Part : 2 #About Time

92 5 0
                                    


(About Time)

Nang marating ko ang antique shop furniture ni lolo sa tabi ng ilang store at shop dito. tumigil ako sa tapat nito at deretsong pumasok sa loob ng lumang shop ni lolo, sabi ni lolo ito daw ang pinaka unang shop dito sa bayan dahil ito daw ang negosyo ng papa niya noon.
Pag pasok ko dito una kong nakita ang ilang aparador na my ilang taon na ata ang edad,ilang upuan na kahoy at kung ano ano pang lumang kagamitan na naka display dito.

"Oh apo,may kailangan kaba at napa punta ka dito ngayon?" Tanong ni lolo na nasa kaha naka-tayo doon ay si tito benjie ang bunsong anak ni lolo at tiyuhin ko,medyo matanda na din si tito ben ngunit wala pa ring asawa,gusto atang maging matandang binata.
wala siya ngayon dito sa shop..hindi ko alam kung bakit?

"Lolo eto po ang turdan,sabi ni mama,"sabay lapag ko ng bag sa ibabaw ng estante.

"Aba! Buti at naalala pa ito ni helga.."
Natuwa si lolo ng makita iyon..

"Oo naman po!!.. —ah lolo, ang dami nyo pa din lumang gamit dito na maliit,tulad nitong bato na ito.." pangungulit ko na naman kay lolo, hindi ko alam kung bakit kapag napunta ako dito nag mamasid parati ako sa buong shop ni lolo tinitingnan ang lumang larawan ng kanyang kabataan,ang lumang figuerin ang lumang ilaw ang lumang laruan na sundalo lahat ito ay aking pinapansin sa tuwing dumadalaw ako dito.. medyo matumal ngayong araw kaya wala si lolong costomer ngayong oras na ito.

"Hijo, huwag mo ngang pakealaman ang mga iyan, pinag bibili ko ang mga iyan." Anya ni lolo..

"Talaga? ,mm!!... nakakatakot naman po iyan lolo..

"Hindi naman,lahat ng mga iyan ay may halaga.marami na silang napag daanan sa ilang taon na sila ay ayos pa..

"Wow!!.. grabe naman.." hindi ko alam na natutuwa pala ako kapag kinukuwentohan ako ni lolo ng tungkol sa mga kagamitan niya, hanggang sa makita ko ang isang bilog na kwintas ng isang lumang orasan na naka patong sa lumang libro na makapal, medyo maliit ito at kulay ginto ngunit sobrang luma at kupas na iyon. parang kuminang iyon sa paningin ko ng makita ko ito..kaya hindi ko maiwasan na itanong iyon kay lolo, kinuha ko iyon ng kanang kamay ko at nilambitin iyon para ipakita kay lolo..

"Lolo, ilang taon naman ang isang ito?" Naka kunot ang noo ko at corious kong tinanong iyon sa kanya.

"Naku hijo?, huwag mong pakealaman ito." Mabilis iyong kinuha ni lolo mula sa pag kaka lambitin ko . Hindi ko maintindihan kung bakit bigla siyang nagulat at tila may malaking tinatago sa mukha.

"Bakit naman lolo?

"Basta huwag mong pakealam ito. O eto ang bag mo.. umuwi kana..baka hinahanap kana ng mama mo.." sabay inabot sa akin ang bag na pinag lagyan ng saging..hindi ko maisip ang reaksyon ni lolo sa lumang orasan na iyon,pero pinag sa walang bahala ko iyon at kinuha ang bag mula kay lolo..

"Ok!.. po!."Mabilis kong sabi..sabay tumalikod ako sa kanya at lumabas ng shop dala ang bag at kinuha ko ang bike na naka sandal doon at mabilis ko itong kinuha para umuwi.

..

Ng maka uwi na ako ng bahay, muli kong kinuha ang bag na nasa loob ng basket ng bike para dalhin sa loob ng bahay. At nang kunin ko at dinakot iyon may napansin akong laman ito na maliit, hindi ko alam kung ano iyon basta nakapa ko matigas at maliit ito, malambot kasi ang bag na iyon kaya madaling makakapkap ang laman nito.,kumunot ang noo ko sa kung anong laman niyon kaya naisipan kong kunin ito sa loob ng bag para alamin.."ano naman kaya ang laman nito? "Sabi ng isip ko.ng pasukin ng kamay ko ang bag para kunin iyon napansin ko na malamig iyon parang bakal na bilog na ewan? Tapos may chain pa na bakal din,dinakot ko rin ito para tingnan. at ng kunin ko na ito tinukoy ko itong kwintas ngunit ng makita ko iyong lumang relo ni lolo na kulay ginto.

about time (A Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon