Kabanata 5

56 3 0
                                    

Isang buwan na din ang nakalipas magmula noong maging si Yago at Cheska at ngayon ang unang araw ng September.

Nakakatamad pumasok dahil maulang umaga ngayon , ang sarap sanang matulog maghapon...

Walang gana akong naglakad papunta sa room namin. Maugong ngayon ang usapan tungkol sa nalalapit na Aquaintance Party na gaganapin na sa isang linggo ayon sa pagkakatanda ko kaya heto na naman ang pamilyar na kaba sa dibdib ko.

Napabuntong hininga ako bago makapasok sa loob ng maingay naming room.

Hindi maganda ang unang karanasan ko ng party na yon noong grade 7 pa lang ako kaya magmula noon , hindi na ako pumunta pang muli sa mga ganoong klaseng event sa school , kahit ano pang klaseng gawing pamimilit sa akin ni Mama at ate noon at ilang beses na pangungulit naman ni Ivan at Kara ay hindi nila ako napapapayag.

"Problema mo? Para kang nakalunok ng isang buong ampalaya," sarkastikong salubong ni Kara sa akin.

Ng makaupo ako ay naupo naman ito sa katabi kong upuan.

"Napuyat ako kagabi dahil sa album na project natin sa T.L.E kagabi hays," napabuntong hininga ako at kinuha ang notebook ko sa Science para magreview sa quiz namin mamaya doon.

"Ako man jusko! Nagtampo pa nga si Jake ng onti lang naman sa akin kasi hindi ko man lang daw nareplayan yung mga text niya na naipon na ng naipon pala, kaloka! Ang sweet sweet niya talaga!" Kinikilig na bida niya.

"Asan yung sweet don?" Natatawang tanong ko sa kanya. Inirapan naman ako nito at nginiwian.

"Edi shempre yung pagtatampo niya kasi hindi man lang niya ako nakausap , duh?! Alam ko namang wala kang alam sa mga ganong bagay kase hindi kapa nagkakaboyfriend pero hindi mo ba napapanod man lang sa mga drama , movie at kung saan pa man yung mga ganon?" Natatawa akong napailing dito at umarte naman siya na parang ang kausap niya ay ang pinaka tangang tao sa balat ng lupa.

"Shotain mo na nga yung bestfriend mo ng hindi ka naman ganyang ka inosente jusmeyo ka!" umarte ako ng parang nandidiri at pumangalumbaba at sa blackboard itinuon ang paningin.

"Hindi ko maimagine yung sarili ko habang nagsasabi ng 'mahal kita' sa kanya," natatawang kumento ko sa walang kakwenta kwenta niyang sinabi na iyon.

"Iba ka!" natatawang pabirong sabi nito sa akin dahilan para matawa na talaga ako "Pero alam mo? Bagay talaga kayo e."

Tatawa tawang umiling ako sa kanya "Tao ako at unggoy siya," pamimilosopo ko sa kanya. Muli akong inirapan nito at umayos ng pagkakaupo.

"Pero seryoso , bagay talaga kayo," pagpipilit niya."Hindi naman natin maitatanggi na gwapo talaga si Ivan , sa totoo lang kung walang Jake baka isa pa ako sa maraming babaeng lihim na may espesyal na pagtingin sa mokong na iyon," natatawang kwento nito. "Pero noong unang beses ko kayong makitang magkasama doon ko narealized na kahit pala walang Jake na nanliligaw pa lang sa akin noon wala paring Kara na magkakagusto sa isang Ivan kase imbis na makaramdam ako sa iyo ng inggit noon kase close kayo , nakaramdam ako ng tuwa kay Kupido dahil mukang maganda ang naisip niyang plano para sa inyong dalawa."

Hindi ko na nagawa pang makapagsalita dahil sa pananaw ni Kara tungkol sa samahan namin ni Ivan kaya naman natahimik na lamang ako at napaisip tungkol doon. Ilang minuto pa at dumating na din ang teacher namin.

Natapos ang isang buong araw na nakalutang ang utak ko , hindi mawala wala sa isip ko ang sinabing iyon ni Kara. Nakakagulat dahil kahit minsan hindi ko naisip na pupwede pa lang may iba pang kahulugan para sa iba ang pagiging sobrang close namin ni Ivan, mga bagay na hindi man lang sumagi sa isip ko kahit minsan.

"Anong iniisip mo?" Nabalik ako sa reyalidad ng biglang sumulpot sa tabi ko si Annie , ang nakababatang kapatid ni Ivan. Nakaupo kami ngayon sa mahabang upuan dito sa harapan ng bahay namin na kung saan ay umiihip ang sariwa at nakakarelax na hangin segu-segundo.

That 'Hindi Ka Crush Ni Crush' FeelingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon