"Hoy mabusog kana dyan! Ubos na ubos na pera ko dahil lang sayo!" Inis na sigaw ko kay Ivan.
"Eh sa bitin pa ako e! Dali na bumili kana lang kasi." Inis akong tumayo at muling pumila para ikuha pa ng isang rice si Ivan.
Inilapag ko ang plato na may isang cup ng rice sa harap niya at muling naupo.
"Sana naman mabusog kana dyan kase last na yan , hindi na kita ibibili kahit kalbuhin mo pa ako," natawa naman ito sa sinabi ko na para bang nagjoke ako.
Ubos na ubos ang pera ko ngayong araw dahil sa kumag na si Ivan , hindi ko daw tinupad ang usapan namin na ililibre ko siya kahapon kaya hindi siya titigil sa kakakain ngayon hanggat di umiiyak ang pitaka ko.
Matapos makailang plato ni Ivan ay inaya ako nito sa likod ng building namin , mapuno doon at mahangin dahil na din sa bukid kaya naman madalas kaming tumambay doon kasama si Kara minsan kapag maaga kaming natatapos kumain ng lunch.
Wala si Kara ngayon dahil first anniversary nila ng boyfriend niyang si Jake kaya sa labas sila kumain.
Naupo kami sa isang mahabang upuan doon na gawa sa sanga ng isang puno at tahimik na pinagmasdan ang bukid. Nakakaantok ang simoy ng hangin at nakakarelax naman ang tunog ng mga dahong tinatamaan nito.
"Wendy pwedeng magtanong?" gusto ko sanang pilosopohin siya na nagtatanong na nga siya pero mukang seryoso siya ngayon kaya naman imbis na kumibo ay tumango na lang ako.
"Bakit kahit taken na yung taong gusto mo hindi mo parin itinitigil yung nararamdaman mo sa kanya?" Tanong ni Ivan sa akin . Nanatili ang paningin ko sa isang puno di kalayuan samin at simpleng napangiti.
"Sana nga naging parang isang switch na lang yung feelings ko para sa kanya para pwede kong i-turn off ng ganon lang kadali. " simpleng sagot ko sa tanong niya.
"Pero diba gusto mo pa lang naman siya? Hindi mo pa siya mahal , kaya bakit ka mahihirapang itigil yung nararamdaman mo sa kanya?"
"Nakakalito ba?" Natatawang tanong ko dito .
"Oo."
"Kunwari isang sapatos na gustong gusto mo yung taong gusto mo , kapag ba nakuha na iyon ng iba hindi mo na yon gusto?" Umiling ito, "Hindi ba't aasa ka parin na isang araw baka makakita ka ulit ng ganon?" Napabuntong hininga ako at nilingon si Ivan na nakatingin lang sa akin na may blangkong ekspresyon?
"Ituloy mo," utos niya.
"Magbabaka sakali ka pa rin na kahit may nagmamayari na ng puso niya baka mapansin ka din niya isang araw," napakunot ang noo ko ng magiwas ito ng paningin at mapabuntong hininga. "Bakit mo nga pala naitanong?"
"Gusto ko lang malaman kung pareho lang ba tayo ng dahilan."
"Pareho ba?" natatawang tanong ko sa kanya ,ngumiti ito at muling tumingin sa akin.
"Parehong pareho," sa maraming taong naging kaibigan ko si Ivan , napapaisip na lang ako sa mga salitang binibitawan niya minsan kung tama ba ang pagkakaintindi ko o kung may iba pang kahulugan ang mga iyon kagaya na lang ngayon. Hindi ko siya maintindihan , sino kaya yung tinutukoy niya? Ibig sabihin ba hindi totoo yung sinabi niya kahapon na wala na siyang gusto sa taong gusto niya noon na may iba namang gusto?
Pagkatapos ng klase ay agad akong nilapitan ni Kara na bakas parin ang kilig sa saglit na date nila ni Jake kahit ilang oras na ang nakalipas.
Habang naglalakad kami palabas ng gate ay ikinuwento niya sakin ang lahat ng nangyari at base sa paraan ng pagkukwento ni Kara ay kitang kita ang saya. Kung sa bagay napakasarap nga siguro sa pakiramdam kapag mahal ka din ng taong mahal mo.
Ng makasakay sa jeep si Kara ay nagsimula na din akong maglakad pauwi.
Maaga pa lang ay nagpauwi na ang teacher namin sa last period kaya naman wala akong makitang kapwa ko estudyante na naglalakad din pauwi. Ganito na lang sana araw araw , tahimik , dahil para sa akin nakakarelax iyon.
