Chapter 4

139 3 4
                                    

  tama ba yung ''rin, daw, raw" etc..ko? or hindi naman bakla yung dialogue nang male cast ko rito? haha xDD thanks talaga sa mga tips, effective sa pagsusulat ng nobela..thanks a lot  ^___^      

__________________________________♥ ♥ ♥ ♥___________________________________

        March na! malapit ng matapos ang pagiging 3rd year high school nila Iza subalit... nararamdaman niya na bababa ang kanyang section dahil sa pag-absent niya ng halos dalawang buwan! At nalulungkot din dahil hindi niya na siguro magiging kaklase ang bff niyang si Joy.

     “Mukhang malamin ang isip mo Iza..ano naman yan?? Binabalikan ka ba ni Erik ulit?? Kung ako sa’yo-“ naputol ng balak sumagot si Iza pero naputol ng may umepal ang tao sa bubong, si Greg.

     “Nagkabalikan na sila ulit kaya huwag ka ng magtanong ng walang ka-kwenta-kwenta!”

     “Malay ko bang nagbalikan na sila!!! Ay!! Oo nga pala nandito pala si Iza, sorry..” niyakap niya ito

     “Wag ka na kasing magtanong o kaya mas maganda pa kung manahimik ka na lamang kaya..” sabay tawa ng binata

     “Ikaw ang tumahimik taong-bubong!!! Iza sorry talaga..”

     “Okay lang yun, ano ka ba?~ Noong isang taon pa yun kaya kalimutan mo na rin” sabay ngiti niya dagdag niya pa na.. “At saka nakamove-on narin ako.”

     “Ilang percent?!” ani Joy.

     “Hmmm..85%?” sabay tawanan nilang mag-bf. “Study muna! Sabi nga ni Mommy, kaya ikaw rin dapat Joy!!” 

      Kkagagaling niya muli sa break-up ng 6th boyfriend niya kaya bigla siyang tumahimik ng ilang saglit subalit.. “Promise!!! Study muna!!!” nakumbinsi rin ni Iza.. “Sa totoo lang 100% na akong move-on dahil nakita ko na yata ang totoo kong mamahalin pero dahil sa promise natin na ‘Study’ muna-“ naputol ng tumalon mula sa bubong si Greg.

     “Wag niyo na ngang pag-usapan ang percent-percent na yan at ‘study’ muna dahil baka hindi niyo rin matupad ang promise niyo. Mabuti pa punta na lang ako sa bahay niyo Iza, na-miss ko kasi ang luto ni Tita Lita,tamang-tama! ang init na ngayon sobra... baka matikman ko ulit ang napakasarap niyang halo-halo!! Sige kitakits mamaya!!” umalis na at nagpaalam na parang na badtrip, Bakit kaya?

     Hindi na makatanggi si Iza dahil umalis na.

     “Napaka-misteryoso talaga ng lalakeng yun. Teka,pumapasok ba yun sa klase o sa bubong? Anong section ba siya?” tanong ni Joy kay Iza.

     “Siyempre naman, hindi mo alam na matalino pala yun dahil section 1 lang naman siya.” pagmamalaking wika nito..

     Nagulat to the highest level ang kanyang kaibigan sa sinabi nito “Hmmm.. alam mo talaga lahat ng tungkol sa kanya pati galaw at kilos rin yata niya..” kantyaw nito.

     “Kilos at galaw? Ano klase tanong ba yan Joy? Syempre kababata ko yun kaya alam ko ang tungkol sa kanya..”

     “Ang mga childhood friends pwede ring ma-develop.” Sabay tawa niya sa kanyang parinig sa kaibigan.

     “Develop ka diyan!! Study muna ang priority ko hanggang makatapos ako ng college at saka..kaibigan lang ang tingin niya sa akin.”

     “Sa tono ng boses mo parang-“ naputol

     “Ano bang piagsasabi mo diyan?? Bumaba nga tayo...”

__________________________________♥ ♥ ♥ ♥___________________________________

Seryoso ako!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon