C1 - Almost perfect family

29 1 0
                                    

LEVA's POV

Di ko mapigilan ang luhang kumawala mula sa mga mata ko. Hindi ko na kaya, hindi na ako makahinga.

"Mom, dad ayoko na!" tawa ako ng tawa dahil hindi parin sila tumitigil sa pangingiliti.

"Mom!" sigaw ko, pumalag ako ng pumalag hanggang sa makawala ako sakanila at nagtatakbo papuntang garden.

Tatawa-tawang hinabol nila ako. Agad kong inagaw ang host sa gardener namin at itinapat kay mommy at daddy.

"Good morning din po!" tawa ako ng tawa habang umiiwas sila sa tama ng tubig mula sa host.

Nagtitili ako ng biglang mawala ang tubig. Napatingin ako sa switch at nakita ko si Lyxer na nakangisi sakin habang nakahalukipkip.

"Paano ba yan, samin sya kakampi?" nagsisigaw na tumakbo ako palayo ng dahan-dahang lumapit si dad sakin, si mom naman tawa ng tawa.

"Dad ayoko na po!" sigaw ko habang lumalapit kay Lyxer na tumakbo din palayo. Inis na hinabol ko sya habang hinahabol ako ni dad.

"Humanda ka sakin kapag nahuli kitang supot ka!" nakailag ako sa ibinatong tsinelas ni Lyx.

"Sa gwapo at tangkad kong 'to, supot? Nahiya naman ako sayong pandak ka!" mas binilisan ko pa ang takbo at nang maabutan ko sya ay agad kong sinabunutan ang buhok nya.

"Hindi ako pandak! Sadyang kapre ka lang!" nagpagulong-gulong kami sa lupa. Pinakubabawan ko sya at pinagkakagat sa tenga.

"Aray masakit! Tita si Leva oh!" nang makawala sya sakin ay hinarap nya ako at piningot sa tenga, syempre hindi ako papatalo, nilakasan ko ang pag pingot sa tenga nya.

"Aray!" parehas na daing namin habang naglalakad palapit kay daddy na nakaupo sa may mini-table.

"Kayong dalawa tumigil na at kumain na dito." awat ni mom samin.

"Bitaw na!" ayaw naming pareho na bumitaw.

"Ikaw mauna!" singhal ko sakanya pero binelatan nya lang ako.

"Sabay tayo." sabi nya kaya tumango ako. Nagbilang sya hanggang tatlo.

"Aray, napakadaya mo talaga!" hinimas nya ang pisngi nya ng kagatin ko iyon at nagtatakbo palapit kay mommy.

"Oh. Baka lamigin ka." inabot nya sakin ang tuwalya na agad ko namang tinanggap at pinalibot sa katawan ko. Umupo ako sa tabi nya at kumuha ng sandwich.

Napatigil ako ng may mapagtanto at humarap kay mommy.

"Oh bakit?"

"Eh mom, sino bang basa sating dalawa?" nginuso ko ang tuwalya na binigay nya sakin. Narinig kong tumawa si daddy.

"Oo nga 'no? Akin na." binigay ko naman agad sakanya. Kaya natawa nalang kami.

"Ikaw bakit nandito ka na naman? Ang aga mo mangapit-bahay." tanong ko kay Lyxer.

"Para namang may bago pa diyan." pareho kaming natawa sa sinabi ni dad.

Wala namang bago. Araw-araw, twing umaga ay nagpupunta dito si Lyxer para makisabay sa almusal namin.

No, he's not poor. Iba lang talaga ang trip nya sa buhay. Nagtataka nga ako kung pinapagalitan ba sya sa kanila o hindi.

Para kasing dito na sya nakatira. Uuwi lang sya sa bahay nila kapag gabi para matulog tapos sa umaga pupunta ulit dito.

"Hindi ka ba pinapagalitan sa inyo? Halos dito ka na naglalagi sa bahay." tanong ni mom sakanya na agad namang sinang-ayunan namin ni dad.

"Hindi naman po, tita. Nakakabingi lang po kasi na araw-araw nalang silang nagsisigawan sa bahay." parang wala lang na sagot ni Lyxer. Nagkatinginan kami ni dad.

"Hindi parin pala sila nagbabago." komento ni dad, tumango lang si Lyxer at tipid na ngumiti. Napatingin ako kay mom na agad naman nyang naintindihan ang ibig kong sabihin.

Ampon lang si Lyxer at yun ang hindi nya alam. Kaya hindi na kami nagtataka kung bakit binabaliwala sya sa bahay nila. Para ko ng kapatid si Lyxer kaya kapag nangangailangan sya ng tulong o karamay. Nandito lang kami palagi para sakanya. Halos lumaki syang kami ang kasa-kasama nya.

"Hayaan mo nalang. Nandito parin naman kami para sayo, diba mom? dad?" napangiti ako ng pareho silang tumango at sabay na nag thumbs up dahil hindi sila makapagsalita at parehong may nginunguya.

"Salamat po. Ang sweet talaga ni ate." agad akong napangiwi dahil sa itinawag nya sakin.

"Hoy, baka nakakalimutan mo mas matanda ka sakin ng isang taon?" nakataas pa ang kilay na tanong ko.

"Hala ka, may amnesia na sya! Baka nakakalimutan mo si Lieu iyon? Nineteen ka na, seventeen palang ako. Twenty sya." napangiwi ulit ako kaya nagtawanan sila. Ginulo ni dad ang buhok ko.

"Makakalimutin ka talaga." napanguso nalang ako kay dad.

"La, isusumbong kita kay Lieu, kinalimutan mo na sya." agad ko syang binato ng tissue.

"Yung edad lang naman, hindi sya!" depensa ko sa sarili.

***

A/N :

I dedicate this first chapter to ThatHokageGirl. Salamat sa pag dedicate ng Chapter 22 mo sakin, na shock ako promise. First time yun.

SILENT ACADEMY 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon