( true story )Mayroon kaming tindahan sa loob ng isang townhouse
Pag may narinig kang "Pabili" ay lalapit ka kaagad sa pinto upang pagbentahan ang taong bumibili
Isang beses, habang gabi, ay may narinig akong nagsabi ng pabili.
Kaya napalipat agad ako sa pinto, pero nagtaka ako dahil wala namang tao.
Hanggang sa nung napatingin ako sahig ay nagulat ako dahil may aninong dumaan na nakabisikleta.
Pero walang namang dumadaan na nagbibike.
Pero binalewala ko nalang yun.
Kinabukasan habang naglalakad ako sa loob ng townhouse ng gabi, ay may natanaw ako sa malayo na nagbibike.
Pero di ko makita kung sino ito dahil sobrang dilim
Di ko inaalis ang tingin ko dito dahil gusto kong makita kung sino ito
Pero nagulat nalang ako ng bigla itong mawala na parang bula
Di ko alam kung pano nangyari yun
Siguro ay guni guni ko lang kaya binalewala ko nalang uli
Pero makalipas ng isang buwan ay nasa bulacan na ako. Ang mga bahay dun ay magkakalayo
Habang naglalakad ako sa kalsada ng gabi ulit ay kinilabutan na talaga ako ng makitang dumaan sa sahig sa gilid ko ang anino ng nagbibisikleta.
Napatakbo ako dahil pagtingin ko sa paligid ko ay wala namang ni isang tao na naroroon.
BINABASA MO ANG
Short Horror Stories
Short StoryPinagsama samang mga kwento na hango sa imahinasyon at hango sa tunay na karanasan. Ito ay tungkol sa mga kababalaghan at misteryong bumabalot sa ating mundo.