C5 - Something's wrong

4 0 0
                                    

LEVA's POV

Nagtatalon ako sa sobrang tuwa ng i-announce ng principal na walang pasok at pwede ng umuwi!

"Uwian na!" sigaw ko pa, napangiwi nalang ako ng may bumatok sakin pero pagtingin ko sa likod, wala namamg tao.

Dali-dali akong nag-ayos ng gamit at nagtatakbo palabas. Napatili ako ng may makasalubong ako.

"Problema mo? Ba't namumutla ka?" nakahinga ako ng malalim ng makilala sya.

"Wala naman. Si Lyxer?" napakunot ang noo ko ng kumibit-balikat sya.

"Saan nag punta yun?" sumunod sya sakin, halos libutin na namin ang buong university pero walang Lyxer.

"Sa library kaya?" oo nga 'no? agad akong naglakad papuntang library. Pinakita ko yung ID at tsaka pumasok. Nakita namin si Lyxer sa dulo at natutulog habang nakasubsob sa libro.

"Kita mo 'to." tinapik-tapik ko sya sa pisngi.

"Lyxer, gising!" mahinang singhal ko sakanya. Marahas na hinila ko ang librong kinapapatungan ng ulo nya.

"Aray!" pinitik ko ang noo nya.

"Tara uwi na tayo. Cancel ang klase." pag-aaya ko sakanya, nagtaka ako ng bigla syang namutla at parang balisa. Ang mga mata nyang may pangamba at pag-aalala.

"Anong problema?" tanong ko sakanya, saglit syang tumingin kay Lieu.

"W-wala. Tara na." nagmamadaling inayos nya ang gamit at naglakad ng mabilis.

"Problema nun?" umiling lang ako kay Lieu at sumunod kay Lyxer.

"Lyxer sandali!" tawag ko sakanya, nag-aalala ako. Hindi naman sya nagkakaganito noon. Sa mga kilos nya ngayon alam kong may mali.

May hindi tama.

Hindi sya tumigil at nagdire-diretso sa parking lot. Napakamot ako sa pisngi. Saglit lang kaming nagkahiwalay kanina, nagkaganon na sya?

"A-ate..." hindi nya naituloy ang sasabihin ng pumasok si Lieu sa kotse at nagdrive. Biglang nanahimik si Lyxer.

May mali talaga sakanya. Magtatanong na sana ako ng tignan nya ako sa mata at umiling. Di nalang din ako umimik.

Pagkarating sa bahay ay agad kaming bumaba sa kotse pero hinila ni Lieu si Lyxer palayo at mukhang mag-uusap. Hindi ko na sana papansinin ng makita kong mas lalong namutla si Lyxer at mas naging balisa, para syang... natatakot.

"Lieu matagal pa ba yan?" tanong ko sakanya at lumapit. Hinawakan ko si Lyxer sa kamay. Nanginginig at nanlalamig iyon.

Tama nga ako!

"Alis na rin ako, Levs." humalik sya sa pisngi ko at kita ko ang nga mata nyang tumuon kay Lyxer na may pagbabanta. Humigpit ang hawak ko sakanya.

Umalis na rin si Lieu hanggang sa hindi ko na makita ang kotse nya. Agad kong hinarap si Lyxer na pawisan.

"Sabihin mo sakin, anong problema?" agad syang umiling-iling at tinikom ang bibig.

"Si ate lang to. Sabihin mo sakin ang problema, hindi ako sanay na ganito ka." tumulo bigla ang mga luha nya, dinagsa ng sobrang kaba at pag-aalala ang buong pagkatao ko.

Gusto kong sabunutan ang sarili ko.

"Okay hindi na kita pipi--" natigil ang pagsasalita ko ng bigla syang may kinalikot sa bag nya.

Nang makuha ang bagay na yun ay agad nya akong hinila sa tagong lugar at ibinigay sakin iyon. Babasahin ko na sana ng may dumaan kaya agad kong naitago iyon.

"May problema ba kayo? Anong ginagawa nyo dito?" tanong ng matandang dumaan.

"Ah wala naman po. Inaalo ko lang ang kapatid ko, bumagsak po kasi sa test nila." jusko, wag sana akong mapunta sa impyerno at nakapagsinungaling ako.

"Ah ganon ba? Oh sige, maiwan ko na kayo." tumango lang ako at ngumiti. Umalis din agad ang matanda.

Muntik pa kong mawalan ng balanse ng bigla akong dambahin ng yakap ni Lyxer at humikbi. Nanlamig ako. Dahell?

"L-lyxer t-tahan na..." wala akong masabi, hindi ako magaling mag comfort.

"A-ate, n-natatakot ako. S-sabi nya, p-papatayin daw n-nya ako k-kapag sinabi ko s-sayo. A-ate, ayoko m-mag sinungaling sayo." niyakap ko nalang sya pabalik at hinaplos ang likod nya. Pasigok-sigok na sya kaya mas hinigpit ko ang yakap ko.

"Sinong nagsabi sayo nyan?" hinawakan ko ang magkabilang pisngi nya.

"Kanina, si Lieu." pinahid ko ang mga luha nya.

"Imposible yang sinasabi mo. Mabait si Lieu, alam mo yan diba?" sunod-sunod syang umiling.

"Yun din ang akala ko, ate. Pero kanina ng malaman ko ang tungkol diyan sa papel, nagalit sya ng sobra. Nakakatakot sya, ate." umiyak sya ng umiyak.

Napatingin ako sa papel. Hindi ko alam kung anong laman nun pero bakit parang tinambol ang dibdib ko sa sobrang kaba?

"E-edi hindi ko nalang babasahin." umiling-iling sya.

"Importante yan ate. Tungkol sayo ang laman."

***

A/N :

Hi Janillove this is for you :) thanks for the fb.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 10, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SILENT ACADEMY 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon