kamay ko. "Kabila mo pa nakahawak ng artista masyado kang Oa tsk!"
"Hawakan mo din kasi yung kamay ng crush mo para naman malaman mo yung feeling," Hindi ko inalis ang paningin ko sa kamay ko dahil wala namang nakakagana tingnan sa mukha ni Ivan na mukang iritado.
"Wala akong crush at wala akong balak magkagusto sa isang tao kung magiging kagaya mo lang ako," Ang plano kong kamay lang ang tititigan ay biglang nabago ng sabihin ni Ivan yon. Mabilis kong inilipat ang paningin kay Ivan ng may nanliliit na mata.
"Akala mo siguro nakalimutan mo na yung sinabi mo sakin non noh?!," bahagya akong natawa ng biglang manlaki ang mata nito at namumula ang mukha na umiwas ng paningin. "Oha! Huli ka ngayon , kunware kapa."
"E-edi d-dati!" Nginusuan ko lang ito at ibinalik ang paningin sa kamay ko. Anong klase kaya ng babae ang tipo ng ungas nato? Kagaya din kaya siya ni Cheska? Na halos lahat ng lalaki dito nagkakagusto sa kanya? Napabuntong hininga ako .
"Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwalang sa wakas kilala na niya ako at hindi lang yon for the first time nahawakan ko pa ang kamay niya ," Wala sa sariling kwento ko sa kanya.
"Kung ako ikaw ititigil ko na yang kahibangan ko dahil taken na siya."
"Lubay ka nga ! Suportahan mo na lang ako hindi yung kumokontra kapa," Singhal ko sa kanya.
"Susuportahan ko yang pangangarap mo na one day mapapansin ka din niya tapos magiging kayo tas magiging relationship goal yung relasyon nyo ganon? Edi parang sinoportahan ko na din yang kabaliwan mo," Prangkang sabi nito dahilan para matigilan ako "at isa pa, tigilan mo na nga yon! Marami pa dyan yung hindi hanggang pangarap mo lang ."
"H-hoy grabe ka naman-"
"Sinasabi ko lang sayo." Kumunot ang noo ko at nakaramdam ng matinding inis.
"Alam ko namang malabong magustuhan niya din ako pero kahit sa imahinasyon ko man lang sana.." hindi ko naituloy ang sasabihin ko, natatakot ako na kapag mali ang mga salitang bibitawan ko ay magmula akong kaawa awa sa mga mata niya.
Nawalan na ako ng gana kumain kaya naman inayos ko na ang baunan niya at walang kibong iniwan siya doon.
Sanay na ako sa pagiging prangka ni Ivan pero kung minsan hindi ko maiwasang hindi mapikon sa kanya lalo na kung yung bagay na kinokontra nya ay ang bagay na nagpapasaya sa akin.
Tahimik akong naglakad sa maingay na hallway pabalik sa room ng biglang..
"Uy hello ! Ikaw ulit," Natigilan ako ng makita ko si Yago na nakangiti habang nakatayo sa harapan ng pinto ng room ng section nila Cheska.
"Hello," imbis na kiligin ay nakaramdam ako ng lungkot ng maalala ko ang sinabi ni Yago sa akin kanina.
"Bakit magisa ka na lang? Asan na si Ivan?"
"Nauna na ako sa kanya baka kasi .." hindi ko naituloy ang gawa gawa kong dahilan ng biglang lumabas ang isang nakangiting Cheska na kitang kita sa mata ang saya.
"Hello Babe, Goodmorning!" Masayang bati nito kay Yago.
"Good morning din babe , kumain kana ba?" Parang batang tumango tango si Cheska .Napaka ganda niya, mayaman at mabait pa , maski yata ang kuko ko walang laban sa kanya.
Para akong tangang nakatayo sa harapan nila habang pinapanood sila, ayoko dito.
"Ahmm Yago mauna na ako ha baka kasi nandoon na teacher ko," Nahihiyang pagistorbo ko sa kanila.
"Ah pasensya na nakalimutan kong kausap nga pala kita hehe sige ingat ," Nginitian ko siya maging si Cheska na ginantihan din naman ako ng isang matamis na ngiti
Pinilit kong itago ang lahat sa isang napaka gandang ngiti, ang klase ng ngiti na kung saan ay itinatago ang isang walang karapatang emosyon, 'inggit'.
Ng medyo makalayo ako sa kanila ay pasimple kong pinunasan ang mga luhang nakaambang pumatak na.
Bagsak ang balikat na pumasok ako sa kaninang tahimik at ngayon ay maingay na classrom namin. Agad akong dumukdok ng makaupo ako sa upuan ko at sinubukang pagaanin ang loob ko.
Lumipas ang buong maghapon na nasa loob lang ako ng classroom , ayoko kasing makita si Ivan dahil naiinis parin ako sa kanya at natatakot naman akong makita sina Yago at Cheska kasi ewan , ewan dahil hindi ko alam at hindi ko alam kasi ayokong malaman.
"Baka naman wala kadin planong umuwi ?" Sarkastikong tanong sa akin ni Kara pero di ko na sya pinansin at tahimik na inayos na lamang ang bag at nauna ditong lumabas. Hindi pa man ako nakakadalawang hakbang ng makalabas ng pinto ay hinila akong bigla ni Kara at tiningnan mula ulo hanggang paa.
"Aha! Kaya ka siguro nagkakaganyan kase si Cheska na at si Yago noh?! " kinunotan ko siya ng kilay "Naiinggit ka kay Cheska siguro noh? Kase ang bongga ng.."
"Tinatamad lang ako kase meron ako." Pagsisinungaling ko dito at chaka iniwan ito.
Paguwi ay agad akong dumiretso sa kusina para maghanap ng makakain dahil gutom na gutom na ako.
Hindi ako nakakain ng maayos kaninang umaga at hindi naman ako nagrecess at naglunch kanina kaya hindi narin ako magtataka kung maski ang tutong na kanin makain ko.
Swerte namang nakasaing na si Mama at nakaluto na ng hapunan namin kaya nakakain ako ng maayos.
Buong gabi ay hindi ko hinawakan ang cellphone ko o lumabas ng bahay para tumambay sa harapan namin dahil tamad na tamad ako . Hindi ako sanay sa ganitong klase ng pakiramdam , hindi ako sanay makaramdam ng mga pakiramdam ng mga tauhan sa mga napapanood ko at nababasa ko lang.
Bumuntong hininga ako bago bumangon sa kama , umaga na at sa di malinaw na kadahilanan nararamdaman ko ang kaba. Paano kung maulit yung nangyari kahapon? Paano kung maging sobrang malas na naman ako? Wag na muna kaya akong pumasok?
Ipipikit ko pa lang muli ang mata ko para muling matulog ay wala sa sariling tumayo na din ako. May quiz kami sa Science ngayon kaya hindi ako pwedeng umabsent at isa pa kailangan kong magbawi sa subject na yon dahil ang laki ng ibinaba ko noong nakaraang grading.
Naligo agad ako at walang kagana ganang lumabas para magumagahan. Kagaya ng dati nakaupo na naman si Lola sa kanyang paboritong upuan habang tahimik na nakatanaw sa malayo pagpasok ko ng kusina , umupo ako at tahimik na kumain habang pasimpleng sinusulyapan si lola.
Gaano nga ba kahirap ang gumising at bumangon sa umaga araw araw para harapin ang kalungkutan na tila wala na yatang katapusan? Minsan naisip ko na rin itanong yon kay lola pero sa tuwing ibubuka ko na ang bibig ko nagbabago ang isip ko at tatahimik na lang , siguro kasi natatakot ako na baka ang makuha kong sagot ay ang sagot na kinatatakutan ko . Ang mga salitang sigurado akong makakapagpatigil sa mundo ko sa loob ng ilang minuto.
Ng makatapos sa pagkain ay nagpaalam na agad ako kay mama at kay lola at dali daling kinuha ang gamit . Paglabas ko ay biglang bumalik ang pagkainis ko ng makita ko si Ivan sa tapat ng gate namin habang nakasandal sa motor niya at tulala sa kung saan.
Magulo ang buhok niya at parang kagigising niya lang o kagigising lang nga talaga niya? Lumapit ako sa gate at binuksan yon at ng mapansin niya ang presensya ko ay parang tangang tinitigan ako nito, hindi naman ako nagpatalo kaya tinititigan ko din siya ng may nanliliit na mga mata.
Tumagal ng minuto ang titigan hanggang sa hindi na siya nakatiis at parang baliw na biglang tumawa ng tumawa. Sinamaan ko siya ng tingin kaya naman tumigil siya sa pagtawa.
"Tara na," Yaya nito at sumakay na sa motor niya pero nanatili lang akong masama ang tingin sa kanya. "Ano? Tara na kako baka malate .."
"Edi umalis kana para hindi ka malate! Sino ba kasi nagsabi sayo na intayin mo ako para sumabay sayo?!" Inis na pasigaw kong sagot sa kanya at nagsimulang maglakad palayo sa kanya. Mas gugustuhin ko pang maglakad at malate kaysa sumabay sa kanya. Naiinis ako. Naiinis ako ng sobra sobra sa kanya.
Hindi pa man ako nakakalayo ay mabilis niyang hinawakan ang braso ko at hinila paharap sa kanya.
"Sorry na sa nasabi ko kahapon Wendy , hindi ko lang talaga napigil kaprangkahan ko." Pinagmasdan ko ang mga mata niyang punong puno ng senseridad , yun ang nagustuhan ko sa ugali ng isang monggi na pamusit na may pagkaprangka at baliw na si Ivan.
Hindi siya kailanman nagtaas ng pride pagdating sa akin.
BINABASA MO ANG
That 'Hindi Ka Crush Ni Crush' Feeling
Teen FictionBakit nga kaya ganon? Taken na ang Crush mo pero umaasa ka parin na magbebreak sila at Mapapansin ka niya? Yung tinapat ka na niya na hindi ka niya crush pero naghihintay ka parin na baka magbago ang isip niya? Bakit nga kaya sa dinami dami ng lala...