Chapter 2

134 1 1
                                    

       “Sabi ko na nga ba nandito ka lang eh...pero bawal ang 3rd year sa building na ito di ba??”

     Si Joy siguro yun? Subalit boses lalake ito...agad syang tumayo, pinunasan ang luha at agad na inaninag ang lalake..Gwapo ito, may katangkaran at spiky hair kung may hahawak sa buhok nya paniguradong matitinik ka.. “Sino ka??” 

     Lumapit ang lalake at pinunasan ang kanyang luha.. binigay niya ang kanyang panyo sa babae. Biglang nagbuntong hininga ang misteryosong lalake at sinabing “Ang sakit talagang umibig!? May saya, lungkot, saya naman uli, may mahuhuli third party, may maiintindihan merong hindi, magkakabalikan merong iiwasan na sila..." nang-iinsulto ba ang lalakeng 'to? "Sana malalampasan mo yan!! Tahan na..” 

     Tumutulo parin ang kanyang luha na agad nyang pinunasan para masabi sa lalaki na “Salamat.. teka-"

     Pero umalis na ang lalaking tila walang balak na magpakilala. Ilang sandali ay dumating na si Joy agad nya itong niyakap “Huwag mo ng isipin ang lalakeng yun! Hindi sya karapat-dapat na lalake para sa iyo..manloloko siya!!!” na lalong ikina-iyak ni Iza..

     Tapos na ang unang araw ng klase matapos ang Christmas & New Year Break..agad na pumunta ‘siya’ sa bahay nila Iza.. ang dalaga’y nasa kwarto parin, all she do was cry..cry..cry..Agad na pumunta ang kanyang ina upang sabihin na may bisita sya.

     “Kapupunta lang ni Mae kanina, may nakalimutan ba sya??”

     Agad na pumasok ang misteryosong bisita sa kwarto at winikang.. “Hello?? Kumusta na Iza?” 

     Nakilala nya agad ito na tumulong sa kanya nuong nagdadalamhati ang dalaga about having third party of Eric. “Salamat nga pala pero bakit mo ako kilala? At alam mo pa ang bahay ko??” takang tanong nito

     Natawa si Aling Lita “Ano ka ba anak!! Hindi mo na ba siya matandaan??” umiling si Iza sa winika nito “Siya lang naman ang kababata mo na si Gregorio Marquez!!!”

     “Tita, ‘Greg’ na lang po” shy kasi ang lalakeng ito sa name nya..

     “Gorio!!!!!”

          Natutuwa ang dalaga ng makita muli ang kababata sobrang rami nilang pinag-usapan kaso nga lang sa kwarto sila nag-uusap at sila lang dalawa dahil naghahanda ng hapunan si Aling Lita. Parang di na napansin iyon ni Iza na awkward ito dahil sobrang close sila ng bata pa sila at hanggang ngayon rin na ikinatuwa ng tinatawag niyang ‘Gorio’. Halos 7 years silang hindi nagkita dahil pumunta siya sa Makati kasama ang ina dahil naghiwalay ang magulang niya.

     “Mabuti na lang at bati na sila Ma at Pa, halos 7 years rin yun..speaking of 7 years... 7 years na tayong hindi nagkita pero hindi mo na ako naalala?? 3rd year section 5 ka man din..” ngisi ng binata

     “Sorry naman!!! Parang cactus kasi yang buhok mo!” 

     “Style yan, style..” sabay tawa

     “Style?? Style mo bulok!” ani ng dalaga sabay tawa.. “ Teka, bakit hindi ka man lang pumunta rito nuong bumalik na kayo dito sa Bulacan? At hindi ka man lang nagparamdam o nagpakilala nang nasa iisang academy lang tayo!!?” tampururot nito..

     “Ang layo kaya!!” pabirong sabi nya

     “Ang lapit lang kaya!!!” humiga sya at tumalikod..

     “Wag ka ng magtampo!!” kinilit ang dalaga at iyon ang weakness niya, hindi matigil sa halakhak ang dalaga hanggang sa tumigil na ang binata sa pagkiliti sa kanya.

     “Kailan ka na ba papasok ulit?” tanong ni Greg na biglang ikina-seryoso ni Iza...

     Sumeryoso ang mukha ni Iza bigla, “Hindi ko alam, siguro lilipat na lang ako ng ibang school...”

     Umalis sa kama ang binata at biglang tumayo “Huwag kang tanga sa walang kwentang problema na yan!!!” halos narinig ito ng ina ni Iza sa sinabi ni Greg.

     Ngayon nya lang nakita na naging ganuon ang binata sa kanya na sobrang ikinatakot niya subalit sumagot siya ng pasigaw rin sa binata. “Hindi iyon walang kwenta!!! Ang paglipat ko sa ibang school ang tanging paraan para hindi ko na maramdaman itong sakit na nararamdaman ko parin hanggang ngayon Gregorio...” sobrang naluha si Iza..

     Umupo si Greg sa tabi niya at yinakap..“Tahan na.. sorry kung nasigawan kita. Ginawa ko lang naman iyon dahil hindi iyon ang solusyon huwag mong takasan ang problema mo dahil lang duon, huwag kang duwag Iza..” 

     "Pasensya naman kung duwag ako!" luhang sabi nito.. Katulad rin ito ng bff niyang si Joy, ang tabil ng dila! 

     “Ayayay~ mukhang ma-drama ang tagpo dito.” ani Aling Lita na ikinagulat nila at bumitiw sa pagkakayakap si Greg kay Iza.

     “Sorry po tita kung nasigawan ko po siya.” 

     “Ok lang yun..” sabay ngiti “Bakit hindi ka na lang mag-hapunan dito Greg? O’ Iza! bumangon ka na dyan, hindi mo man lang ba sasaluhan ang kababata mo??”

     Hindi na nagdalawng isip si Greg dahil miss na miss niya na ang luto ni Aling Lita. For the first time! Lumabas na si Iza sa kanyang kwarto upang kumain sa hapag-kainan kahit na napipilitan siya. Subalit ang pagsigaw ni Greg sa dalaga ay naging daan upang mapagtanto niya na 'bakit niya ba tatakasan ang problemang ito?' Hindi siya duwag! At ipapakita niya iyon kay Gorio!!

     "Ilang taon ka na bang hindi naliligo Iza? ang bantot mo na!" biro ni Greg kay Iza.

     Nahiya siya at agad na binatukan ang binata..

    "Loko ka!! Pasalamat ka't hindi ako pumapatol sa babae."

   "Heh!!!"

     "Panghe!!!"

     "Mga bata nasa hapag-kainan tayo~"  si Aling Lita

     No more cry na! at tumila na rin ang ulan! dahil siikat muli ang araw para kay Iza... 

Itutuloy~ 

 Queen's Note:  Thanks sa lahat ng bumasa, babasa, ka babasa pa lang etc.. hehe sana mag-comment rin kau and vote kung nagustuhan niyo ang chapter na ito..honesty is the best policy ^_^

salamat ulit! 

Seryoso ako!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon