(About Time)Dumating si daniella na nag aalala at natataranta niya akong nilapitan..
"Andrew? Ok ka lang ba? ano bang nangyari sayo,kanina bakit ka nakipag away kay raven at sa mga tropa niya.
"Ok lang ako daniel, ummf. Naiinis na kasi ako kanina sa kanila,hinabol nila ako kanina sa field,hindi ko alam kung bakit?..
"Alam mo naman sila, pano kung mapahamak ka? tingnan mo nga iyang itsura mo." Sunod sunod na sermon nito.
"Umm.. excuse me lang! Guys,.. sa palagay ko aalis na ako ngayon, may gagawin pa ako.." singit naman ni jill na dahilan kaya tumahimik kami saglit ni daniella at tumingin sa kanya, hindi namin siya pinansin hinayaan ang pag alis niya palabas ng kwarto..
Ng maka alis na si jill, umupo si daniella sa tabi ko.kaya inakbayan ko siya..
"Ayos lang ako bhae,alam mo ba noong iniinsulto nila ako at pinag tatawanan, hindi ko sila gaanong makita dahil malabo ang mata ko at naliliyo ako,biglang pumasok sa isip ko non ang sinabi mo sa akin kahapon sa mini stop habang nag uusap tayo, sabi mo hindi ako mahina sa physical na katawan, masyado lang akong mabait para hayaan silang gawin iyon sa akin..pero ang totoo hindi ako mahina.. nadala lang ako ng takot ko.. totoo lahat nang sinabi mo sa akin, kasi simula noong mamatay si papa ko sobra akong natakot at nag karoon ako ng troma do'n, hindi ko matanggap na wala na siya sinisisi ko minsan ang sarili ko.gusto kong ibalik ang oras na kasama siya pero sabi ni lolo sa akin sadyang ganoon daw talaga ang buhay,kahit sampung beses mo pang ulitin ang oras para sa kanya sadyang hanggang doon nalang pala ang buhay ng tao..kung hindi siya para samin ni mama siguro para sya sa panginoon.. at ang kailangan ko nalang gawin ay tanggapin iyon..tanggalin ang takot na nararamdaman ko at maging malaya sa troma na dinadala ko ng anim na taon..at ang mga pasang ito hudyat ito na malaya na ako sa takot ko kasi kanina lang hinarap ko sila nang natatayo ang mga paa ko pakiramdam ko malakas ako at hindi nag papatalo alam mo ba kahit apat sila naka suntok naman ako sa kanila kahit tag iisa lang, ang masaklap lang nito apat sila at apat na kamao ang hinarap ko."natatawa kong sabi..
"Mukhang totoo at epektive ang naging pag uusap natin kahapon ah!.. minsan kapag kausap mo ang isang tao parang may malalim kayong pinag uusapan, madalas ay binabase natin sa mga naging karanasan natin, tama ba?.."naka ngiti siya parang may nakikita akong pag asa mula sa mga mata niya..
"Oo tama ka, at ang sarap sa pakiramdam non, dahil ni minsan walang nakinig sa akin maging ang mama ko... hindi niya tinanong sa akin ang nararamdaman ko. puro nasa ibabaw lang ang alam niya sa akin,yung andrew wilson na makulit ,matigas ang ulo at minsan mabait, alam niya kung saan ang kahinaan ko, kung anong hilig kong pag kain at kung anong nakaka sama sa akin, pero ang totoong saloobin at ang iniisip ko maging ang kahinaan ko hindi niya alam..nakakatwang isipin lalaki ako pero ang drama ko..
"Bakit naman? Alam mo hindi naman porket lalaki ka hindi pupwedeng umiyak at mag drama, ayaw natin iyon,alam ko! pero ano bang magagawa natin tao lang tayo. umiiyak tayo kapag may problema o kaya nagiging masaya tayo kung may nakatawang nang yari sa buhay natin...
"Ang saya ko kasi sinabi mo sakin ang lahat ng ito.Gumaan ang pakiramdam ko..
Ngumiti sa akin si daniella ng matamis..
..
Matapos ng klase namin nag kita kami ni daniella sa labas ng campus parang ito na ata ang pinaka masayang araw ko na kasama siya ayoko ng mawala siya..Namasyal muna kami sa park malapit sa school namin..walang pinag bago ang lugar ngayon at sa taong 2016, may ilang restaurant lang na ginagawa ngayon tulad ng mrs. Granny pie house,akalain mo 2years palang pala ang edad ng restaurant na iyon, tapos ang mcdo walang pinag bago ganon padin, pina kintab lang nila ang pintura nito sa taong 2016, pero ang ilang shop dito na matatagal na pala,pagagandahin lang nila sa future.. sa totoo lang ngayon ko lang napansin ito, ang wala lang ngayon at mayroon sa taong 2016 ay ang ilang over past na ginagawa nila siguro sa taong 2015 pa..o baka naman makalipas ang ilang buwan mula ngayon... mula sa aking pag mamasid. . hindi ko napansin na naka hawak na pala sa akin si daniella naka pasok ang kamay niya sa kamay ko na naka pasok sa dalawang bulsa ng pantalon ko, hindi ko ininda ang hapdi ng mga pasa ko sa mukha ko, hinahayaan ko lang ang araw na ito para sa aming dalawa.
![](https://img.wattpad.com/cover/87123342-288-k277319.jpg)
BINABASA MO ANG
about time (A Love Story)
FantasyAng lolo ni andrew ay may antique na relo na kulay ginto na may kakayahang ibalik ang oras..nang aksedenteng napunta iyon kay andrew at natuklasan ang lihim ng relo natakot siya rito. ngunit kinalaunan ay ginamit nya rin ito sa babaeng kanyang pinap...