c1

809 23 0
                                    

CHAPTER 1

“BABY, I am on my way be ready,” kaagad na wika  ni JV sa kasintahang si Dawn nang sagutin nito ang kaniyang tawag.

“Okay, take care,” sagot nito.

“I will, I love you.”

“Love you too.” Agad naman niyang pinutol ang tawag nang marinig ang sagot ng nobya. 

They are both twenty three and they had been together for a year now. Unang kita pa lang niya sa dalaga ay attracted na siya rito. They became friends and turned into lovers. Their relationship was both legal to their families. And they are living in together, in fact. Sa ngayon ay wala pa sa isip niya ang  pakasalan si Dawn. But he knows to himself that she is the one he wanted to grow old with.

Maybe after two years? Nais pa niyang i-enjoy ang pagiging binata. Kahit na mula nang maging sila ni Dawn ay hindi na siya tumingin pa sa iba. Napag-usapan na rin nila na gagamit ito ng oral contraceptives. For him, being married is committing oneself to the your partner fully. And he is not yet ready for it.

Malapit na siya sa condo niya kung saan sila nagsasama. Today is their first year anniversary as lovers. Kaya tinawagan niya ito kaninang hapon na susunduin niya ito pagkagaling sa trabaho.

He is the excecutive vice president of their company. Apat silang magkakapatid at isa lang ang umiba ng linya. Ang kapatid niyang si Eleyas, ang lumihis sa propesyon nila. Pumasok ito sa PMA, kasama ang mga kaibigan nito.

Nakilala niya ang dalaga sa isang medical mission, kung saan isa sa mga sponsors ang kanilang kompaniya. Siya ang ipinadalang representative. Isa sa mga volunteer nurse roon si Dawn.

Pagdating sa lobby ng condo ay naghihintay na ang dalaga. Napangiti siya nang makita ang suot nito. She is wearing his checkered long sleeves polo and a straight cut cotton long pants.  He never know why she loves to wear his clothes? Lalo na kapag lumalabas sila. Itinali nito ang polo sa tyan, enough to cover her belly. She neatly fold the sleeves halfway on her elbow.

Sandaling pinagmasdan niya muna ang nobya at kinuhaan ng ilang stolen shots. Naramdaman yata nitong may nakatingin dito. Kaya napabaling sa kaniyang direksyon ang paningin nito. She smiled sweetly upon seeing him. Agad itong tumayo nang makita siya. Sinalubong naman niya ito. He kiss her on her forehead and possessively incircled his arms around her waist. Admit it or not she is sexy on her outfit.

“I think, kailangan kong maghigpit ngayon sa ‘yo,” kunwaring simangot na saad niya sa dalaga habang naglalakad sila palabas ng buildin. Saglit itong huminto at hinarap siya.

“Why?” nagtatakang tanong nito.

“Baby, do you have any idea how sexy you are in my polo?” he asked.

“I know. What’s wrong with my outfit?” kunot-nuong anito.

“Nothing, your outfit suites you well. But I don't like those stares they are throwing on you,” naiinis na pahayag niya. Masamang tiningnan niya ang isang kanong dumaan sa harap nila  na halos ayaw ihiwalay ang tingin nito sa nobya. Tinawanan lang siya nito at hinalikan sa pisngi.

“Let’s go. I  am starving. Baka abutan tayo ng matinding traffic,” anito sabay hila sa kaniya.

He made a reservation at an Italian restaurant. Pagpasok nila sa nasabing kainan ay tila naging center of attraction pa silang dalawa. All eyes were on Dawn, lalo na ang mga lalaki. Kaya, hinapit niya ito palapit sa kaniya. Holding her on her waist. Para man silang teenager sa ayos nila habang naglalakad, wala siyang pakialam. As long as those staring bastards got the message.

“Umayos ka nga. Para kang lalapa ng mabangis na leon, ah,” sita sa kaniya ng nobya.

“I can't help it. They are staring at you,” busangot na sagot niya rito.

NAPABUNTONGHININGA na lang si Dawn. She mentally rolled her eyes sa ginawi ng nobyo. Pagdating sa reserve table  nila ay agad naman silang inasikaso ng waiter.

“How was your day?” tanong ni Dawn kay JV  habang hinihintay ang kanilang pagkain.

“It was fine, Baby. How about you?”

“Okay, lang naman,” matamlay na sagot niya rito na hindi nakaligtas sa binata.

“You don’t look okay, Baby. What happened?” Bakas sa boses nito ang pag-alala.

“Wala, pagod lang siguro ako,” saad niya. Pero ang totoo hindi siya okay. She want to open up something to him. Pero ayaw niyang Sirain ang kanilang gabi. It is their anniversary as lovers. 

“Let's eat,” masiglang yaya niya rito.

They ate silently. Pagkatapos ay niyaya siya ng binata na manood ng sine kaya pumunta sila sa kalapit na mall. Maybe for other couple doing this thing are just ordinary, but for Dawn, it is not. Dahil ito ang unang pagkakataon na manunood sila ng sine.

Sa isang taon nilang magkarelasyon ay hindi pa sila nakapasok sa sinehan bilang magnobyo. They usually hang out with his friends at the bar. At kahit minsan ay hindi pa rin niya naipakilala ang binata sa kaniyang mga kaibigan. Pagka-graduate kasi nila ng college ay naging busy na sila at ang iba ay nasa malayong lugar. But they keep in touch through the net. Alam ng mga kaibigan niya na may nobyo siya. Though, they didn't know him personally and vise versa.

Habang papasok sila sa sinehan ay may nadaanan silang batang babae na umiiyak. Sa tantiya niya ay nasa anim na taong gulang ang bata. Maybe her maternal instinct as a woman push her to ask the girl.

“Hey, Baby, why are you crying?” tanong niya rito.

“I-I am lost po,” sisinok-sinok na sagot ng bata.

“Do you know who your Parents are?” she asked.

“Yes po,” humihikbing sagot nito.

Tumango siya at nilingon si JV na nakamasid lang sa kanila ng bata.

“Baby, can we help her?” tanong niya rito, tumango naman ito bilang sagot. “Okay. Let's bring her to the customer service counter.”

Inilahad niya ang kamay sa bata at tinanggap nito iyon pero ilang saglit lang ay natigilan ito.

“What's wrong, Baby?” tanong niya.

“Mommy said, I should not talk to strangers po,” she hesitantly replied.

“Oh! I forgot. I am Dawn, call me Tita. And this man behind me is JV,” pakilala niya.

“I am Lyca po,” sagot naman nito.

“Now, I am not a stranger anymore. Let's go, we will bring you to the customer service area.  Para ipatawag natin ang parents mo, okay?” malambing na saad niya sa bata. Tumango naman ito.

Akmang kakargahin niya ito nang sumabad si JV. “Let me carry her,” nakangiting anito.

Agad nitong kinarga ang bata at hinawakan siya sa kamay. Kaya habang naglalakad ay pinagtitinginan sila ng mga tao. Akala kasi ng mga ito ay isa silang pamilya at nagkataong naka-checkered dress si Lyca na katulad ng shade ng suot niyang checkered polo ng binata.

Pagdating sa customer service area ay agad namang tinawag ng operator ang pangalan na ibinigay ni Lyca. Makalipas ang sampung minuto ay dumating na ang parents nito.

Pagkatapos noon ay tumuloy na sila sa sinehan para manuod ng palabas. Lagpas alas-diyes nang gabi sila nakauwi sa condo ng binata. Pakiramdam ni Dawn ay pagod na pagod siya. Pagkatapos niya maglinis ng katawan ay nauna na siyang natulog sa binata.

Kinaumagahan ay maagang nagising ang dalaga para maghanda ng kanilang almusal. Alas-otso kasi ang kaniyang duty. Nagtatarabaho siya bilang isang nurse sa isang pampublikong hospital. Some were asking her why she choose to work at public hospital than private. She always answered them the same reason.

She is not after the salary, she is after the service she wanted to provide.  Lalo na sa mga medical missions. She felt happy whenever she sees a smile on the patients' faces. Lalo na kapag mga bata ang pasyente.

Alas-syete nang matapos siyang magluto. Saktong naghahain na siya ng agahan nang magising naman si JV.

“Good morning, Baby,” bati nito sabay halik sa kaniyang nuo.

“Good morning too. Kain na tayo, Baby. I am starving,” aniya.

Pagkatapos kumain ay kaagad na naligo si Dawn para gumayak patungo sa kaniyang trabaho. Ganoon din ang binata. Hinatid muna siya nito sa hospital bago dumiritso sa opisina nito.

“Sis, mabuti dumating ka na. Pinapatawag ka ng admin.” Salubong sa kaniya ng kasamahan na ka-shift niya.

“Bakit daw?”

“Hindi ko alam, Sis. Pati nga si Ma’am  ay nagtataka dahil wala naman tayong violation  dito sa station natin,” paliwanag nito.

“Sige, Sis, pupunta na lang ako roon. Salamat,” saad niya sa kasama. Inilagay muna  niya sa  kanilang locker ang gamit at agad na nagtungo sa opisina ng hospital director.

She knock three times on the door, pagkarating niya sa harap ng opisina ng director. When she heard the director said 'come in' ay agad niyang binuksan ang pinto at pumasok.

“Good morning, Dir. Pinapatawag n'yo raw po ako,” agarang saad niya rito.

“Goodmorning din sa ’yo, Nurse Dawn. Anyway, kaya kita ipinatawag dahil, a month from now ay may gaganaping medical mission sa mga liblib na lugar sa Iloilo. This medical mission is sponsored by the DOH. And they requested you to be a part of the medical mission. Lahat na kasali sa medical mission ay pinili nang mabuti ng DOH mismo. They found out that you are active in medical missions, so they asked if you are wiling to participate. And this medical mission will last for one month. So what do you think?” diretsang saad ng director sa kaniya.

Napaisip siya sa sinabi nito. The truth is, this got her attention. She wanted to go to the remote areas. Isa ito sa mga dahilan kung bakit siya active sa mga medical missions. She wanted to experience other cultural behavior and beliefs of some places.  Lalo na sa remote areas.

How they live everyday and how they fight poverty and hunger. Para kasi sa kaniya ang mga taong nasa remote areas ay mga fighters. Hindi sa minamaliit niya ang mga tao sa remote areas. Pero karamihan kasi sa mga ganoong uri na lugar ay halos mababa ang pinag-aralan. And they are forced to find ways in order to survive for everyday living.  But despite that, people in remote areas are easy to deal with. Kasi mas nakikinig sila, and are willing to learn new things. Hindi katulad ng mga tao sa siyudad na mas marami nga ang may matataas na pinag-aralan pero mahirap naman paliwanagan at paintindihin.

She also have to consider JV. Dahil kung siya lang, ay oo kaagad ang sagot niya. She already considered JV as her partner in life. Hindi pa man sila kasal. But in their relationship status, kailangan pa rin niyang magsangguni sa katipan tungkol sa mga disisiyon niya.

“Pag-iisipan ko po, Sir. Anyway, isang buwan pa naman mula ngayong araw,” sagot niya rito.

“Well, we are hoping for positive answer, Nurse Dawn,” saad ng director.

“We will see, Sir. Iyon lang po ba?” magalang na saad niya.

“Yes, thank you for your time. Let us know one week before the medical mission. You may go now,” saad nito.

“Okay, Sir. Salamat din po sa tiwala,” saad niya saka bumalik sa kaniyang area.

Malapit na siya sa nurse's station nang makaramdam siya ng pagkahilo. Mabuti na lang at dumaan ang isa niyang kasama kaya tinawag niya ito.

“Joy,” tawag niya.

“Oh, Dawn, bakit namumutla ka? Masama ba ang pakiramdam mo?” kunot-nuong tanong nito saka dali-daling lumapit sa kaniya at inalalayan papunta sa nurse's station. Agad siya nitong pinaupo at binigyan ng tubig.

“Salamat, Joy,” wika niya rito.

“Nako, Girl, ang sama ng hitsura mo. Mabuti pa magpaalam ka na lang na umuwi. Namumutla ka talaga,” saad nito.

“Hindi ko alam. Bigla akong nahilo, eh. Okay naman ang pakiramdam ko kanina,” paliwanag niya.

“Baka kung ano na iyan. Sandali lang check natin ang BP mo, baka lowblood ka o highblood,” anito saka kinuha ang sphegmomanometer at stethoscope para tingnan ang kaniyang blood pressure.

“Oh. Okay naman ang BP mo,” sabi nito sabay salat ng kaniyang noo. “Wala ka namang lagnat. Malamig pa nga ang noo mo. Nilalamig ka ba?”

“Hindi naman, Joy,” saad niya.

“Teka nga. Hintayin mo ako rito may kukunin lang ako sa locker ko,” saad nito. Tumango naman siya rito.

Mabuti na lang at walang gaanong pasyente kaya pagbalik ni Joy ay may inabot ito sa kaniya. Hindi na siya magtanong pa kung ano iyon dumating kasi ang kanilang head nurse. At dahil sobrang nahihilo na siya ay nagpaalam na lang siya na mag-sickleave ora mismo. Pinayagan naman siya kaagad ng kaniyang head nurse.

Hindi na niya tinawagan si JV, tumuloy na lang siya sa opisina nito dahil wala siyang kasama sa condo. Malapit lang naman ang opisina nito sa kaniyang pinagtatrabahuan. Pagdating niya sa opisina ay binati niya ang secretary nito at sinabihan siyang pumasok na lang. Kilala kasi siya ng secretary nito.

“No, Pare, hindi pa ako handang magkapamilya. Kaya nga, we decided to use a contraceptive... I know she is the one Pare.. I love Dawn, pero hindi pa akong handang maging ama kung sakali man... I will make sure na hindi muna siya mabubuntis, Pare... ayokong magmadali, Pare. I want everything in order, bago ko siya buntisin. And besides I am not yet ready to commit myself fully to her... but one thing is for sure, Pare. Dawn is the right one for me.” Ito ang narinig niya mula sa binata habang nakatalikod mula sa pinto. May kausap ito sa telepono kaya hindi nito namalayang nakapasok siya.

Hindi niya alam kung paano mag-react sa mga narinig mula rito. She is happy, dahil sa mga sinabi nito.  And at the same time ay nasasaktan siya sa sinabi nitong hindi pa ito handang i-commit nang buo ang sarili sa kaniya. Dahan-dahan siyang lumabas sa opisina para hindi nito maramdaman ang presensiya niya.

“Lole, babalik na lang ako may kausap pa ang Sir mo. Huwag mo na lang banggitin na pumunta ako. May bibilhin ang ako sa labas,” bilin niya sa secretary nito.

“Okay po, Ma’am,” nakangiting sagot nito.

Pakiramdam ni Dawn ay lumulutang siya habang naglalakad. Napadaan siya sa isang restroom, agad siyang pumasok doon. Naalala niya ang ibinigay ni Joy kanina. Agad niyang inilabas iyon. Pumasok siya sa isang cubicle at makalipas ang ilang minuto ay lumabas siya na parang wala sa sarili.








I LOVE YOU STILLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon