~~*
AFTER 10 YEARS . .
Ang bilis ng panahon noh? 10 years na agad ang nakalipas. Parang kailan lang nung mga bata pa kami ni Nicole at naglalaro ng taguan, pero ngayon sampung taon agad ang nakalipas.
At ngayon, nasaan na kami? Nandito kami ngayon siyempre sa tabing dagat pero hindi na para magtaguan kundi para panuorin ang paglubog ng araw. Taga manila na kami ngayon pero nagbakasyon kami dito dahil gusto ni Nicole na ganapin ang debut niya dito. And ye! 18 years na kami pareho at nagmamahalan, hehe J
“Ang ganda talaga panuorin ng paglubog ng araw noh?” Sabi ni Nicole.
“Oo nga, lalo na kung kasama mo ang taong mahal mo.” Pagsang-ayon ko.
Tumingin lang siya sakin at ngumiti. Tumingin din ako sa kanya.
“Bakit? Is there’s something wrong?” Tanong ko.
“Wala naman, ngayon ko lang napagtanto na ang gapo pala talaga ng boyfriend ko.” Sagot niya.
Haha XD Ang lakas man trip nito ah? Pero totoo naman eh.
“Halika nga dito ..” Sabi ko sabay hila sa kanya papunta sakin at pinisil ko ang ilong niya.
“Ikaw! Bakit ba napaka-sweet mo? Huh?” Tanong ko.
“Julius!” Sabi ni Nicole.
“O?” Iling ko.
“Paano kung isang araw mawala ako o maghiwalay tayo, Anong gagawin mo?” Tanong niya.
“Teka, wala namang ganyanan, diba nangako tayo sa isat-isa? Walang iwanan hanggang wakas.”Sagot ko.
“Tsaka, ano ba namang klaseng tanong yan?” Dagdag ko pa.
“Basta, sagutin mo na lang yung tanong ko.” Sabi niya.
“Ayaw!” Sabi ko with a pouty lips.
“Dali na!” Pagpupumilit niya.
“Ayoko nga, tsaka bat ba tayo napunta sa topic na yan?” Tanong ko.
“Ayaww mo talaga?” Tanong niya.
“Ayoko!” Sagot ko.
“Ok, bahala ka jan, uuwi na ako.” Sabi niya sabay tayo.
“U-u-uy! Teka lang! Ito naman, hindi na mabiro!” Sabi ko sabay hila sa kanya para mapaupo siya.
Umupo siya at bigla kaming tumahimik sandali.
“Ano sasagot ka ba?” Tanong niya.
“Ano. . Ah .. Eh ..” Sagot ko.
Wala akong masabi eh.
“I O U, Ganun?” Sabi niya.
Huminga ko ng malalim at ang loob ay nilakasan at sumagot ng, “Siyempre, malulungkot ako.” Sagot ko.
“Hindi ko kakayanin yun, Mababaliw ako! Kaya wag mo akong iiwan ah?” Sabi ko sabay yakap sa kanya.
Hindi ko talaga kayang mawala siya. Mahal na mahal ko si Nicole.
“Promise! Hinding-hindi kita iiwan, dahil mahal na mahal kita! I love you!” Sabi niya.
“I love you, too” agot ko.
Nakayakap kami sa isat-isa habang pinapanuod ang paglubog ng araw. Nang lumubog na ang araw, nag-decide na kaming umuwi. Tumayo na kami at naglakad pauwi. Habang naglalakad kami sa gilid ng kalsada ay may nakita kaming isang bata’ng umiiyak sa gitna ng kalsada.
Maya-maya, bigla na lang may narinig kaming paparating na sasakyan na mabilis ang pagpapatakbo. Tumakbo agad si Nicole para sagipin ang bata ng biglang . . .
*BOOGGGSSSSHHHHH*
“N-I-C-O-L-E . . !” Sigaw ko.
Huminto bigla ang truck at bumaba ang driver nito.
“Naku! Ano tong nagawa ko?” Nag-aalalang sabi ng driver ng truck.
“Nicole! Nicole! Gumising ka!” Naiiyak na sabi ko.
“Tara na! Dalhin na natin siya sa ospital!” Nag-aalalang sabi nung driver.
Binuhat na namin siya at dinala sa truck.
“Sandali!” Sabi ko.
Hinanap ko agad ang bata’ng sinagip ni Nicole ngunit wala na ito sa paligid. Bigla nalang nag-sink-in sakin yung sinabi kanina nung matandang katiwala ng bahay nila Nicole.
“Mag-ingat kao sa bata’ng umiiyak sa kalsada. Pag nakita niyo yun, wag na wag nyong lalapitan. Dahil sa oras na lapitan nyo siya ay may isang taong mamatay.”
Matapos mag-sink-in sa utak ko yung sinabi ng matanda, Bigla kong napagtanto na ang bata’ng iniligtas ni Nicole at ang bata’ng tinutukoy ng matanda ay iisa.
“Oy, ano ba? Tatayo ka na lang ba jan?” Tanong nung driver ng truck.
Bumalik lang bigla ang kamalayan ko ng biglang magsalita ang driver ng truck. Sumakay na ako sa truck at dinala namin si Nicole sa pinakamalapit na ospital. Tinawagan ko na rin ang mga magulang ni Nicole para makapunta na ng ospital.
“Julius! Julius! Nasan si Nicole?” Nag-aalalang tanong ng mom ni Nicole.
“Tita! Naiiyak na sagot ko.
“Sumagot ka! What happen?” Galit na sabi ng mom ni Nicole.
“Kayo po ba ang pamilya ng pasyente?” Tanong ng doctor.
“Ano pong nangyari? Kumusta na po ang anak ko?” Tanong ng dad ni Nicole.
“Your daughter was suffering on a coma. Her Heart is still functioning but her brain is not.” Sagot ng doctor.
“Doc, what do you mean?” Tanong ng mom ni Nicole.
“Comatose ang pasyente.” Sagot ng doctor.
“No! Doc, sabihin mong nagbibiro ka lang! Nagbibiro ka lang diba? Hindi yun totoo diba?” Naiiyak na tanong ng mom ni Nicole.
“I’m sorry, but the only way for now is to ait if she going to wake-up or not. So, please excuse me!” Sabi ulit ng doctor at umalis na.
“No! No! No . . .! Pa ….” Hagulgol ng mom ni Nicole. Yumakap ito sa dad ni Nicole.
Nagsimula na ring maging emosyonal ang dad ni Nicole at napahagulgol sa nalamang balita. Pumasok sila sa loob ng kwarto kung saan nakaratay ang tulog na kataan ni Nicole. Ako naman ay umalis sandali at nagdiretso sa mini chapel ng ospital at nagdasal.
A/N: Nagustuhan nyo ba ang second chapter? I hope nagustuhan niyo. Please read, like, vote and comment. Thanks J
![](https://img.wattpad.com/cover/10353663-288-k138802.jpg)
BINABASA MO ANG
ALL I WANT FOR CHRISTMAS
Teen FictionALL I WANT FOR CHRISTMAS is all about a man that wait for a long time to see if his girlfriend will wake up from a coma. After so many years, his gf will wake up but unfortunately, this man is very old at that time and he cannot marry this girl anym...