(About time)"Ano? Masarap ba? "tanong ni jill sa akin nang mag shot ako ng kaunting beer na aming iniinum kasama sina vince at mico mga kaklase namin sila.
Sumigaw naman ang dalawa nang mainum ko iyon, kilala kasi nila akong hindi marunong uminum."Ohhh!!..………"kasabay nang pag pukpok nila sa lamesa. Maingay at magulo doon, sinasabayan pa nang malakas na ingay ng music at pang disco na ilaw na may iba't ibang kulay.
Naka limang shot palang ako'y hilong hilo na ako kaya natumba na ako doon hanggng sa ihatid na ako ni jill sa bahay dahil hindi ko kayang mag lakad. Alas-dos nang madaling araw na ako hinatid nina jill at nang dalawa pa nitong kasama.
Doon na ako tuluyang nakatulog nang ihiga nila ako sa aking kama, noong una'y rinig ko pa ang sermon ni mama habang inaalis ang sapatos na suot ko.Ngunit kinalaunan ay nawala na rin ang tinig niya.
Nag lalakad ako sa kalsada at wala akong iniisip hanggang sa tumawid ako sa may intersection kasama nang ilang estudyante. Bumaling ako sa kaliwa at natuon ang mga mata ko sa isang lalaking eatudyante na kasabay ko naka tagilid siya sa akin at nakatingin siya sa hawak niyang cellphone, moreno ang kulay niya undercut ang gupit ng buhok niya at may tamang tangkad mula sa akin medyo nauna siya sa akin ng ilang hakbang nang may biglang may narinig akong humaharurot na kotse mula sa kaliwa ko hindi ko pa man nakita iyon ay sumalpok na ito sa akin mabilis ang mga pangyayari kaya hindi ko iyon nagawang iwasan at tumalsik ako nang malayo sumama ako sa pag hampas nang katawan ko mula sasakyan at nabali ang ilang mga buto ko sa katawan sa lakas nang pag bagsak ko. hindi ko maipaliwanag ang nangyari kulang ang mga salita sa aking paglalarawan. kitang kita ko kung paano ako nasagasaan at tumalsik nang walang malay, pinagkaguluhan ako nang mga taong takot na takot. pinag pawisan ako nang malapot,lumakas ang kabog nang dibdib ko at sobrang takot na takot nang makita ko ang aking sarili na duguan sa gitna nang kalsada wala nang buhay..kinakapos ako nang hininga at gulong gulo ang isip." Sino ako??.."sino ako??.. paulit ulit kong tinatanong sa aking sarili at kung paano ko nakita ang aking sarili sa ganoong hitsura,matatandaan kong isang estudyante ang naaksedenteng iyon at hindi ako.. lalong nag habol ang aking hininga sa takot ko, bakit ang estudyanteng nabangga noong araw na iyon ay naging ako?.. "sabi ko saking sarili gusto kong sumigaw ngunit hindi ko magawa,tila nawalan ako ng boses..
Sinubukan kong itaas ang dalawang kamay ko upang tingnan ang aking kabuuan,dahil hindi ko maramdaman ang sarili ko kung nasaan man ako ngayon..
Nakita ko ang aking kamay ngunit mas lalo akong natakot at lumaki ang dalawang mata ko nang makita ko ang dalawa kong kamay na unti-unting nag lalaho na parang abo na sumasama sa hihip ng hangin.." ahhhh!!!!...……………………………………………………………!!. Sigaw ng utak ko na gustong gustong ilabas ng mga bibig ko ngunit hindi ko magawa.. hindi na ako makapag isip nang tama."a-anong ibig s-sabihin nito!!!!...h-hindi ma-maaring pa-patay na a-ako?..nakaligtas ako.. niligtas ako ng relo !!..naguguluhan kong sabi.
"Andrew??...……andrew!!!!.…" boses nang isang babaeng gumising sa takot na takot na ako. Habang inuugoy ni mama ang dalawang balikat ko.
Mula sa boses na iyon ay minulat ko ang aking mga mata mula sa reyakidad at si mama ang una kong nakita. hinabol ko parin ang hininga ko dahil para akong naubusan n'on. ramdam ko na ang sarili na nakahiga sa ibabaw nang kama..umikot ikot ko ang mga mata ko sa buong silid, doon ko napag tansyang panaginip lang ang lahat panaginip lang ang pagkamatay ko. "Binangungot ako??.
"Anong nangyari sayo andrew?" tila may pag aalala sa tinig ni mama. Hindi parin ako nakakapag salita, hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanya ang bangungot na sinapit ko.
"M-ma!!.." nagawa ko nang mag salita mayroon nang tinig na lumabas mula sa bibig ko.
"Bakit ? Anong nangyari? narinig kong sumisigaw ka,kaya pinuntahan agad kita!! binabangungot ka??.."
BINABASA MO ANG
about time (A Love Story)
FantasíaAng lolo ni andrew ay may antique na relo na kulay ginto na may kakayahang ibalik ang oras..nang aksedenteng napunta iyon kay andrew at natuklasan ang lihim ng relo natakot siya rito. ngunit kinalaunan ay ginamit nya rin ito sa babaeng kanyang pinap...