Hi guys. Ngayon ko nalang ulit nadagdagan tong short horror stories.Pero etong kekwento ko eh totoong nangyari sakin.
So nangyari ito sakin mga 2 weeks na ang nakakalipas sa apartment na tinutuluyan ko.
Magisa lang ako sa apartment. Di naman nakakatakot yung apartment kasi bagong gawa.
At sa tingin ko eh wala naman talagang multo.
So nung week na yun bago nangyari, panay ang uwi ko ng probinsya, tas babalik rin agad ng apartment sa araw na yun.
Mga 4 days siguro akong puro alis tas kulang sa tulog.
Kaya sobrang pagod din talaga yung katawan ko.
So nung huling uwi ko nun sa apartment galing probinsya.
Pagod na pagod ako, na parang wala akong lakas.
Sanay ako na natutulog na patay lahat ng ilaw.. kasi ayoko talaga pag may ilaw. Di ako nakakatulog.
Kahit lampshade wala ako.
Nakatulog ako nun ng madaling araw. Feeling ko mga alas dos yata.
Hanggang sa nagising ako na madilim pa. Wala pang sinag ng araw sa bintana.
Tas nakatulala lang ako ng ilang minutes nun kasi nga pagod talaga ako.
Wala akong iniisip. Nakatulala lang talaga ko sa kawalan.
Hanggang sa biglang pumasok sa isip ko na parang may mali.....
Hindi ko alam kung ano pero parang may hindi tama.....
Hanggang sa sinubukan ko ng gumalaw. Pero hindi ako makagalaw.
Kahit kamay ko eh hindi ko talaga mausog. Sinusubukan ko pero ayaw talaga.
Sumisigaw ako pero walang salita na lumalabas sa bibig ko. Kundi mahinang parang impit na pagungol lang.
Dun na ko talagang kinabahan.
Hindi ko alam ang gagawin ko.
Pumasok agad sa isip ko ang SLEEP PARALYSIS
Eto ba yung sinasabi nilang sleep paralysis???
Pero madalas daw pag sleep paralysis eh may nakapatong sayo
Buti nalang ay wala sakin.
Tumitingin ako sa paligid ko. Buti nalang ay wala akong nakitang kahit ano o kahit sino na lalong ikatatakot ko.
Pero hindi lang yun ang kinatakot ko.
Narealize ko na wala ako sa kama.....
NAKALUTANG AKO!!
NAKAHIGA AKO PERO NAKALUTANG SA ERE.
Dun ako talagang natakot at wala akong magawa para makaalis sa sitwasyon na yun.
Para na kong maiiyak nung time na yun....
Pumikit nalang ako at bigla akong nagdasal.
Di ako makapagsalita kaya sa isip ako nagdadasal......
Tahimik lang sa buong paligid at madilim.
Talagang puro dasal lang ang ginagawa ko.
Hanggang sa medyo naramdaman ko yung katawan ko na gumagalaw
Gumagalaw yung nakalutang kong katawan pabalik sa kama.
At nang makabalik na ako sa kama ay para akong biglang nagising na talaga ng totoo.
At unti unting kong nagalaw yung katawan ko.
Pagkabangon ko ay binuksan ko agad yung ilaw at di ko na tinignan yung oras kasi natatakot ako.
Dahil alam kong madaling araw parin yun
Nagdasal lang ako ng nagdasal at maya maya pa ay bumalik na sa tulog.
Yun na siguro yung pinakanakakatakot na nangyari sakin.
Pero buti naman ay di na ulit sya naulit pa.
Siguro ay dapat wag nalang natin pagurin ng sobra yung katawan natin at wag tayo laging nagpupuyat.
At talagang dapat ay lagi tayong nagdadasal.
BINABASA MO ANG
Short Horror Stories
NouvellesPinagsama samang mga kwento na hango sa imahinasyon at hango sa tunay na karanasan. Ito ay tungkol sa mga kababalaghan at misteryong bumabalot sa ating mundo.