c12

631 24 0
                                    

CHAPTER 12

KINABUKASAN ay maagang nagising si JV. Pagmulat pa lang ay mukha agad ng dalaga ang bumungad sa kaniya. Napangiti siya. Last night was the best night he ever had for the past six years. Waking up beside the woman he love and their child is the best memory he will treasure.

How he love this woman. Alas syete pa lang ng umaga nang mapatingin siya sa orasan. Dahan-dahan siyang tumayo at binigyan ng magaang halik ang kaniyang mag-ina bago lumabas ng silid. Kinuha na rin niya ang kaniyang cellphone, baka kasi may tumawag sa kaniya. Naghilamos muna siya bago tumungo sa kusina para magluto ng kanilang almusal. Naabutan niya si Mhel na nagkakape. Napansin niyang mugto ang mga mata nito.

“Mhel, napaano ka?” nababahalang tanong niya rito.

“Eh, Kuya, tumawag kasi kagabi ang nanay ko. Namatay raw ang lola ko kagabi,” anito at muling umiyak.

“Oh, sorry. Gusto mo bang umuwi?”

“Sana, Kuya, hihintayin ko lang na magising si Ate para magpaalam. Babalik din po ako pagkalibing ng lola ko,” sagot nito.

“Sige. Hintayin natin ang ate mo. Ayusin mo na ang gamit mo para mamaya ihatid ka namin bago pumunta sa bahay ng parents ko,” aniya dito.

“Naayos ko na po, Kuya,” sagot nito.

“Siya, sige,” sagot na lang niya. Mabuti na lang pala at dala niya ang cp niya, kaya tinawagan niya si Lole para ipag-book ng ticket ang dalagita.

Alas-onse ng umaga ang nakuhang flight ni Lole. Pagkatapos ng tawag ay nagluto ang binata para sa agahan nila. Saktong alas otso nang magising ang mag-ina.

“Daddy!” agad na bati ni AV ng makita siya.

“Goodmorning, Baby,” nakangiting bati niya rin sa anak sabay karga rito.

“Goodmorning, Mommy,” aniya nang mapansin ang dalaga na nakasunod sa anak.

“Goodmorning,” mahinang bati nito. Dumiritso ito sa banyo para maghilamos. Kaya agad niyang hinanda ang kanilang almusal. Sinabihan niya si Mhel na hugasan ang kamay ni AV.

“Let's eat, Baby,” aniya na nakatingin sa dalaga na kakalabas lang ng banyo.

Napansin niyang medyo maputla ito. “Are you okay?”

“I am fine,” anito. “Mhel, bakit ka umiyak?”

Kunot ang noong tanong ng dalaga sa dalagita nang mapatingin ito kay Mhel.

“Eh kasi, Ate. Namatay po si Lola kagabi. Itinawag po sa akin ni Nanay,” anito at muling umiyak. “Nais ko po sanang umuwi, Ate. Hanggang sa mailibing si lola.” Paalam nito sa dalaga.

“Sige. Kailan mo gustong umuwi?”

“Eh, Baby, I mean, Mommy. Mamayang eleven ang flight niya. Pinagpa-book ko na siya kay Lole kanina,” sabad niya sa dalaga.

Napabuntong-hininga muna si Dawn bago nagsalita. Kinabahan si JV sa pag-aakalang magagalit ito sa ginawa niya.

“Sige. Sa lunes ipagpaalam kita sa guro mo. Basta pagdating mo roon tawagan o i-text mo ako. At kapag pabalik ka na tawagan mo ako para masundo kita,” bilin nito.

“Opo, Ate. Salamat po,” mahinang sagot ni Mhel na bahagya pang naiiyak.

“Kain na tayo, Mommy. Ihahatid na lang natin siya sa airport bago pumunta sa bahay,” yaya niya rito. Tango lang ang sagot nito. Agad itong umupo sa tabi niya.

Nilagyan niya ng sinangag at ulam ang plato nito. Pero inusod nito patungo sa kaniya ang plato.

“Tinapay at gatas lang kakainin ko,” mahinang saad nito.

Tumango na lang siya at kumuha ng dalawang slice ng tinapay at nilagyan ng sandwich spread. Agad naman nitong tinanggap nang iabot niya rito ang tinapay. Kinain niya ang platong may sinangag. Si Mhel naman ay inasikaso si AV.

“Mhel, kumain ka na. Let, AV,” saway ni Dawn kay Mhel. Marunong na kasing kumaing mag-isa si AV. Minsan nagrereklamo ito kapag sinusubuan ni Mhel.

Alas nuwebe ng umaga ay nasa daan na sila papuntang terminal three kung saan ang mga domestic airport.

Nakita niyang inabutan ni Dawn ng pera si Mhel. “Ate, salamat po.”

“Kapag may kailangan ka mag-text o tumawag ka lang sa akin, ah. Huwag kang magtagal doon kasi may pasok ka pa,” bilin naman ni Dawn kay Mhel.

“Opo, Ate. Isang linggo lang daw ang lamay at ililibing din agad si Lola,” sagot ni Mhel.

“Sige. Mag-ingat ka,” muling bilin ni Dawn sa dalagita.

May kinausap na guard si JV para i-guide si Mhel sa loob hangang sa gate ng sasakyan nitong eroplano.

THEY are heading back to Makati sa subdivision kung saan nakatira ang mga magulang ni JV. Malapit nang mag-alas dose nang makarating sila.

Bakas ang pagkagulat sa mukha ng mag-asawa ng makita si AV. Nagtatanong na mga titig naman ang nakuha niya mula sa kaibigang si Haidie. Naroon din kasi ito at ang asawang si Eleyas. Nakilala rin niya ang pinsan ng mga ito na si Love. Hindi naman niya nakita ang dalawa pang kapatid na lalaki ni JV.

She mouthed Haide that she will explain later. Tumango naman  ito sa kaniya.

“Aray, Mom!” narinig niyang reklamo ni JV kaya napatingin ang lahat sa dalawa. Tinaasan ng kilay ng ginang si JV. “Bakit ka nang babatok? Sa harap pa ng anak ko?” apela nito sa ina.

“Damuho ka bakit hindi mo agad sinabing may anak na kayo ni Dawn? Ito ba ang dahilan kaya nawala siyang bigla?” mariing tanong ng ginang sa binata. Lahat ay natahimik. Palipat-lipat ng tingin ang mga kasama nila kina Dawn at JV. Lahat ay naghihintay ng sagot mula sa kanilang dalawa.

Nakaramdam naman yata ang isa nilang kasambahay kaya kinuha muna nito at inaliw sina AV at Hanz na ampon nina Haidie at Eleyas.

“Ah, eh, Mom, puwede po bang mamaya  pagkatapos kumain na lang natin pag-usapan ito,” sabad ni Haidie para maibsan ang tensyon sa paligid.

“Siya, sige,” sang-ayon ng ginang. Isang pasasalamat na tingin ang ibinigay ni Dawn kay Haidie. Tumango naman ito sa kaniya.

Makalipas ang isang oras ay niyaya silang lahat ng ginang sa lanai para magtsaa. Ang dalawang bata ay pinatulog na ng kasambahay. Halata kasing antok na ang dalawang bulilit.

“Now, JV, explain,” his mother sternly demand.

“Mom---”

“Eh, Tita hindi po alam ni JV ang tungkol kay AV. Lately niya lang nalaman,” sabad ni Dawn.

Napabuntonghininga ang ginang. “I know that, imIha. I wanted to know kung bakit ka biglang umalis nang gano’n na lang. Saksi ako kung gaano n’yo kamahal ang isa't isa. Hindi ka naman siguro mawawala nang walang bakas kung walang ginawang kagaguhan ang anak ko,” anito na ikinatahimik niya. Wala siyang maapuhap na sagot dito kaya tumungo na lang siya. “Now, John Vhil Almonte! Explain yourself!” baling nito kay JV.

Nagkasalubong ang kanilang mata ng binata nang magtaas siya ng tingin. Walang bakas na emosyon sa mata nito. Umiling siya para ipaabot na huwag sabihin sa mga ito ang tunay na dahilan. Pero ngumiti lang ito sa kaniya at lumamlam ang mga mata nitong nakatitig pa rin sa kaniya.

Lumapit siya rito. Hinawakan ito sa kamay. He hold her hand back tight. Parang bang sa kaniya humuhugot ng lakas ang binata.

“What now, JV? Hindi ka susuntukin ni Dawn noong una ninyong pagkikita, ilang buwan na ang nakararaan kung wala kang ginawa,” naiinip na wika ng ginang.

“Mom, tama ka. Kasalanan ko kung bakit siya umalis,” panimula ni JV. “I did hurt her.” Pagkarinig sa sinabi nito ay unti-unting naramdaman ni Dawn ang sakit ng nakaraan. But she stay still, mahigpit na nakahawak sa kamay ng binata.

“Noong huling araw na pumunta kami rito bago siya nawala ay nalaman naming buntis siya. Iyon ang dahilan kaya nahimatay siya. I ask the doctor not to tell you. And after that day, umiba ang pakikitungo ko sa kaniya,” paliwanag nito.

Hindi na napigilan pa ni Dawn ang mga luha, kusa na itong tumulo. Habang nagsasalaysay kasi ang binata ay parang rumaragasang tubig naman ang pagbalik ng nakaraan kasama ang sakit na pinagdaanan niya sa binata. Both of them grip each other’s hand tighter.

