Gabing gabi na, pero dahil sa init ay pinagpapawisan akoKaya gusto ko munang magshower bago matulog
Kaya kumuha na ko ng twalya ko at ng damit na susuotin ko.
Hanggang sa narinig ko sa banyo na nakabukas yung shower. Dinig na dinig ko ang pagbuhos ng tubig
Sino kayang nasa banyo eh magisa lang naman ako sa bahay?
Kahit na takot ako ay pumunta ako sa banyo. Pagbukas ko ng pinto ay nakasara naman yung shower
Kaya di ko na pinansin yun at pumasok na ko sa banyo para maligo.
Pero bago magshower ay nagsalamin muna ako
Hanggang sa nakita ko sa salamin na umaandar yung shower, at puro dugo ang lumalabas dito
Kaya lumingon agad ako, pero paglingon ko ay nakasara naman ito
At nung pagtingin ko ulit sa salamin ay nakita kong nakabukas pa rin yung shower.
Pagkatapos ay nakita kong may babaeng nakatayo sa likuran ko na punong puno ng dugo ang katawan
BINABASA MO ANG
Short Horror Stories
Short StoryPinagsama samang mga kwento na hango sa imahinasyon at hango sa tunay na karanasan. Ito ay tungkol sa mga kababalaghan at misteryong bumabalot sa ating mundo.