AP1-I'm Pregnant

297 9 0
                                    

Hisana POV

Nasa bahay ako ngayon at hindi ko alam kong anong gagawin ko. Lahat kasi sila eh umiiyak. Ang mga kapatid ko, ang nanay ko at ang tatay naman eh hindi maipinta ang hitsura nito.

Napayuko ako. Kasalanan ko to eh.

Bakit ba kasi lumandi pako. Eh, hindi ko aakalain na magbubunga ang isang gabing iyon. Nagbunyi pa ko hah. Eh kasi naman sa hitsura kong to, himala at may pumatol sa akin noh.

Tsaka iisa nga lang ang kaibigan kong lalaki. Hindi ko pa masasabi na lalaki nga kasi nga may jowa naman iyon, in short beki.

Hay.

"Sino naman ang nakabuntis sayo anak?" Malamig na tanong nang tatay.

Hindi ako makapagsalita. Ni hindi ko nga sigurado kong yong lalaking nakabuntis sa akin eh siya nga iyon. Naaalala ko pa naman ang itsura nito tsaka nabigla nga ako nang malaman kong isa siyang sikat na businessman dito sa buong mundo. At isa pa nalaman ko rin na siya ang pinaka sa pinakaplayboy sa lahat nang lalaki. Kaya papaano ko masasabi iyon sa mga magulang ko. At tsaka hindi ko nga rin alam kong matatandaan niya pa ko. Knowing him marami na itong nagalaw at naikama kaya hindi na uso iyon. Hay napabuntong hininga ako sa aking naiisip. Paapaano ko ba sasabihin sa kanila?

Kaya naman hindi tuloy ako nakapagsalita at nakasagot sa tanong nang tatay.

Napalakas na naman ulit ang iyak nang nanay.

"Nako po, ernesto. Inang dalaga ata tong anak mo. Ni hindi niya kilala kong sino ang ama nang pinagbubuntis niya!' Histerikal na saad nito.

Napabuntong hininga ako.

"Anong gagawin mo anak? Isa kang ulirang guro, tapos madidisgrasya ka lang nang.' Hindi na naituloy ang tatay ang sasabihin.

"Paano kong may sakit pala ang lalaking iyon? O hindi naman eh, addict sa kanto o talagang rapist lang? Anak naman pinahalalaan na kita noon. Hindi ka nakinig!" Malakas na turan nang tatay sa akin.

Kitang-kita ko sa kanilang mga mata ang awa, galit at pagkadismaya. Eh anong magagawa ko nandito na toh eh, itutuloy ko na. Total blessings naman to ni god. Kaya tatanggapin ko na.

At tsaka once in a lifetime lang naman to.

Pero may isa pa akong problema.

"Ano nang gagawin mo anak?  Kaya mo bang buhayin ang magiging anak mo? Eh pambili nga nang gamot nang tatay mo kulang pa, tsaka ang mga kapatid mo nag-aaral pa. Anak kakaunti lang ang sahod mo bilang guro. Makakaya mo bang buhayin ang magiging anak mo, anak?' Saad naman nang ni nanay.

Napayuko ako. Oo, tama ang nanay ko. Salat kami sa pera. Kulang ang sahod ko para sa amin. Lalo na ngayon na madadagdagan pa kami. Saan ako kukuha nang dagdag pera?

'Gusto kong malaman kong sino ang nakabuntis sayo anak. Alam kong alam mo kong sino siya, kaya huwag mo na siyang pagtakpan pa.'mahinahon na tanong nang tatay.

Napakagat labi ako. Hindi ko alam ang gagawin ko sa ngayon, pero hindi ko muna sasabihin sa kanila kong sino ang ama nang dinadala ko.

'Ano tay. Ipapakilala ko rin po siya pero hindi pa sa ngayon. Hindi ko pa kasi siya nakakausap.' Pagsisinungaling ko.

Burn hisana. Burn. Anang nang utak ko.

Tumango-tango naman ang itay ko. 'Kausapin mo na siya sa madaling panahon, anak, para sa ganon eh makapaghanda na tayo sa inyong gaganaping kasal. Seryosong sagot ni tatay.

Ano? Kasal agad-agad?

Paano kong ayawan ako nang lalaki yon? Knowing him. I sigh.

Argh! Bakit kasi ang tinik niya? Isang gabi lang nakabuo na kami agad? Paano kong may girlfriend iyon? 

'Kaya kong ako sa iyo hisana. Humayo kanat kausapin ang lalaking nakabuntis sa yo at para sa ganoon eh makausap na namin ito nang lubosan.' seryosong sabi nang tatay.

Napabuntong hininga ako. Well wala na akong magagawa. Kailangan ko nang kumapit sa patalim. Hay! Bahala na.

Kakausapin ko siya. Tama. Tama kasi iyon ang dapat. May karapatan siyang malaman na siya ang ama nang dinadala ko. Kung itanggi niya eh di okay lang at least sinabi ko. At hindi ko iyon pinagsisisihan.

Kaya to. Tama. Kakayanin ko to.


******************

Note: Sorry if short!

Gonna go magjojogging pa ko :) 

See yah!

Accidentally Got PregnantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon