"Maid of Honor ako, ha.."
Iyon ang ibinulong ni Joy kay Iza 'nung araw na nasa rooftop sila kasama si Greg. Ang pinag-uusapn nila ay ang pagsunod nang dalawa sa 4-13. Ang bait no! Hanggang sa niyakap siya nang kanyang bff at may binulong. .
"Ano kaya ang ibig sabihin ni Joy???" sabi niya sa kanyang sarili na nakahiga na at hindi madalaw-dalaw ng antok dahil sa pag-iisip. At least nuong araw na yun parang naalis na yung jealousy niya sa kaibigan na ipinagtataka niya naman..
Ilang sandali naisipang niyang magbasa ng novel sa wattpad (wooh!! special mention hehe). Subalit hindi niya paring mapigilang mapaisip sa ibinulong sa kanya ni Joy. She's clueless..
2 MONTHS AFTER..
"Grabe ka teh! Ang haba ng hair~" kantiyaw sa kanya ni Joy habang sila'y nasa canteen. "Pero boto parin ako sa groom mo!!"
Sinabi iyon sa kanya kanina. As usual stress siya sa pag-iisip nang gabing yun dahil sa sinabi ng kaibigan at lalo na rin 'especially' sa nangyari nang araw na 'yun...................................
2 MONTHS LATER
Pagbukas ni Iza sa kanyang locker..isang bouquet of roses ang tumambad sa kanya!
"Na naman!!!" si Joy, Joy at Sandra.
"Taray!! Ang haba ng hair mo teh!!" biro ni Joy kay Iza..
"Siguro kay L.A. na naman 'yan.." ani Sandra. "Uy!! Itago niyo baka makita na naman ng tsismosa.." babalang bulong ni Sandra sa kanila.
Matagumpay nilang naitago ang bouquet of roses laban sa tsismosang beki na 'yun. Kapag na-sight niya 'yun tiyak na pagtsi-chismisan naman si Iza sa buong campus...
KINABUKASAN
Pagbukas ni Iza sa kanyang locker..isang bouquet of roses ang tumambad sa kanya!
"Na naman!!!" si Joy, Joy at Sandra.
"Sino ba talaga ang lalakeng 'yun??" ani Sandra..
Tila deadma parin ang dalaga at ayaw talagang isipin kung sino ang L.A. na 'yun..Dahil study muna ang kanyang priority. Kahit na isang linggo na itong naglalagay ng flowers sa locker ng dalaga at dumaan pa ang mga linggo at buwan..
"Bakit kaya hindi pa siya nagpapakilala?" tanong ni Sandra sa kanila habang sila'y nasa rooftop.
"Torpe 'yun..Kaya flowers lang ang ipinamimigay." sabay tawa ni Josh na bigla na lang sumabat sa usapan ng mga girls. "Di ba roofmate?" tanong niya na humihingi nang pagsang-ayon sa kanyang 'roofmate' pero hindi sumasagot. "Hoy, sumagot ka naman!"
Biglang tumalon mula bubong si Greg para hindi makatabi ang 'feeling close' na lalakeng 'yun..At manggagaya rin kung saan tatambay!
"Tsk..Suplado.. Napipilitan lang ako, pero kailangan ko 'to para mapalapit kay Iza.. " sabi ni Josh sa sarili.
Lumapit si Greg kanina Iza.. "Dapat kasi tanungin mo siya kung sino siya engot." tukso ni Greg sa kanya..
"Paano naman, aber?" ani Iza.
"Simple lang, magpalitan kayo ng sulat o pen pal at ang nagsisilbing tulay sa inyong communication ang locket mo, engot~"
"OO nga noh!!" sabi Iza, Joy at Sandra.
" OO nga pala...Well said genius Greg! Akalain mong genius ka pala pero mas-genius ako dahil kilala ko na ang L.A. na 'yun.." sabi muli sa sarili ni Josh na nasa bubong na nakahiga habang nakikinig ng usapan nila...
"Oo nga, Unga....." ani Greg na ginagaya ang boses ng baka.
"Bakit ngayon lang yun naisip?? At pinaabot pa talaga ng 2 buwan." si Joy.
"Sa wakas! Makakausap mo na ang L.A. na 'yun!" si Sandra.
"Tama ka, makakausap ko na siya at sasabihin ko na tigilan niya na ang pagpapadala ng rosas sa akin.. " si Iza. Salamat nga pala sa idea, Gorio." ngiti niya na abot-tenga sa kanya.
Tila namula ang binata, "Ano ka ba! Wala 'yun.. Kung nangangailangan ng tulong ang mga engot nandito lang ang genius!!" biro sabi niya sabay tawa ni Iza.
Subalit hindi natawa sina Joy at Sandra kaya nasabi nila na, "Anong sinasabi mo mga engkot kami?! Sira!!!"
Itutuloy~
BINABASA MO ANG
Seryoso ako!
Teen Fictionschool-romance na kumo-komedya na ang setting ay Marcelle Academy.. isang heart broken girl isang misteryong boy magkakaano sila? strangers? friends? lovers? o ex-lovers? anyways~~ kung ano man yan,, basahin niyo na lang ng malaan hehe