Kalsada

760 26 0
                                    


Habang naglalakad sa kalsada ay di ko maiwasang hindi matakot.

Dahil wala masyadong sasakyan na dumadaan at wala rin masyadong tao.

Natatakot ako sa mga posibleng mangyari.

Kaya mabilis ako maglakad. Pero habang naglalakad ay nararamdaman kong may sumusunod sa akin

Ngunit paglingon ko ay wala namang tao.

Kaya nagpatuloy nalang ako sa paglalakad

Pero paglingon ko ulit ay may lalaking duguan ang mukha at pabilis ng pabilis ang lakad habang papalapit sa akin

Dahil sa takot ay tumakbo na talaga ako ng mabilis

Pero paglingon ko ulit ay nawala na sya. Kaya nakahinga na ko ng maluwag

Pero pagharap ko ay nakita ko sya at nakita ang duguan nyang mukha.

Kaya napasigaw ako at tumakbo sa ibang direksyon pagkatapos ay may kumausap saking babae

"Bakit ka tumatakbo?"

"Tulungan nyo po ako, hinahabol ako nung lalaking duguan ang mukha"

Pagkatapos ay mas lalo akong natakot sa sinabi nya

"Kanina pa kita nakikita, pero wala naman akong nakitang lalaking humahabol sayo"

Short Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon