Chapter 6

144 2 2
                                    

~Iza's POV~

"Hindi 'ko akalain na first day pa lang kumakain ka na tabachoy ka!!!" sabi nang kaklase ko  na nasa likuran namin.

Yes, first day. It means 4th year high school na ako...

"Tumahimik ka! Wala pa namang teacher eh! At saka wag mo akong tawaging 'tabachoy' dahil Sandra ang pangalan ko!!!"   sabi nang katabi ko at saka tumuon sa'kin at sinabing. "Wag mong pansinin ang Josh na yan..baka alaskahin ka rin niyan..." sabay tawa namin. "Dusto mo?" inalok ako ng chiceryang kinakain niya.

Kumuha ako, "Salamat."

Sa totoo lang mas kinakabahan ako this year dahil hindi ko na kaklase si Joy, kaklase ko kasi siya mula nuong 1st year pa kami at tinuturing ko siyang kapatid talaga..nakaka-miss, kamusta na kaya siya?  Pero ganynan talaga ang 'school life' minsan nasa taas at minsa'y nasa baba katulad ko nasa section 13 ako..Buti na lang at hindi ako nasa dulong-dulo (section 15) magulo kasi ruon..  

Salamat talaga at nagkaruon ako nang mga bagong kaibigan dito sa 4-13  ♥ 

Recess~ 

"Sure ka? Baka mahilo ka kung walang laman ang tiyan mo?" inaaya ako ni Sandra na kumain sa canteen pero tumanggi ako..ang bait talaga niya

"Salamat na lang at saka may pupuntahan ako-"

"Sige, next time na lang."  tumungo na siya sa canteen.

Habang ako naman ay tumungo sa rooftop...Iba na pala ang building na 'to. Well nakarating na man lang dito... Teka...ito ang rooftop ng building kung saan ako nagpunta nuong-

Wait!! hmmm...past na mana kaya pwede na sigurong pag-usapan

makita ko si Eric na may kahalikang ibang babae. Sobrang tumatangis ang luha ko no'n nang....

 “Ang sakit talagang umibig!? May saya, lungkot, saya naman uli, may mahuhuli third party, may maiintindihan merong hindi, magkakabalikan merong iiwasan na sila..." 

Ang araw na muli kaming nagkita nang aking kababatang si Gorio...

Kamusta na kaya siya sa Maynila?

 "What a nostalgic scene..." nagulat ako nang may lalakeng nagsalita, atribida sa pagmo-moment ko! 

Lumingon ako, "Josh!" 

"Classmate, anung ginagawa mo rito??"

"Nagpapalamig, ano 'yung sinabi mo kanina hindi ko maintindihan Josh?"

"Wala 'yun.." sabay tawa nito. "Ang galing mo naman, alam mo na agad ang pangalan ko? Ako nga hindi ko alam ang pangalan mo at ng iba pa nating kaklase.." sabay tawa muli nito.

"Makinig ka kasi kapag nagpapakilala tayong lahat sa harapan." advice ko na pabiro ang tono.

"Ayoko nga! Ka-boring." sabay tawa muli nito. Hindi ka naman mahilig tumawa noh?

"Kung hindi mo pa alam ang pangalan ko. Ako si Izabella o Iza na lang." sabay handshake ko sa kanya..

Agad na bumitaw siya, ang bastos! "Hindi mo na kailangang gawin 'yun.." umalis bigla siya. Ano kayang problema no'n???

Nagtataka ako habang tumingin sa wrist watch ko. Tapos na pala ang recess! "Teka, hintay!"

KINABUKASAN.....

"May bago kayong kaklase 4-13. Sana'y maging mabait kayo sa kanila." sabi ng Teacher Alejandro namin

Napatayo ako sa gulat nuong makita ko ang 2 bagong kaklase namin. Si Joy at si..........GORIO!!!!! 

"Hmmm..mukhang kilala mo sila ineng but let them introduce themselves." ang taray talaga ng teacher na ito..habang naupo na ako at speechless....

 Itutuloy~ 

Seryoso ako!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon