“Julius! Julius! Nasan ka na ba?” Naiiyak na sabi ni Nicole.
Nandito kami ngayon sa may tabing dagat naglalaro ng taguan. Actually gabi na pero naglalaro pa rin kami ng taguan. Ang weird noh? Hehe J Ganun talaga. Mas maganda kasing maglaro ng taguan pag gabi eh para pag nagtago mahihirapan hanapin kasi nga madilim J
“Julius!” Sabi ulit niya.
Nandito pa rin ako ngayon sa likod ng malaking bato sa may likod ni Nicole at nagtatago.
*HIKBI*
*HIKBI*
Teka lang, umiiyak ba siya?
Lumabas na ako upang puntahan siya.
“Nicky, Are you crying?” Tanong ko.
Bigla niya akong niyakap at ewan ko ba kung bakit pero parang may kakaiba akong naramdaman sa yakap niya. Parang biglang bumilis yung tibok ng puso ko na parang kinakabahan ako. Bakit kaya? Eh ewan! Di ko maintindihan.
“Nakakainis ka! Akala ko iniwan mo na ako.” Sabi niya habang humihikbi.
*HIKBI*
*HIKBI*
“Bakit ko naman gagawin yun? Diba nangako tayo sa isat-isa? Walang iwanan hanggang wakas.” Sabi ko.
“Talaga? Promise yan ah?” Sabi niya habang naka cross finger ba yun? Yung hinliliit niya sa kamay then nilagay niya dun yung hinliliit ko rin sa kamay. Ano bang tawag dun? Hays! Mga babae talaga.
“Promise!” Sabi ko habang pinupunasan ang luha niya.
“Tumahan ka na ok? Pumapangit ka lalo eh.” Sabi ko ng pabiro.
“Hala .. Hindi naman ako pangit ah? Sabi sa akin ni mama, I’m beautiful inside and out.” Sabi niya habang naka-pout yung lips niya.
Ang cute niya habang naka-pout yung lips niya, parang ang sarap niya tuloy titigan habang naka-pout yung lips niya. Hehe J
“Maganda ka naman eh, Basta wag ka lang iiyak.” Sabi ko.
“Oo na! Basta wag mo kong iiwan ah?” Tanong niya.
“Oo, Promise!” Sabi ko with matching taas pa ng right hand ko.
Maya-maya dumating na ang mga yaya namin.
“Julius!!!” Sigaw ng yaya ko.
“Nicky!!!” Sigaw ng yaya ni Nicole.
By the way, Nicky pala ang palayaw ni Nicole.
“Yaya!” igaw ni Nicole.
“Nicky, Naku kang bata ka! Nandyan ka lang pala! Alam mo bang kanina pa ko alalang-alala sayo? Halos mabaliw na ako sa kakahanap sayo eh.” Nag-aalalang sabi ng yaya ni Nicole.
“At ikaw Julius, Sino may sabi sayong takasan mo ako? Diba kabilin-bilinan ng magulang mo na wag kang aali ng bahay ng hindi ako kasama?” Sabin g yaya ko habang pinapagalitan ako.
“Naglaro lang naman kami ng taguan ni Nicole eh.” Pangangatwiran ko.
“Naglaro? Ng ganitong oras? Ano ka aswang? Sino matinong tao ang maglalaro ng ganitong oras at sa tabing dagat pa, aber?” Sabi ng yaya ko habang pinapagalitan ako.
“Hay naku Berta, Wag mo na ngang pagalitan yang alaga mo, Naglaro lang naman sila eh, Magsi-uwian na lang tayo at tiyak nagugutom na tong mga alaga natin. Tara na!” Sabi ng yaya ni Nicole.
By the way, Berta pala ang name ng yaya ko at Rosing naman ang yaya ni Nicole.
“Naku mabuti pa nga! Halika na nga!” Pagsang-ayon ni yaya Berta.
Umuwi na kami. Magkatapat lang kami ng bahay ni Nicole at magkatapat din ang mga terrace ng mga kwarto namin kaya lagi parin kaming nagkikita kahit grounded kami pareho at nakakapag-usap pa rin kami nun gamit ang black board at chalk.
Papasok na sana ako ng bahay namin ng bigla akong tawagin ni Nicole.
“Julius!” Sabi niya.
Lumingon naman ako sa kanya.
“Laro ulit tayo bukas ah?” Sabi niya ng nakangiti.
“Oo!” Sagot ko.
Pumasok na siya ng bahay nila at pumasok na rin ako.
A/N: Nagustuhan nyo ba ang first chapter? I hope nagustuhan nyo. Pleasee read, like, vote and comment. Thank you ..
BINABASA MO ANG
ALL I WANT FOR CHRISTMAS
Teen FictionALL I WANT FOR CHRISTMAS is all about a man that wait for a long time to see if his girlfriend will wake up from a coma. After so many years, his gf will wake up but unfortunately, this man is very old at that time and he cannot marry this girl anym...