Chapter 1

217 2 1
                                    

Ito na siguro ang pinakamalungkot na pasko ni Izabela “Iza” Ronquillo, 16 y.o. Hindi nya makuhang magnoche-buena at pati medya-noche hindi niya rin sinipot!

“Anak tahan na, halos isang buwan na yun nangyari..tapos na ang Christmas at new years break pero hindi ka pa rin pumapasok. Nag-aalala na sa iyo ang mga kaibigan mo lalo na si Joy na bff mo! Tahan na..sige ka, kapag hindi ka pa tumahan dyan lalabas na yung dugo hindi na luha.” birong sabi ng maaalahanin na si Aling Lita sa kanyang nag-iisang anak.

“Inay naman, nagbibiro pa! hindi ko pa po kayang pumasok..”

“Pinapangiti lang kita, tumahan ka na..” pinahiran nya ang luha ni Iza tapos kinuha nya na ang pinagkainan ng anak dahil palaging nasa kwarto siya.

Grabe! hindi parin makamove-on,kawawang Iza pero mas ok na siya kumbaga noong 2 linggo na ang nakalilipas..hindi talaga siya makakain at iyak ng iyak na humantong pa na itakbo siya sa ospital.. bago umalis ang kanyang ina nag-iwan sya ng makabuluhang salita or 'words of encouragement' na baka sakaling magpapawi ng kalungkutan ng anak.

“Iza, bata ka pa.. marami ka pang panahon upang mahanap ang iyong mamahalin siguro hindi talaga sya ang tamang lalake na para sa iyo subalit wag kang mawalan ng pag-asa dahil may mag-mamahal rin sa iyo ng tapat at lubos. Mag-aral ka muna...”

 Tama ang sinabi ni Inay! “Mothers knows best” ika nga.. subalit palagi niya pa rin naiisip ang araw na iyon at bigla na lang naluluha. Paano niya kaya makakalimutan iyon?

1 Month Ago...

     “Sa wakas malapit na ang Christmas break! Makakapahinga na rin ako!!!” si Joy, bestfriend forever ni Iza. Patungo siya kasama si Iza sa faculty room upang dalhin ang projects ng klase nila, sila’y section 5, 3rd year high school. “Anong problema?” napanin nya kasi ang kaibigan na parang may iniisip.

     “Wala naman...” nagsisinungaling si Iza at napi-feel iyon ni Joy

     “Alam ko na yan.. Sabihin mo na kasi! Nag-away ba kayo ni Eric?”

     “Hindi...nag-date kasi kami kahapon-“

     “Iyun naman pala eh!! Kala ko naman nag-away kayo..” wika ng sabaterang echuserang Joy.

     “Hindi pa tapos kwento ko...”

     “Sorry naman, tao lang. Ipagpatuloy!”

     Itinuloy ni Iza, nag-date sila ni Eric and celebrating their 10th months on their relationhip. Nanuod sila ng sine, namasyal sa park at window shopping sa mall..then suddenly nasalubong nila ang napakagandang babae then nahulog ang kanyang mga pinamili.Nagtaka siya kung bakit nahulog iyon nang makita sila ni Eric pero hindi nya na iyon inisip at agad na tinulungan biglang pumasok sa kanyang isip na ang babaeng iyon ay si Mae Valencia, ang Binibini ng Marcelle Academy.

Nagpasalamat si Mae at biglang napansin ni Iza ang mangilid-ngilid niyang luha. Tatanungin niya sana ito but she suddenly walking so fast!

     “Iyung lang pala ang pinuputok ng buchi mo! Grabe! Napansin mo pa talaga na mangilid-ngilid ang luha nya” biro ni Joy

     “Ewan ko sayo!” tampururot agad si Iza, nakarating na sila sa faculty room. Sila’y pumasok at sinabi nilang pareho na “Good Afternoon!” sa mga teachers agad na pumunta sila sa desk ng kanilang teacher upang ilagay ang projects ng kanilang section at saka lumabas ng faculty..

     “Napuwing lang siguro yun! Wag ka ng mag-alala..” si Joy

     “Paano kung hindi iyun ang talagang nangyari, paano kung may nakita sya na ikinalungkot nya.”

     “Baka may tumawag sa cellphone nya at ibinalita sa kanya na may masamang nangyari!!!” hysterical na hysterical ang emosyon ng kwelang kaibigan nito at saka, “Ewan!!! nai-stress lang ako pag nag-iisip lang ako, magpalamig na lang tayo sa rooftop in fairness 2:40 pa naman at 3:30 ang susunod nating klase at baka nga ma-late pa ang teacher na yun ng 1 oras pumunta pa siya hehe"

     Kahit ganuon ang ugali ni Joy na sobrang makapag-biro, maepal at matabil ang dila na halos layuan mo na at baka lagyan mo pa ng zipper ang bibig, mabait sya! Sa katunayan, si Iza lang ang napi-feel nyang nakakaintindi sa kanya...

     Patungo na sila sa rooftop at nagsimula ng bagong topic si Joy “Tanong ko lang Iza..nag-kiss na ba kayo ni Eric? Don’t lie to me! Yes or No???”

     “Anong klaseng tanong ba iyan? syempre hindi pa”

     Nagulat siya dahil 10th months ng exclusively dating ang bff nya at si Eric but they still didn’t kiss?!! Sabagay ganyan talaga ang reakyon ng mga naka-anim nang boyfriends na katulad ni Joy...as of now she dated a guy na galing sa lowest section but he’s cute na nagustuhan naman ni Joy...

     Nagpaliwanag naman si Iza sa tanong ng kaibigan kung bakit hindi pa sila nag-kiss ng kauna-unahan niyang kasintahan at nananalig siya na huli na rin at magsasama hanggang pagtanda for better or for worst subait sa kadahilanang siya'y “Sobrang bata pa ako para mahalikan.. at dusto ko na maghintay si Eric para duon” biglang nalungkot siya at may inilahad siya sa kaibigan “Alam mo ba, nararamdaman ko na masama ang loob nya sa akin dahil hindi ko siya pinayagang mag-kiss kami nuon. Sana mali ang nararamdaman ko...”

    “Wag ka ng malungkot...mai-stress ka lang pag inisip mo yun! Pero ma-advice lang kita kapatid.. may pangangailangan rin ang mga boys pero may ibang handang maghitay at ang iba’y hindi na makapaghintay siguro intindihin mo rin sila...”

     Malapit na sila sa rooftop, napakalamig kasi ruon at hahampas ang hangin sa iyo subalit tila hindi malamig ang madarama ni Iza.Parang mainit! Kumukulong damdamin sa nakita nila pagdating ruon, nagulat si Eric sa kanyang pagtataksil! Agad na lumuha sya sa nasaksihan at agad na umalis na hindi alam kung saan pupunta upang ilabas ang sama ng loob. Susunod sana si Joy subalit, binigyan nya ng napakalakas na sampal ang lalake para sa kanyang kaibigan...

     “Walang hiya ka!!! Hindi ka na ba makahintay kaya hinalikan mo ang babae yan!!!” Nagulat si Iza dahil ang babaeng kahalikan ni Eric ay ang sikat na Binibining ng Marcelle na si Mae! “Ilang araw na kayo? months??? years??? Ilan!!!? Ilang beses ka ng nagtataksil kay Iza!!!?” sobrang galit na galit sya, gusto nyang saktan ang dalawa pero ang nagawa nya ay umiyak.

     “Ang ingay naman, natutulog ang tao!!!” tumalon ang lalaki mula sa bubong na ikinagulat ng tatlo “Maka-alis na nga...”

     Pinunasan nya na ang kanyang luha “Sino ba ang lalakeng yun?..” tumayo na sya at tumuon na sa dalawa “Tandaan nyong dalawa! Hindi ko kayo  mapapatawad sa ginawa nyo sa kaibigan ko!” umalis na sya...

      Napakasakit talaga  ang makita mo ang iyong kasintahan na lubos mong pinagkakatiwalaan at naniniwala ka na ikaw lang ang mamahalin habang buhay pero pagtataksilan ka lang! Sobrang sakit! 

Itutuloy~ 

 Queen's Note:  Thanks sa lahat ng bumasa, babasa, ka babasa pa lang etc.. hehe 

sana mag-comment rin kau and vote kung nagustuhan niyo ang chapter na ito

honesty is the best policy ^_^

salamat ulit! 

Seryoso ako!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon