(About Time)Lumabas ako ng kuwarto ko at balisang nag tungo sa kusina at naupo sa tapat ng dining table tila lutang pa rin ang isip ko ng mga oras na iyon, hindi makapaniwala sa naging karanasan kagabi, inayos ko muna ang salamin ko bago ako marahan naupo at nag salok ng kanin sa naka hain doon..
"Tumawag ang lolo mo sa akin kagabi kinukulit ako sa relo? Hindi ko alam kung anong klaseng relo ang sinasabi ng lolo mo pero sinasabi niya na nasa sayo daw iyon? Andrew nong nag punta kaba doon may pinakelaman ka ba sa shop ng lolo mo at pinipilit niyang nasa sayo ang relo?" Panimula ni mama habang hindi inaalis ang tingin sa niluluto.
"P-po? W-wala po?..Hindi naman po." Tanggi ko..
"Eh, anong sinasabi niyang relo? iyan talagang lolo mo hindi ko maintindihan ?.. kung nasayo ang sinasabi niyang relo ibalik mo na iyon,alam mo na nagagalit si papa kapag kinukuha ang gamit niya sa shop..
"Ah! Ma,napansin nyo po ba noon si lolo at yung relong sinasabi niya?
"Ummf.. napapansin ko lang sa kanyang relo dati iyong lux watch niya sa kamay na kulay silver, ? Wala naman? Bakit nasayo ba iyon?
"Wala po. ..
"Hindi na kita tinawag kagabi dahil alam ko tulog kana eh!!..
kumain na ako, sa palagay ko ay walang alam si mama tungkol sa lumang relo ni lolo sa palagay ko ay hindi niya ako paniniwalaan kong sasabihin ko sa kanya ang nangyari kagabi sa akin,minabuti kong hindi iyon sabihin kay mama.
.
.
.
.
.
...
"Oy!..andrew? Buti at nakarating kana?" Sabi ni jill na umakbay pa sa akin.
"Bakit? ..
"Wala naman? Oh bakit ganyan ang mukha mo,ang aga nyan?
Naisip ko na kay jill ko sabihin ang nangyari sa akin kagabi..nasa isip ko bahala na kung maniniwala siya sa akin o hindi.
"Alam mo ba kagabi matapos mong tumawag,inayos ko ang relo ng biglang naging wierd? Bigla akong bumalik noong lunes,yung oras nong umaga.. bago kita pinuntahan sa canteen.
"Ha? ,? Ano ? Teka hindi ko getz?. Paki explain ng ayos?
"Ganito?,kagabi matapos mong tumawag sa akin, inaayos ko ang relo.." hindi pa ako tapos mag salita ng sumingit si jill..
"Teka? Wait? Anong klaseng relo ito? Relo sa kamay,relo sa ding ding o baka alarm clock?
"Relo na may chain,bakal?.. kulay ginto?.. ito oh!!.. " binuksan ko ang bag ko at mula doon kinuha ko ang maliit na relong kwintas, at nilambitin ko iyon para ipakita kay jill..
"Ah? iyan? So??... anong magic ang mayroon itong lumang relo?.." sabi niya ngunit sa tono ng pananalita ay natatawa at hindi naniniwala.
"Ano ka ba naman jill,akala ko pa naman naniniwala ka sa akin!.
"Ahaha!!.. ano bang gustong mong sabihin dyan ha? Itong relong ito.. ibinalik ka sa oras ng umaga noong lunes bago mo ako pinuntahan sa canteen? Parang yung palabas na time machine? Tapos yung sayo time watch? .. ahaha.." kinuha niya ang relo at sinuri ng mabuti tinitigan iyon ng natatawa..
"Jill,hindi ako nakikipag biruan sayo ,ok!!..." naiinis kong sabi.Kumunot ang noo ko,inayos ang salamin na bumaba ng kaunti..
"Ano ka ba andrew? nag papaniwala kana naman ba sa mga antique ng lolo mo?
BINABASA MO ANG
about time (A Love Story)
FantastikAng lolo ni andrew ay may antique na relo na kulay ginto na may kakayahang ibalik ang oras..nang aksedenteng napunta iyon kay andrew at natuklasan ang lihim ng relo natakot siya rito. ngunit kinalaunan ay ginamit nya rin ito sa babaeng kanyang pinap...