Ate
Kakauwi ko lang ngayon sa aming bahay
Kami lang ng ate ko ang nakatira sa bahay na to.
Pagkapasok ko ay ang dilim dilim. Kaya binuksan ko ang mga ilaw.
Pagkatapos ay umakyat ako sa kwarto namin para makita kung nandun na ba sya. At para sabayan nya na kong kumain
At nakita ko sya na nakahiga sa kama.
Natutulog na yata sya kaya ayaw ko na syang istorbohin.
Kaya bumaba na ko at naghain ako ng kakain ko.
Hanggang sa biglang may tumatawag sa cellphone ko.
YUNG ATE KO
Pagkasagot ko ay sinabi nya na
Late daw sya makakauwi ngayong araw
Pero sino yung nakita kong babaeng nakahiga sa taas??
BINABASA MO ANG
Short Horror Stories
Short StoryPinagsama samang mga kwento na hango sa imahinasyon at hango sa tunay na karanasan. Ito ay tungkol sa mga kababalaghan at misteryong bumabalot sa ating mundo.