c7

539 24 0
                                    

CHAPTER 7

“TAHAN na, baby,” pang-aalo ni Dawn sa walong buwang anak. Halos isang oras na itong umiiyak dahil sa lagnat dala ng tumutubong apat na ngipin nito, sabay-sabay na lumabas. Dagdag pang malala na ubo nito, kaya hinihingal na ito kapag humihinga.

Halos hindi na rin ito makahinga dahil barado na ang ilong nito. Alas-dos na ng madaling araw at wala pa silang tulog. Nais niyang maiyak sa kalagayan ng anak. Kahit nurse siya ay hindi niya alam ang gagawin.

Makalipas ang ilang minuto ay may narinig siyang katok sa pintuan ng kaniyang bahay.

“Dawn, Anak buksan mo ang pinto,” tawag ni Manang Lita sa kaniya.

Kahit hirap ay dali-dali niyang binuksan ang pinto.

“Anak, rinig hanggang sa bahay ang iyak ni AV. Halika dalhin natin siya sa hospital. Mukhang hindi simpleng lagnat lang iyang dumapo sa kaniya,” saad nito sa kaniya.

Dahil sa kawalang masabi at dala ng habag sa anak ay tumango na lang siya. Hindi na niya napigilang mapaluha.

“Kuh, bata ka, oo. Huwag mong isiping nag-iisa ka. Narito kami ng pamilya ko. Hala tumahan ka na. Pakatatag ka para sa anak mo. Handa kaming damayan ka anumang oras, kaya huwag kang mahiya sa amin. Ang tagal mo na rito hanggang ngayon nahihiya ka pa rin,” sermon nito sa kaniya.

Agad din niyang pinahid ang kaniyang luha.

“Manang, pakihawakan po muna si AV. Aayusin ko lang ang gamit niya na dadalhin. Ipapa-admit ko na lang siya,” saad niya nang mahimasmasan. Kung hindi pa siya pinagsabihan ng butihing matanda ay hindi pa siya nakapag-isip nang maayos.

Agad naman kinuha ni Manang Lita si AV sa kaniya. Kumuha siya ng ilang gamit ng bata at gatas. Dinala rin niya ang kaniyang ATM.

“Halika na, Dawn,” yaya sa kaniya ni Manang nang makitang handa na ang dadalhin nila.

“Eh, Manang wala po tayong masasakyan,” alanganing sagot niya rito.

“Tinawagan ko na si Al bago pumunta rito na ihatid tayo sa hospital,” pagbibigay-alam nito sa kaniya. “Nariyan na siya sa labas, kaya halika na.”

Si Al ang isa nilang kapitbahay. Binata ito at kaedaran lang niya. Hayagang pinapakita nito ang pagkagusto nito sa kaniya. Kaya minsan tampulan sila ng tukso ng mga kapitbahay.

Isa sa nagustuhan niya sa lugar ni Manang Lita ay ang ugali ng mga tao roon. Hindi mapanghusga ang mga ito, bagkus ay matulungin at mapagkumbaba pa sila.

Isang buwan pa lang siya noon sa Cabatuan ng nagpahayag na si Al na nais nitong manligaw. Kaya tinapat niya itong buntis siya pero kahit yata iyon ang sinabi niya at hindi natinag ang binata. Sa halip ay minahal pa nito si AV.

Pagdating nila sa hospital ay agad na inasikaso si AV. Pina-admit na rin ito ng doktor para maobserbahan nang mabuti ang bata. Agad itong binigyan ng oxygen dahil hirap na hirap nang huminga ang anak.

“Misis, may history po ba kayo ng asthma?” tanong ng doktor sa kaniya.

“Mayroon po akong asthma, Dok. Pero hindi naman ganoon kalala kapag inaatake ako,” sagot niya.

“Mukhang namana ng anak mo ang iyong asthma. Pero doble ingat lang kay baby. Dala ng kaniyang lumalabas na ngipin ang kaniyang lagnat. Hindi nakayanan ng katawan niya ang sabay na paglabas ng mga ngipin niya. Mabuti na lang at dinala n’yo siya agad. Dahil kung pinatagal n’yo pa ay baka dakpin ng brochopnuemonia ang bata,” paliwanag pa ng doktor. “Misis, kailangan nating lagyan ng dextrose ang baby n'yo. Doon natin idadaan ang kaniyang gamot.”

Kahit ayaw niya ay wala namang siyang magagawa dahil sa ikabubuti iyon ng anak. Makalipas ang isang oras ay muling umiyak si AV dahil sa paglagay ng dextrose sa paa nito. Kahit na sanay siyang maglagay ng dextrose dati pero parang ayaw niyang tingnan ang anak habang nilalagyan ito niyon.