Nang madinig ko ang ilang tawanan ng mga bata na nagmumula sa palaruan sa harap ng simbahan na madalas naming tambayan din ni Ivan ay naisipan kong magpalipas muna ng oras doon.
Umupo ako sa isang swing doon at pinagmasdan ang mga batang masayang nakikipaghabulan. Naaalala ko pa noon , isa kami ni Ivan sa mga batang nagpapaingay sa palaruan na ito. Halos maghapon laro lang kami ng laro dito. Naaalala ko pa noong sasalingin ko na sana si Ivan habang naglalaro ng langit at lupa pero bigla akong nadapa , at ang bugok imbis na tulungan ay pinagtawanan pa niya ako ng sobra sobra.
Napabuntong hininga ako at isinandal ang ulo sa kadena ng swing . Masyado na kaming matagal na magkaibigan ni Ivan kaya kilalang kilala na niya ako , kabisadong kabisado na din niya kung paano ang takbo ng isip ko pero bakit ganoon? Minsan mapapaisip na lang ako kung siya ba kabisado na talaga ang ugali? Pakiramdam ko kasi sa tuwing titingnan ko ang mga mata niya kapag nagbibitaw siya ng mga simpleng linya, parang may kakaiba, parang may itinatagong kung ano man? Napabuntong hininga ako sa naisip , o baka guni guni ko lang iyon.
Kinuha ko ang headset sa bag at ang cellphone at nakinig na lamang ng music para maiwasang magisip isip ng kung ano ano.
Now Playing :
Over and Over Again
By Nathan Sykes"From the way you smile
To the way you look
You capture me
Unlike no other
From the first hello
Yeah, that’s all it took
And certainly
We had each otherAnd I won’t leave you
Always be true
One plus one, two for life
Over and over again[Chorus]
So don’t ever think I need more
I’ve got the one to live for
No one else will do
I’m telling you
Just put your heart in my handsI promise it won’t get broken We’ll never forget this moment
It will stay brand new
‘Cause I’ll love you
Over and over again
Over and over again"
Pumikit ako at bahagyang napangiti. Paborito ko ang kanta na ito dahil bukod sa nakakakilig ang ibig iparating ay iniimagine ko ang sarili ko kapag dumating na ang tamang lalaki para sa akin. Iniimagine ko ang sarili ko habang nakatayo sa harapan niya habang kinakanta niya sa akin ito , na para bang hindi niya lang ako basta hinaharana kung hindi ipinaparamdam niya din sa akin kung gaano niya ako kamahal .
Marami pa akong oras para hintayin siya pero minsan napapaisip ako , paano kung habang papunta pa lang siya ay maaksidente siya at hindi na makarating sa akin? O kaya naman paano kung naghihintayan lang pala kami?
Nakakatawa , bakit nga ba ngayon ko lang naisip na hindi naman talaga isang misteryo kung tutuusin ang 'pag-ibig'? Isa lang itong simple pero nakakalitong pakiramdam na madalas nakakapagpasaya sa atin at kung minsan naman ay isa sa nagiging rason para tayo masaktan.
Para sa akin ang 'tadhana' talaga ang isang matatawag na misteryo , kailanman , hinding hindi mo mahuhulaan ang mga pinaplano nito para sa iyo at sa kung paano nito isasagawa ang mga pinaplano niya para sa iyo.
Idinilat ko ang mga mata ko at natigilan ako ng makita si Ivan na nakatayo hindi kalayuan sa akin habang nakapamulsa at nakatingin sa akin, natawa ito ng bahagya bago ito magsimulang maglakad palapit sa akin at napangiti naman ako.
'Nakakakaba..' sa sobrang misteryo ng tadhana , nakakaramdam ako ng kaba sa kung ano ang pinaplano nito para sa akin. Paano kung ilagay niya ako sa isang kumplikadong sitwasyon?
"Ice cream ?" Tumango ako at tinanggap ang iniaalok na kamay ni Ivan para alalayan akong tumayo . Sabay kaming naglakad palapit kay Mang Tonio para bumili ng walang kamatayang ice cream.
BINABASA MO ANG
That 'Hindi Ka Crush Ni Crush' Feeling
Teen FictionBakit nga kaya ganon? Taken na ang Crush mo pero umaasa ka parin na magbebreak sila at Mapapansin ka niya? Yung tinapat ka na niya na hindi ka niya crush pero naghihintay ka parin na baka magbago ang isip niya? Bakit nga kaya sa dinami dami ng lala...