Andrew jake chua
To my future wife: daniella santos
"Para kang isang ulap sa ibabaw ng alapaap,ang ganda mo'y aking pinag mamasdan sa tuwing ako'y napapatingin sa kalangitan....
.. napatingil ako sa aking pag babasa sa aking papel nang pwersahin itong kunin ni raven mula sa aking kamay.
"Tol,tingnan mo si andrew nag susulat na naman para kay daniella? Haha!!..naka lagay pa rito sa tula niya na future wife!!.ahahaha!!..asa ka pa na magugustohan ka niya!.. ahahaha!......" pangungutya ni raven,kasama pa si mark na nakikitawa rin.
Nilukot ni raven ang papel sa harapan ko at ginawang bola para ibato sa akin..tumama iyon sa mukha ko. syempre wala akong nagawa para doon nanatili lang akong walang imik at hinahayaan ang mga pang bu-bully na ginagawa sa akin ni raven pati na ang kanyang mga tropa sa school matapos non umalis na rin sila ng nag tatawanan hindi ko na iyon pinansin.
Ako si andrew wilson,nakatira sa bays court subdivision malapit sa bays road. Collage student, senior sa cursong bussiness management.Isang anak lang ako.. at tungkol naman sa hitsura ko? Hindi naman ako payat kagaya ng mga binubully sa school. hindi rin ako mataba, naka salamin lang ako na may makapal na grado. bata palang ako malabo na ang mga mata ko. sabi nila tipo ko raw ang isang nerd pero para sa akin ayos lang naman ang pagiging nerd ko. May kaibigan naman ako sa school sina luxy at jill..
About love life ko? Hindi naman ako gaanong nag kaka crush sa campus actually isang babae lang..ito ay si daniella santos
Junior pa lang ako nang simula ko siyang makilala sa isang prom night,wala akong kapartner no'n dahil walang may gustong makipag sayaw sa akin kahit si luxy ay may kapartner na si josh at si jill naman lalaki siya at si honey ang naging kapartner niya non na naging girl friend niya ngayon..
Nasa isang sulok lang ako naka upo sa seated area sa may gilid, iilan lang kami na nakaupo don at walang maka sayaw hanggang sa may lumapit sa akin na magandang babae at iyon ay si danniella, nakakatwang isipin na siya mismo ang lumapit para hingiin ang kamay ko at ayain akong makipag sayaw. Kahit nahihiya ako sobrang saya ko no'ng gabing iyon.May mga ngiti sa labi niya na nag sasabing "masaya akong naka sayaw kita?,andrew!!.. hindi iyon pangarap o ilusyon lang.. pero totoong naka sayaw ko si daniella santos isa sa mga magandang babae sa school na ito, at mula no'n, parati ko na siyang nakikita at nakaka usap sobrang saya ko..
Hanggang sa ngayong college na kami, nakikita ko siya at nakaka usap paminsan-minsan.
Nakahiga ako maliit na damohan sa field habang inaalala ang masayang gabi namin ni daniella, kinuha ako ang papel na ginawang bola ni raven at masayang binuksan ng paunti unti..madalas ko siyang sulatan sa papel pero hindi ito nakakarating sa kanya,kaya naman madalas iyon kunin nina raven at mark para ibato sa akin.
"Andrew!!.." boses ng isang babae kaya sinundan ko ang tinig na tumawag sa akin.
Hinarap ko siya sa kaliwa kung saan nang galing ang boses niya. si luxy iyon papalapit sa akin.
"Andrew? Anong ginagawa mo dito sa field."hingal na hingal si luxy habang nag sasalita.
"Ahh?.. wa-wala naman? ganoon ba? Teka tatayo lang ako." Tinayo ko ang kalahati ng katawan ko hanggang puson ko, pasimple kong tinago ang papel na hawak ko sa kamay ko sa loob ng jamsport kong bag..
"Hay!!... nag susulat kana naman ba kay daniella ha?, " anya ni luxy na napansin ang gusumot na papel na hawak ko at unti unting pinapasok sa loob ng bag ko.
hindi na ako nag salita dahil alam na niya ang ginagawa ko dito. Paminsan minsan tinatago ko ito kay luxy dahil alam niya na binubully ako ni na raven at mark at ayaw niya ng ganon. Inayos ko muna ang salamin ko bago tuluyang tumayo at salubungin ang naka simangot na si luxy. Nawala na sa isip ko daniella mabilis na iyong napalitan ni luxy at ang sinabi niya sa akin ngayon.
BINABASA MO ANG
about time (A Love Story)
FantasyAng lolo ni andrew ay may antique na relo na kulay ginto na may kakayahang ibalik ang oras..nang aksedenteng napunta iyon kay andrew at natuklasan ang lihim ng relo natakot siya rito. ngunit kinalaunan ay ginamit nya rin ito sa babaeng kanyang pinap...