Double Deck

856 28 2
                                    

( A true story from my friend Trisha )

Bagong lipat kami sa panibago naming bahay

Hanggang 3rd floor ito. At dun ako sa 3rd floor natutulog minsan.

Ang kwartong aking tinutulugan din ay may sariling cr.

Sa kwarto yun ay double deck ang hinihigaan dahil minsan ay dun sa taas natutulog ang pinsan ko.

Isang gabi habang natutulog ako ay bigla akong nagising dahil sa lakas ng pagbukas ng pinto ng banyo

ilang beses kong tinawag ang pangalan ng pinsan ko upang sitahin sya dahil naistorbo ang tulog ko.

Habang nakahiga ay sumilip ako sa itaas ng double deck at nakitang may nakasilip na biglang nagtago.

"Wag mo kong istorbohin ngayon, inaantok ako" sabi ko sa kanya

Hanggang sa nagcr na ako dahil ihing ihi ako.

Pagkatapos ay sumilip ako sa taas ng double deck upang gulatin sana ang pinsan ko.

Pero nanginig ang tuhod ko ng makitang walang tao sa taas. At kinilabutan ako ng malamang ako lang pala ang nagiisa sa kwarto na yun.

Short Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon