Simula

224 9 0
                                    

Nakakalungkot mang isipin na sa dinami dami ng taong pwede mong magustuhan ay doon kapa sa malabong magustuhan ka nagkagusto.

Hindi bituin ang mga crush natin pero sa tuwing patagong sisilayan natin sila nakakatawang isipin na nagiging parang isa sila doon para satin kapag naiisip natin na kahit kailan man ay hindi natin sila kayang masungkit.

Siguro swertihan na lang talaga kapag nagkacrush ka tapos naging crush kadin nito pero para sa mga minalas , minamalas at mamalasin , huwag kayong mag-alala dahil marami kayo! Maraming umaasa at naghihintay ng himala na isang araw mapapansin din sila ng mga taong gusto nila.

Kaya naman para sa mga taong pinalad pagdating sa pagibig , ni minsan ba hindi sumagi sa isip niyo kung ano bang feeling kapag hindi kayo crush ng crush niyo?

Ang klase ng feeling na ipaparanas sa iyo ang mga bagay na mahirap ipaliwanag kung bakit nararamdaman mo iyon.

That 'Hindi Ka Crush Ni Crush' FeelingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon