C3 - I saw something

8 1 1
                                    

LEVA's POV

Inis na kinamot ko ang pisngi ko pagkalabas namin ng guidance office. Badtrip! Sino kayang poncio pilato ang nagpakawala ng mga daga at kami pa ang nasisi!

"Easy lang. Hayaan mo na yun. Pasalamat nalang tayo at hindi pinatawag ang parents natin. Tara uwi na tayo." tumango nalang ako at sumunod kay Lieu. Utos na rin ng principal na pauwiin kami at humingi ng promisory note sa parents namin. No way!

"Saan kayo pupunta?" napaigtad ako ng biglang magsalita si Lyxer sa likuran namin. Napatingin ako sa likod nya, hinila ko sya palapit sakin pero wala naman. Napailing nalang ako.

"Pinapauwi na kami ng principal." sagot ko sakanya at tumingin sa paligid. Naipilig ko ang ulo, inaantok lang ako.

"Ano na naman ang ginawa nyo?" sabay kaming kumibit-balikat ni Lieu.
"Nagpasabog lang kami sa gym." baliwalang sagot ni Lieu sakanya, napatangin sya sa hawak ko. Nanlaki ang mga mata nya.

"Nang palaka?" di makapaniwalang tinignan nya kami.

"Yap! Ang saya nga eh. Kaso biglang may umeksena at nagpakawala ng mga daga, ang dami nga eh." sino kaya ang may gawa nun? Hindi lang kasi isang garapon yun kundi ilang sako. As in SAKO ang kailangan para magkasya ang mga daga kanina.

"Mga kalokohan nyo talaga. Oh, anong parusa nyo?" hinila ko na sya at inakbayan. Nagsimula na kaming maglakad, agad akong napatingin sa bakanteng kwarto na nadaanan namin. Sumilip ako.

"Wala namang tao." bulong ko sa sarili.

"Anong sinisilip mo?" napatingin ako kay Lieu at umiling.

"Wala. Tara na." bakit pakiramdam ko may mali? I mean bata palang ako, alam kong may mali na pero iba ngayon.

Nakakapanindig balahibo.

Napatingin ako kay Lyxer na nasa likuran ko lang. Nahinto ako sa paglalakad ng may makita ako sa gilid nya pero agad ring nawala.

Napasabunot ako sa buhok.

"Bilisan na nga natin, inaantok na ako." mas binilisan ko pa ang lakad. Ilang beses kong pinikit ang mata ko ng makitang parang dumadami sila.

Naman!

Pagkarating namin sa parking lot ay mabilis akong pumasok sa kotse ni Lieu at ni-lock ang pinto pagkapasok nila. Napayuko ako.

Anong nangyayare sakin? Antok lang ba talaga to o totoong nakikita ko sila?

"May problema ba?" umiling lang ako kay Lieu at sumandal. Napabuntong hininga ako ng wala na kong makitang kakaiba.

Nahagip ng paningin ko si Lyxer mula sa salamin. Seryoso lang ang mukha nito na nakatingin lang sakin. Nagtaka ako.

"Bakit?" ngayon ko lang sya unang beses na makitang seryoso. Palangiti kasi sya at never ko syang nakitang ganito kaseryoso.

"Wala." umiling lang sya at umiwas ng tingin.

"San tayo?" tanong ni Lieu. Sasagot na sana ako ng may maalala tsaka biglang natapik sa balikat si Lyxer.

"May klase ka pa diba! Ba't nandito ka?" bigla syang ngumisi.

"Tapos ano, iiwan nyo ko at uuwi akong mag-isa? Ayoko nga." binatukan ko sya.

"Papagalitan ako ni daddy kapag umuwi ka!" singhal ko sakanya, kumibit-balikat lang sya.

"Edi wag muna tayong umuwi." kulang nalang ay umusok ang ilong ko sa sagot nya.

"At kailan ka pa natutong mag cutting classes! Sino nagturo sayo nyan, sabihin mo! Susunugin ko ang bahay!" kumamot lang sya ng ulo.

"Kanina lang ako natuto dahil sayo. Susunugin mo parin ba ang bahay?" inis na sinabunutan ko sya. Tawa naman ng tawa si Lieu.

"Tama na nga yan! Levs pagbigyan mo na, ngayon lang yan." agad kong hinampas si Lieu sa dibdib.

"Isa ka pang kunsintidor ka! Hala, diretso sa bahay!" agad syang sumaludo.

"Yes ma'am." napakapit ako sa sandalan ng upuan nya ng mabilis nyang pinatakbo ang kotse.

"Hayup ka Lieu! Hinay-hinay lang, ayoko pang mamatay!" sigaw ko sakanya, langya wala pa kong seatbelt.

"Lieu papatayin kita!" galit na sigaw ko, unti-unti nyang binagalan ang pagpapatakbo tapos tumawa sila ng malakas ni Lyxer.

"Papatayin mo ba ako ha! Wala akong suot na seatbelt, alam mo yun! Nakakainis ka talaga!" pinaghahampas at pinagsasabunutan ko sya sa sobrang gigil.

"Aray! Oo na, sorry na! Bitawan mo na ako kung ayaw mong mabangga talaga tayo!" mabilis pa sa alas kwatro na binitawan ko sya.

Pagdating namin sa bahay, kulang ang salitang natulili ako sa sigaw ni daddy.

"Kung gagawa ka lang din ng kalokohan, wag mo ng idamay pa si Lyxer! Naiintindihan mo!" napanguso ako at pasimpleng kinurot si Lyxer na katabi ko lang. Napaigtad sya.

"Aba't! Hala akyat sa kwarto!" kakamot-kamot ng pisngi na umakyat ako sa taas. Nag peace sign pa ko kay mom ng mahagip ko sya sa pinto ng kusina.

"AAAHH!"

***

A/N :

Walang pasok, walang ginagawa. Edi update everyday.

Windmills7 for you, thank you for following me.

SILENT ACADEMY 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon