C6

560 23 0
                                    

CHAPTER 6



TATLONG buwan nang lumipas pero wala pa ring balita si JV sa dalaga. Sa loob nang tatlong buwan na ito, parang ayaw na niyang gumalaw. Ayaw na niyang magising kinabukasan dahil alam niyang sa paggising niya ay walang kapantay na kahungkagan ang sasalubong sa kaniya. Alam na nang magulang niya na iniwan siya ng dalaga. Inamin din niya na kasalanan niya pero hindi niya sinabi ang totoong dahilan kung bakit siya iniwan ni Dawn.



"Baby, please come back," bulong niya sa hangin.



Mula nang iwanan siya ng dalaga ay lagi na niyang kausap ang garapon. Kahit sa pagtulog ay katabi niya ito. His Parents offered him to stay with them again but he refused. Ika niya ay baka bumalik bigla ang dalaga. And one reason is his condo reminds her a lot. Ramdam niya kasi ang presensiya ng dalaga sa kaniyang condo. Ilang beses na siyang pabalik-balik sa hospital kung saan ito dating nagtatrabaho pero ganoon pa rin ang sagot ng mga ito. Wala silang alam kung nasaan ang dalaga. He even hired someone to locate her but until now, wala pa ring balita.



Mahinang katok sa pinto ng opisina niya ang kaniyang narinig. "Come in," sagot niya.



Pumasok ang kaniyang sekretarya, bakas sa mukha nito ang pag-aalangan.



"What?" kunot-noong tanong niya rito. Mula nang mawala ang dalaga ay naging masungit na siya at laging nakakunot ang noo kapag kaharap ang ibang tao.



Napalunok muna ito ng tatlong beses. "Sir, someone wants to see you. Ilang beses ko na pong sinabing ayaw n'yo paisturbo pero mapilit po."



"Who?"



"Ako!" sagot ng bagong dating.



"What are you doing here?" singhal niya rito.



Ito ang anak ng isa sa mga board of directors nila. Harap-harapan nitong pinapakita sa kanila ni Dawn ang pagkagusto nito sa kaniya. But both of them ignore this bitch.



"Well I am here to invite you out for lunch," maarteng sabi nito sabay lapit sa kaniya. Binalingan nito si Lole na nakaismid sa tuwing nakiakita nito si Tracey. Minsan ay nahuhuli niya itong nagme-make face lalo na kapag nandiyan ang babae.



"Ano pa ginagawa mo riyan? Alis!" taboy nito kay Lole.



"Excuse me, Trash este Tracey pala as far as I remember you are not my boss, so you have no right to shoo me away!" mataray na sagot ni Lole rito.



"Aba't---" akmang lalapitan ni Tracey si Lole ay sumabad na siya.



"Lay your hands on her and you'll see," matigas na banta niya rito dahil nag-aakma itong sampalin si Lole.



"Did your heard her? She answered me without respect!" sumbong ni Tracey na animo'y hindi niya nasaksihan ang nangyari.



"Oh, you wanted respect, trash? Let me ask you? Do you respect me then?" supla ni Lole sa babae . Hinayaan niya lang ito. She knows Lole how to fight back at Tracey.



"Why would I respect you? Trabahador ka lang dito. Ako ang nagpapasahod sa 'yo!" taas noong sagot naman ni Tracey.



"Oh, yeah? Bakit trashy, boss ka ba rito? May-ari ka ba ng kompanyang ito? What are your contributions in this company to become successful?" patuyang balik naman ni Lole.



Pansamantalang nakalimutan niya ang kahungkagan dahil sa dalawang babae. Naa-amuse siya kay Lole. Hindi niya alam kung ano ang pinagtuturo dito ni Dawn. Dati kasi itong mahiyain pa sa pagong. Pero napansin niya noong mawala si Dawn ay natuto na itong sumagot kay Tracey. Napapansin din niyang kapag may nagpapakita ng motibo sa kaniya ay nakabantay ito. Minsan na rin niya itong tinanong kung may gusto ito sa kaniya pero malakas na tawa lang ang sagot nito.

I LOVE YOU STILLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon