A/N: Ito na po ang last chapter ng kwentong ito. After nito, epilogue na! Keep reading guys! Sensya na po kung maikli lang toh ah? Short story lang kasi eh .. Sana po magustuhan nyo. Dedicated to all of you!
~~*
AFTER 60 YEARS . .
Marami ng nangyari after 6o years. Una sa lahat, syempre tumanda ako, may iba pa ba? Ikalawa, nagka-pamilya ako. Pumayag na ako sa arrange marriage na sinuggest ni mom ko para narin daw sakin para mabilis akong maka-move-on kay Nicole. Nagpakasal ako sa anak ng ka-business partner nila mama. Pinakasalan ko si Danica at nagka-anak kami ng isang lalaki. Oo, isa lang, hindi na ako pumayag ng isa pa dahil sa tuwing makikita ko si Danica’y lalo kong naaalala sa Nicole.
Nakapag-asawa na rin ang aming anak na si Luis at nagka-anak ng dalawang lalaki at isang babae.
Nabalitaan ko rin na nagising na si Nicole mula sa matagal na coma pera hindi ko siya pinuntahan dahil ayokong ma-disappoint siya sakin dahil tumanda na ako.
Teka, nagtataka ba kayo kung bakit inabot ng 60 years sa coma si Nicole? Ganito kasi yun, nung mga araw na sinuggest sakin nila mom ko yung arrange marriage between me and danica, sinabi ko na magpapakasal lang ako sa isang kondisyon. At ang kondisyon na iyon ay kailangang tulungan ni Mom ko ang magulang ni Nicole sa mga gastusin para sa muling pag-gising ni Nicole. Gets?
So, ayun nga ang nangyari at ngayon, nandito ako sa sala sa harap ng Christmas tree.
“Malapit nanaman pala po ang pasko noh?” Tumingin ako sa nagsalita.
Si Jake pala ang nagsalita. Ang panganay na apo ko. 18 years old na siya at still single since birth. Ewan ko ba dito kung bakit hindi pa nagkaka-gf. Gwapo naman siya, siguro torpe lang talaga.
“Sayang, first time kong magce-celebrate ng pasko’ng wala si Lola.” Sabi ulit ni Jake.
Oo nga pala, patay na pala si Danica last year lang. Namatay siya sa isang car accident.
“Oo nga pala lolo .. Alam mo, kanina may nakilala ako sa daan. Napaka-ganda niya at parang nagkagusto ako sa kanya. Kaya lang, parang ang weird kasi kamukhang-kamukha niya yung babaeng nasa litrato dun sa kwarto nyo.” Sabi ulit ni Jake.
(O______________O) Mukha ko yan.
Nagulat ako at nanlaki ang mata ko sa aking narinig. Ano kamo? Tama ba yung narinig ko? Kamukha ni Nicole yung nakilala niya kaninang babae?
“M-a-a-a-ri ko bang malaman kung anong pangalan niya?” Pautal na tanong ko.
“Ah, Nicole po!” Sagot niya.
Nanlaki ulit ang mata ko sa mga narinig ko. Ano daw? Tama ba talaga yung narinig ko? Ang pangalan ng nakilalang babae ni Jake kanina ay N-I-C-O-L-E?
“Apo?” Tawag ko sa kanya.
“Po?” Sagot niya.
“Pwede mo bang anyayahan yung Nicole for a diner bukas para sa Noche Buena na rin?” Tanong ko.
“akto! Yan din po ang plano ko eh! Gusto ko sana siyang yayain na dito na siya mag-noche Buena bukas ng gabi.” Sagot niya.
Si Nicole nga kaya yung babaeng nakilala ni Jake kanina? Kung siya nga, ikatutuwa ko dahil muli kong masisilayan ang mukha ng babaeng una kong minahal at mas ikatutuwa ko kung si Jake ang makatuluyan ni Nicole kaysa sa ibang lalaki. Mas mapapanatag ako kung ganoon.
“Oo nga pala, lolo, ano palang gusto niyong matanggap ngayong pasko?” Biglang tanong sakin ni Jake.
Ako? Anong gusto ko ngayong pasko? Isa lang naman ang gusto ko ngaong pasko eh? All i want for Christmas is To wake-up my first love, Nicole.
Nicole, All i want for Christmas is you ..
Naramdaman ko na lang na biglang pumatak ang mga luha sa mata ko.
“Lolo, Bakit po?” May nasabi po ba akong hindi nyo nagustuhan?” Tanong niya.
Pinunasan ko agad ang luha sa mukha ko.
“Ah, wala toh! May naalala lang ako.” Sagot ko.
ALL I WANT FOR CHRISTMAS IS YOU, NICOLE!
A/N: Hello! Nagustuhan nyo ba ang huling chapter ng kwento? Sana nagustuhan nyo! Ito na, epilogue na!
Keep reading guys!
BINABASA MO ANG
ALL I WANT FOR CHRISTMAS
Teen FictionALL I WANT FOR CHRISTMAS is all about a man that wait for a long time to see if his girlfriend will wake up from a coma. After so many years, his gf will wake up but unfortunately, this man is very old at that time and he cannot marry this girl anym...