Pakiramdam niya ay wala siyang kuwentang ina dahil hindi man lang niya magawang pawiin ang sakit at paghihirap ng anak. Kung puwede lang akuin niya ang dinaramdam nito ay ginawa na niya.

“Baby, sorry, ah. Hindi ka man lang mapagaling ni mommy. Kung puwede lang na ako na lang ang sa kalagayan mo ay ginawa ko na,” naiiyak na usal niya sa anak habang dumedede ito sa kaniya.

Breastfeeding siya dahil ayaw naman niyang masayang ang gatas niya at isa pa alam niya na mas maganda ang breastfeed kaysa bottle feed. Sinubukan niyang i-bottle feed minsan si AV pero ayaw nitong dumedede. Kaya sa edad na limang buwan ay sa baso na niya ito pinaiinom. Kung minsan ay ginagamitan niya ng dropper para lang makainom ito ng tubig. Alam kasi nito kapag sa bote ito papainumin ng tubig.

And luckily, sa loob ng walong buwan na breastfeed niya rito ay ngayon lang nagkasakit ang anak.

Makalipas ang dalawang araw ay lumabas na rin sila ng hospital. Binili niya lahat ng resetang gamot ng doktor para kay AV. Masigla na rin ang anak.

“Baby, ano kaya ang mangyayari kung kasama natin ang daddy mo? How I wish, na kasama natin siya. Sana tinanggap ka na lang niya. Sana kumpleto tayong tatlo. Sana lalaki kang may ama. Please Baby, when you grow up punch your daddy hard on his face, okay. Goodnight, AV. Mommy loves you,” saad niya sa anak bago matulog nang gabing iyon.

“BABY!” sigaw ni JV at agad na nagmulat ng kaniyang mga mata. Napatingin siya sa garapon.

Almost two years nang wala siyang balita kay Dawn. At hanggang ngayon ay patuloy pa rin niya itong hinahanap.

“Baby, what was the meaning of that? Was it a sign, na buhay ka? At hindi pumayag si Dawn na mawala ka? Kung iyon nga, then, hindi ikaw ang anak namin. Kaninong anak ka?” tanong niya sa kawalan.

Nanaginip na naman siya ng isang batang lalaki na nasa walong buwan hangang isang taong gulang ang edad. He was crying and looks so hopeless while he was at his mother's shoulder. Nakatalikod sa kaniya ang babae, pero kilalang-kilala niya ito. The baby was facing him. His eyes were full of tears while staring at him. Wari ba ay nagpapakarga sa kaniya. He wanted to touch the baby. Kaya lang, nang akmang lalapit siya sa mag-ina ay biglang nilamon ang mga ito ng dilim. Napatingin siya sa orasan. It's only two in the morning.

“Dawn, baby, bumalik ka na please. I miss you, damn much!” Hindi niya napigilang mapaluha dahil sa pangungulila sa dalaga.

“Sising-sisi ako sa ginagawa ko sa 'yo. Kung sana ay hindi ako naging makasarili. Sana buo tayo ngayon. Kung hindi sana ako gago sana kasal na tayo ngayon. At kung sana, hindi ako naduwag, nasaksihan ko sana kung paano ka naglihi at kung paano lumaki ang tiyan mo. Sana masaya tayo ngayon. Sana hindi ganito ang nararamdaman ko. Sana buo pa ako ngayon. Sana hindi na lang kita sinaktan,” usal niya na para bang kaharap niya lang ang dalaga.



FOUR MORE YEARS LATER

“Sir JV, okay na ang lahat. Ikaw na lang ang hinhintay sa conference room,”  imporma sa kaniya ni Lole.

Halos anim na taong nang nawala si Dawn pero hanggang ngayon ay wala pa ring balak na mag-asawa si JV. Kahit ilang beses siyang pinagsabihan na mag-move on, pero hindi niya kaya. Umaasa siyang babalik pa ang dalaga. Si Tracey ay wala na siyang balita mula nang mag-eskandalo ito sa kaniyang opisina noong araw na pinatawag niya ang lahat sa conference room. Vice president pa lang siya noon.

Yeah, noon. Dahil nagpasya ang ama niyang mag-retire na kaya ginawa siya nitong CEO. With the approval of the board, of course. He went to the conference room, para sa monthly meeting nila. Makalipas ang dalawang oras ay natapos na ang meeting niya. Eksaktong alas-singko na rin ng hapon.

“Lole, you can go now,” saad niya sa loyal niyang secretary. Hanggang ngayon ay single pa rin ito. At wala siyang nababalitaang may nobyo ito.

“Tatapusin ko na lang itong naiwan kong gawain kanina, Sir, at uuwi na rin ako,” sagot nito. Sa lahat ito lang ang hindi nagbago ang pakikitungo niya.

“Paano ka magka-lovelife niyan kung puro ka trabaho?” biro niya rito.

“Tsk! Huwag mo nga akong pansinin, Sir. Mas maigi nang single kaysa double marami namang bukol. Nako!” naiinis na sagot nito.

Napangiti siya. Kasi biruin lang ito ng ibang bagay huwag lang ang pagiging loveless nito.

“Ay, Sir. Tumawag pala si Sir Eleyas. Huwag daw po kayong mawawala bukas dahil mamamanhikan slash propose raw siya sa nobya niya. Kailangan daw kompleto kayong pamilya,” paalala sa kaniya niya Lole.

“Okay,” nakangiting saad niya.

“Sir, huwag maging ampalaya. Huwag pahalatang bitter ka. Masyado kang halata, eh,” sita sa kaniya ni Lole.

Marahil ay napansin nitong mapait siyang napangiti nang sumagot siya rito ng okay. He envy his brother. Mabuti pa ito at mag-po-propose na. Eh, siya hanggang ngayon hindi pa rin makita-kita ang babaeng minamahal.

It's almost six years. Kung hindi sana siya gago malamang apat na taong gulang na ang anak niya, nila ni Dawn.

“Baby, please come back. Ikaw na lang ang kulang at makokompleto na ako,” mahinang usal niya. Hindi niya alam na mataman siyang pinagmamasdan ni Lole.

“Alam mo, Sir, hindi ko man alam ang dahilan ng pang-iiwan sa 'yo ni Ma’am pero alam kong mahal mo siya. Marami na ang nangyari. Marami na ang nabago pero ang lungkot at pangungulila sa mga mata mo nang mawala siya ay hindi pa rin nagbabago. Sana darating ang araw na muli kong makita ang sigla at kinang ng iyong mga mata noong nandito pa siya. Nang sa gano’n Sir hindi ka na magsusungit sa iba. Ako lang yata ang hindi mo pinagsusungitan dito, eh!” mahabang litanya ni Lole sa kaniya.

Napangiti siya nang matamlay sa sinabi nito.

“Walang ibang makakapagbabalik ng kinang at siglang sinasabi mo, Lole, kundi siya lang. Tanging si Dawn lang,” aniya rito.

“Okay, sabi mo, eh. Pero sana one day SOON ay magkita na kayo. Para wala nang mga hipon at haliparot na magpapapansin sa ’yo rito sa kompanya,” halukipkip na muling saad nito.

Natawa siya sa sinabi nito.

“Kung hindi lang kita kilala iisipin kong may gusto ka sa akin,” biro niya rito.

Lalo siyang natawa sa reaksyon nito. Nanlalaki ang mga mata nito dahil sa gulat.

“Lole, bibig mo pakisara,” pang-aasar niya pa rito.

“My ghad! John Vhil Almonte! Kung si ano ka lang sana agad-agad pa akong aamin!” talak nito.

“Sino?” Hindi nakaligtas sa kaniya ang sinabi nito. Alam niyang may tinutukoy ito pero hindi niya kilala kung sino.

“Wala, Sir. Umuwi ka na. Baka ma-late ka pa bukas.” Iwas nito sa tanong niya.

“Malalaman ko rin kung sino iyang tinutukoy mong ‘ANO’,” wika niya saka tumalikod na para umalis.

“Asa ka pang malalaman mo, Sir,” nakangising pahabol nito.

Nginisihan niya lang ito pabalik.

Malapit na siya sa kaniyang condo nang maisipan niyang gumala saglit sa isang mall. Nag-ikot-ikot muna siya bago napagpasyahang kumain na lang sa labas bago umuwi.

Habang kumakain sa isang kainan sa loob ng mall ay namataan niya sa kabilang table ang isang pamilya na masayang kumakain.

Natigilan siya at hindi namalayang naaaliw na siyang nakatingin sa kabilang mesa.

“Ano? Naiingit ka?” usig ng isang bahagi ng kaniyang isipan.

Is he?

Yeah. Naiingit siya. Napabuntong hininga na lang siya at inubos ang pagkain.

He headed home afterwards.


I LOVE YOU STILLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon