~~*
SA CHAPEL ..
“Lord, ba’t naman ganyan kayo? Bakit napaka-unfair nyo? Bakit sa dinami-rami ng pwedeng maakidente, Bakit ang pinakamamahal ko pa?” Sabi ko.
Nandito ako ngayon sa chapel ng ospital at kinakausap ang diyos. Para akong tanga dito na kinakausap ang rebultong hindi naman sumasagot. Pero alam ko na kahit hindi siya sumagot, naririnig naman niya ang Sinasabi ko.
“Pwede namang ibang tao nalang ang kunin nyo eh, Pero bakit si Nicky pa? Dapat ako na lang. Mas gugustuhin kong ako nalang ang nakaratay dun kaysa sa kanya.” Sabi ko ulit habang naiiyak.
“Ang tanga-tanga ko kasi eh! Bakit kasi pumayag pa akong bumalik kami dito eh. Nananahimik na kami sa manila bakit kasi bumalik-balik pa kami dito eh. Ako dapat ang sisihin sa lahat ng nangyari dahil hindi ko siya iningatan, hindi ko siya prinotektahan! It’s my fault! It’s all my fault!”Sabi ko sa sarili ko.
“Wag mong sisihin ang sarili mo!” Sabi ng isang lalaki na ti-nap ako sa balikat ko mula sa likod.
Nilingon ko siya at bigla siyang umupo sa tabi ko.
“Tito! Sorry! It’s all my fault!” Sabi ko sa dad ni Nicole.
“No! No! Wag mong sisihin ang sarili mo! Walang may kagustuhan ng nangyari. Walang may kasalanan, Ok?” Sabi ng dad ni Nicole sabay tap ng magkabilang balikat ko.
“Pero, tito--“ Hindi ko na natapos ang sasabihin ko.
“Ssshh! ag mo sisihin ang sarili mo! Mabuti pa, ipagdasal na lang natin si Nicky para mapabilis ang recovery niya.” Sabi ng dad ni Nicole with an encouraging tone.
“Opo!” Pagsang-ayon ko.
Nagdasal kami sa loob ng mini chapel ng mahigit sa kalahating oras at pagkatapos nun ay umakyat na kami at bumalik sa kuwarto ni Nicole.
Nang pumasok na kami sa kwarto’y nakiusap sakin ang ang mga magulang ni Nicole na kung pwede’ng ako muna ang magbantay kay Nicole dahil walang magbabantay sa bunso nilang anak. Pumayag naman ako.
Umalis na sila tito at tita at ako nalang ang natira sa kwarto. Umupo ako sa tabi ni Nicole. Sa may bandang right side niya. Kinausap ko siya kahit alam kong hindi naman siya sasagot.
“Nicky, alam mo, nakakainis ka! Alam mo kung bakit? Kasi, iniwan mo ako! Akala ko ba walang iwanan? Hanggang wakas? Ba’t iniwan mo ako?” Sabi ko habang ngumingisi.
Pinipilit kong ngumiti kahit nasasaktan ako dahil alam ko sa sarili ko na wala rin namang mangyayari kung magawala ako sa kakaiyak dito eh, hindi naman siya gigising pag nagwala ako sa loob ng ospital at hindi naman niya ako pipigilan. Kaya kahit masakit, pinipilit ko na lang ngumiti.
“Ang tanga-tanga ko kasi eh. Bakit pa kasi pumayag akong pumunta tao dito. Kung di sana tayo pumunta dito, edi sana, kasama pa kita ngaon, edi sana kasama pa kitang magce-celebrate ng pasko!” Sabi ko ulit.
“Oo nga pala, malapit na pala ang pasko noh? Almost 1 week na lang pala. Tapos hindi man lang kita makakasama. Parang ang saklap naman nun! Hindi ko makakasama ang babaeng pinakamamahal ko? Ang lungkot naman ng pasko ko.” Sabi ko in a lower voice.
Maya-maya, hindi ko na napigilan ang unti-unting pagbagsak ng mga luha na kanina pa gustong pumatak mula sa mga mata ko. Umiyak na lamang ako ng umiyak sa tabi niya hanggang sa makatulog ako.
A/N: Hello! Nagutuhan nyo ba ang third chapter? Sana nagustuhan nyo! Sunod na ang ikaapat na chapter. The fourth chapter is dedicated to all smp like me! Haha XD .. Please still reaqd, like, vote and comment .. Thanks J
Keep reading guys!
![](https://img.wattpad.com/cover/10353663-288-k138802.jpg)
BINABASA MO ANG
ALL I WANT FOR CHRISTMAS
Novela JuvenilALL I WANT FOR CHRISTMAS is all about a man that wait for a long time to see if his girlfriend will wake up from a coma. After so many years, his gf will wake up but unfortunately, this man is very old at that time and he cannot marry this girl anym...