CHAPTER 2
PAKIRAMDAM ni Dawn ay lalo siyang nanghina. Isang pregnancy test kit ang inabot sa kaniya ni Joy kanina. Kaya nang mapadaan siya sa isang restroom ay hindi siya nag-atubiling gamitin ito. Sa sobrang busy niya nitong nagdaang buwan ay hindi niya napansing dalawang linggo na palang delayed ang kaniyang menstruation. Nawala rin sa isip niyang sabihin kay JV na isang buwan na siyang hindi umiinom ng contraceptive pills. Limang sunod na araw kasing nakaligtaan niya ang pag-inom niyon kaya nag-discontinue siya sa paggamit.
Muli siyang bumalik sa loob ng restroom at tiningnan sa ikalawang pagkakataon ang PTK, sa pag-asang mali lang siya sa nakita kanina. Pero, ganoon pa rin dalawang pulang linya ang nakaguhit. Ibig sabihin buntis nga siya.
How will she tell, JV? Narinig naman niya ang sinabi nito kanina sa telepono. Ilang beses siyang naghilamos at hinamig ang sarili bago muling lumabas ng restroom. Tinapon muna niya ang PTK sa basurahan bago tuluyang lumabas. Napadaan siya sa isang coffee vending machine. Napalunok siya nang mapadako ang kaniyang tingin sa mga flavors. Kaya, kumuha siya ng pera sa bag at inihulog sa vending machine. Pinili niya ang cappucino at bumili na rin siya ng plain na three in one na kape para sa nobyo. Nang makuha ang binili ay bumalik siya sa opisina ng binata.
Ramdam pa rin niya ang panghihina pero pinilit niya ang sariling huwag ipahalata sa iba. Kilala na kasi siya ng mga empleyado ng binata dahil palagi siyang nasa opisina nito.
“Lole, pasok lang ako, huh,” nakangiting paalam niya sa sekretarya ng binata.
“Okay po, Ma’am,” magalang na sagot nito at ipinagpatuloy ang ginagawa.
Pagkapasok niya ay agad na nag-angat ng tingin ang binata na nakasubsub sa working table nito.
“Baby? You are here. Hindi ba may pasok ka?” takang tanong nito nang maramdaman ang kaniyang presensiya.
Nakangiting lumapit siya rito. “Pinauwi ako ng supervisor ko. Sumama kasi ang pakiramdam ko kanina. At dito na ako dumiritso wala naman akong kasama sa condo,” paliwanag niya . Nakita niya ang pagguhit ng pag-aalala sa mukha ng binata. Agad itong tumayo at lumapit sa kaniya.
“May masakit ba sa ’yo?”
“Wala naman, sumama lang pakiramdam ko. And I want to take a nap. Can I sleep here?” wika niya. May maliit kasing silid sa loob ng opisina nito.
“Yes, you can. Mas mabuti na rin iyon para ma-check kita from time to time,” sagot nito.
“Thank you, Baby,” aniya sabay halik sa pisngi nito. “Oh, before I forgot. This is for you.” Inabot niya rito ang kapeng binili kanina.
“Thanks, Baby. I really need this now,” nakangiting sabi nito. Inabot nito ang kape at inalalayan siya patungo sa minisofa sa loob ng opisina nito.
Pagkaupo nila ay nakaramdam agad ng antok ang dalaga kaya hindi niya maiwasang humikab na hindi nakaligtas sa binata.
“You are sleepy. You need to take a nap now. Your eyelids are dropping,” nag-aalalang wika nito sa kaniya.
She really wanted to sleep but the smell of cappuccino she is holding keeps her awake. Dahil naglalaway na rin siya. She is craving for it now.
“Later, Baby. I want to drink this coffee first. I really want to taste this,” aniyang nahihilo na dahil sa antok at dagdag pang masama talaga ang pakiramdam niya.
“But, Ba---”
“Promise kapag naubos ko na itong kape, I will take a rest,” putol niya sa sasabihin nito.
“Okay,” tugon na lang nito.
They drink their coffee together. Ngunit, hindi na niya nakayanan ang kaniyang antok. Kaya, halos kalahati pa ang laman ng kaniyang kape ay nakatulog na siya.
NAPAILING na lang si JV nang makitang nakatulog ang nobya habang nagkakape. Alam niyang walang epekto ang kape rito kapag antok na antok na ito. Mabuti na lang at nakahilig ito sa kaniyang balikat kaya hindi ito nahulog sa sofa. He stared her pretty face for a while.
“Baby, what would I do without you? You have been a part of me, since the day I love you. But I am not yet ready to build a family. I want to reach my goals first. I hope you will stay beside me no matter what happen. Baby, alam kong gusto mo nang magka-baby tayo. But please two more years, and I will be ready,” bulong niya rito kahit alam niyang hindi siya nito naririnig.
Inubos muna niya ang kape at binuhat ang dalaga patungo sa kaniyang silid pahingahan sa loob ng opisina. Kinumutan niya ito at kinintalan ng hakik sa noo bago lumabas at pinagpatuloy ang naudlot na ginawa.
Alas-onse y medya nang naisipan niyang gisingin ang nobya para kumain. She is sleeping peacefully, kaya nagdadalawang-isip siya kung gigisingin ito o hindi. But before he could speak, she is already opening her eyelids.
“Hey, sleepyhead get up. It is almost lunch time,” masuyong saad niya rito at umupo sa gilid nito.
“What time is it?” nakapikit pang tanong nito.
“Eleven thirty,” sagot niya.
Inumulat nito ang mga mata at dahan-dahang bumangon. Natawa siya ng marinig ang alburuto ng tiyan nito na ikinasimangot ng dalaga.
“I will just fix myself,” anito kaya tumayo siya para lumabas. “Ahm, Baby?” tawag nito sa kaniya nang palabas na siya ng silid.
“Yeah?”
“Do you have an extra clothes here? I want to change my uniform,” anito.
“I have few there. You know where it is,” sagot niya rito.
Kung minsan kasi ay may biglaang lakad siya at kailangang magbihis kaya naglalagay siya ng extrang damit sa loob ng silid na iyon. May mga damit din doon ang dalaga pero hindi niya alam kung bakit ang hilig nitong isuot ang mga damit niya. But for him, it is okay. Sa pamamagitan kasi noon ay parang sinasabi nitong, she belongs to him as much as he belongs to her.
Makalipas ang sampung minuto ay lumabas na ito. She is wearing his light blue long sleeve poloshirt. She knotted the end part of the polo in front and neatly fold the sleeves into halves along her elbow, like she always did. She is wearing her skinny jeans, na naroon kasama ng mga damit niya. Parang ayaw niya tuloy itong palabasin na ganoon ang ayos. She is hot in that outfit. She only wore a red lipstick and a baby powder.
“Baka namanatunaw ako niyan?” pabirong untag sa kaniya ni Dawn.
Napakamot na lang siya ng ulo. Isang taon na silang magkasama. But still, ganoon pa rin ang epekto nito sa kaniya. Parang humihinto ang oras niya kapag nasisilayan ito.
“I am sorry. Your are sexy in that clothes, and I don't want anyone see you on that outfit,” tapat niyang saad dito. Napalabi lang ito.
“Let's go I am starving,” yaya na lang nito at lumapit sa kaniya, sabay kapit sa braso niya. In an instant, ipinulupot niya ang kamay sa bewang nito bago sila lumabas ng opisina. Siya na ang nagdala ng bag nito.
“Lole, please cancel my appointments this afternoon,” bilin niya sa sekretarya.
“Okay, Sir,” sagot nito.
“You may take your lunch now. At baka hindi na ako babalik mamaya. Ikaw na muna ang bahala. Just call me when something come up,” dagdag niya.
“Noted, Sir,” sagot nito.
“Bye, Lole,” paalam ng dalaga sa sekretarya.
“Bye, Ma’am,” tugon nito. Tinanguan lang niya ang sekretarya ay umalis na sila ng nobya.
At tulad ng inaasahan… all eyes are on them, paglabas pa lamang nila sa lobby ng building ng kanilang kompanya. Mapababae man o lalaki. Hinapit niyang lalo palapit sa kaniya ang nobya. Narinig niyang napatawa ito sa ginawi niya.
“Possessive much, Baby?” naiiling na saad nito. “Tssk! Hanggang tingin lang sila… because you are mine and I am yours,” mahinang sambit nito, just enough for him to hear.
“How are you feeling anyway?” Lihis niya rito. Gusto niyang batukan ang sarili dahil ngayon lang niya naitanong kung kumusta ang pakiramdam nito, na dapat ay kaninang paggising pa nito siya nagtanong.
“Medyo okay na,” sagot nito.
“What do you want to eat?” he asked.
“I want to eat you,” she huskily whispered. Hindi agad siya nakasagot sa sinabi nito but his buddy down there is responding. Even his body. “Just kidding, baby,” natatawang bawi nito.
“Tsk! Tease!”
“Baby, I want to eat pizza and lasagna,” sagot nito sa tanong niya kanina.
“Okay. Pizza it is,” tugon niya dito.
She loves pizza. Lalo na ang pizza ng Greenwich kaya roon niya na lang dadalhin ang nobya. Pagkatapos nilang kumain ay napagdisisyunan niyang dalhin ang dalaga sa bahay ng kaniyang mga magulang.
“HELLO po, Manang,” magiliw na bati ng dalaga sa kanilang kasambahay na nagbukas ng gate.
“Nako, kayo pala! Pasok kayo siguradong matutuwa ang mag-asawa,” saad nito.
His Parents called him earlier today na hindi makakapasok. Nabungaran nila ang kaniyang magulang sa sala na nanunuod ng late afternoon show.
“Hi, 'Ma.” Agaw atensyon niya sa kaniyang ina.
“Oh, JV, Dawn!” masayang saad ng ginang at tumayo ito para salubungin sila. Agad naman silang humalik sa ginang at ganoon din sa kaniyang ama na sumunod ding tumayo.
“Baby, puwedeng makitulog uli?” bulong sa kaniya ng dalaga makaraan ang isang oras na pakikipagkwentuhan sa magulang. Napatingin siya sa orasang pambisig niya. Alas dos ng hapon. Tiningnan niya ang nobya, halata sa mukha nito ang antok.
“Okay. Halika matutulog tayo,” pilyong yaya niya rito na ikinapula ng pisngi nito.
“'Ma, can we excuse ourselves? We will take a nap,” paalam niya sa ina. Ang kaniyang ama kasi ay umalis dahil may appointment daw ito ng alas tres.
“Oh, sure, Anak,” nakangiting sagot nito. “Iha, mukha pinapagod ka ng anak ko, ah. You look so haggard.” Puna nito sa dalaga na may pag-aalala sa boses.
“Hindi naman po, Tita. This past few days, kasi masyado akong busy sa hospital kaya siguro naipon ang pagod ko,” namumulang sagot nito sa ina.
“Ganoon ba? Mabuti pa magpahinga muna kayo. And since, mukhang hindi na babalik sa opisina itong si JV. Why don't you have dinner here, later?” paanyaya nito sa kanila.
“Sure po, Tita. Wala naman pong problema,” sagot ng dalaga sa kaniyang ina.
Napapangiti na lang siya habang nag-uusap ang dalawang babaeng mahalaga sa kaniya. Pagdating sa kaniyang silid ay agad na nahiga si Dawn. Pagpapalitin pa sana niya ito ng damit, but she doze off right after she lay down on bed. Napabuntong-hininga na lang siya at nagpalit ng damit. Pinalitan din niya ito ng damit at natulog sa tabi ng dalaga.
Naalimpungatan si JV nang makarinig siya ng parang nagsusuka. He immediately get up when he found out that Dawn was not beside him. He look at the time. It's already five in the afternoon. Dali-dali siya pumunta sa cr, where he heard her vomit.
Saktong nakarating siya sa pinto nang makita niyang nawalan ito ng malay at natutumba na. Agad niya itong sinalo at binuhat patungo sa kama. Agad niyang tinawagan ang kanilang family doctor na dumating naman kaagad.
“It's normal for her, iho. She is pregnant,” nakangiting saad ng doktor bago ito nagpaalam. May ibinigay rin itong instructions sa kaniya na hindi niya naunawaan pa.
“Dawn is pregnant!” Paulit-ulit na usal niya sa kaniyang isipan. How come?

BINABASA MO ANG
I LOVE YOU STILL
Roman d'amourTHEY used to love each other... Ngunit sa isang kisap-mata, sumibol ang galit niya sa lalaking minamah. Hanggang sa ito ay naging poot, at natabunan nito ang pagmamahal niya sa lalaki. ALAM ni JV na galit sa kaniya si Dawn dahil sa ginawa at sinabi...