“I was not ready to settle down and have a baby that time. Kaya---”

Dawn let out a sob. Mas lalo namang humigpit pa ang pagkakahawak ng binata sa kamay niya. Pakiramdam niya ay namanhid na ang kaniyang kamay dahil sa higpit ng pagkakahawak nito.

“Kaya umabot ako sa puntong dinala siya sa aborsyonista,” mahinang turan nito.

Nagulat sila nang lumagapak ang pisngi ng binata. His mother slap him hard, dahil bumakas ang palad nito sa pisngi ng binata.

As an instinct ay agad niyang niyakap ang binata. Niyakap naman siya pabalik ng binata. Calming her by rubbing her at her back.

“How dare you do this to Dawn, JV! Hindi kita pinalaking gago at walang kuwenta! I am disappointed with you!” aniya ng ginang.

Nakita ni Dawn na kuyom ni Haidie ang kamao. Hinuli niya ang tingin nito at umiling kahit na lumuluha pa siya. Kilala niya ito. Hindi ito mangingiming patulugin si JV dahil sa narinig. Ito at si Shefee ang amasona sa kanilang magkakaibigan.  Tumango naman ito ng marahan pero matatalim ang tingin sa binata.

“Mom, I was confused that time. I was just starting my career and I am not really ready. Alam kong napakagago ko para gawin iyon. But I couldn't think straight. Pinagsisihan ko ang lahat, Mom. I did search for her. Hindi ako tumigil sa paghanap sa kaniya. I only  stopped when she showed up again,” paliwanag pa ng binata. He is also in tears.

Binalingan nito si Dawn at masuyong pinunasan ang mga luha nito sa pisngi.

“Tahan na, Baby. Everything will be okay. This will be the last time that I will hurt you. Just like I said last night we will start again.” Hindi nila alintana ang mga taong nakapaligid sa kanila ay matamang nakatingin sa kanila.

Pakiramdam ni Dawn ay may bikig sa kaniyang lalamunan. She wanted to say something, para ipagtanggol ang binata. For her, ay kailangan nang kalimutan ang nakaraan para makausad sila sa kasalukuyan. Pero hindi niya maapuhap ang kaniyang boses.

“Okay!” saad ng ginang. Kaya napatingin sila Pareho ng binata rito. “Looks like, napatawad ka na ni Dawn. But mark my word, JV, do it again at hindi ako mangingiming itakwil ka!” matigas na dugtong nito.

“I promise, Mom,” mahinang saad ni JV.

Sa narinig ay unti-unting kumakalma si Dawn. At pakiramdam din niya ay gumaan ang kaniyang pasan na ilang taon nang dinadala.

Tumingala siya sa binata ibinuka niya ang kaniyang bibig pero dahil sa sobrang emosyon ay umikot ang kaniyang paningin at nawalan siya ng ulirat.

NATARANTA ang lahat lalo na si JV nang nawalan ng malay si Dawn. Agad niya itong binuhat at dinala sa kaniyang silid. Marahan niya itong inihiga sa kama sa tabi ni AV na payapang natutulog. Dito niya kasi pinatulog ang anak. Sininyasan niya ang kasamabahay na pinakiusapan niya kanina na bantayan si AV na siya na ang bahala rito. Tumango naman ang kasambahay. Bago ito lumabas ay pinasalamatan niya muna ito.

“Walang anuman po, Sir. Sige po,” sagot nito.

Napahilamos siya ng mukha at hindi sinasadyang nahagip ng kaniyang paningin ang bag ni Dawn na nakabukas. Namataan niya ang isang maliit na brown envelope na kasya ang isang short bondpaper kapag tinupi sa gitna, papahulog na ito. Kaya bago pa man tuluyang mahulog ay kinuha niya iyon. May kung anong nag-uudyok sa kaniya na busisiin ang nasa loob noon.

Napangiti siya nang makita ang NSO copy ng birth certificate ni AV. Talagang sa kaniya nakasunod ang pangalan nito. Pero nagtataka siya, alam niyang hindi puwedeng magamit ng bata ang pangalan ng ama kapag hindi kasal ang magulang unless na pumirma ang biological father sa affidavit of acknowledgement na makikita sa likod ng live birth certificate. But he never mind it, dahil masaya siya. Masaya siya dahil kahit ganoon  ang ginawa niya sa dalaga ay inilagay pa rin nito ang kaniyang pangalan at pinagmit kay AV.

Akmang ibabalik na niya sa loob ng envelope ang hawak na papel, ay may nakita siyang isa pang nakatuping papel. Hula niya ay galing din iyon sa NSO. Kinuha at binuklat niya ito out of curiosity.

Nanlaki ang kaniyang mga mata sa nabasa.

It is a MARRIAGE CERTIFICATE!




I LOVE YOU STILLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon