total naman nandito na itong nararamdaman ko na ito. at parang di naman ito titigil katulad ng pi na 3.1415... (to infinity and beyond)e sisimulan ko na. sisimulan ko nang iparamdam sa kanya kung anu yung nararamdaman ko. para naman hindi lang ako yung nahihirapan na idefine kung ano ba talaga to.
Sabi nga nila mas masarap daw kung may kasama ka at katulong sa mga bagay bagay. Yung meron kang kasangga na kasama mong haharapin at aalamin ang mga hiwaga ng buhay. Mga hiwaga ng buhaw na katulad nitong putik na nararamdaman kong ito.
Wait! e paano ba yun? paano ba talaga ang manligaw? tama bang manligaw ako ng di pa ako sigurado sa mga nararamdaman ko? baka kasi makasakit lang ako. baka sa huli mawala din to. baka sabihin nya pa FALL lang ako gaya ng sinasabi ng mga kaibigan ko.
hhaay. DA kailangan mong tatagan ang loob mo kung gusto mo talagang malaman kung anu ung nararamdaman mo. Sige na. gagawin ko na talaga.
-----
"JAAA! pwede makisuyo sayo? diba pupunta ka sa Mall mamaya?" - si JA isa sa mga nakababata kong kapatid. mahilig tumambay sa mall para lang magpalamig. parasite ng mall to e.
"Oo K.D. pupunta ako. bakit? may ipapabili ka ba?" K.D ang tawag sa akin ng kapatid ko. short for Kuya Da. hilig mangshorcut e. pati sa babae.
naalala ko lang hiyang hiya ako dun sa kapatid ko na yun. mas nauna pang magkagirlfriend kesa sa akin. mas GWAPO naman ako. *kidding*lol.
"Oo sana. magpapabili sana ako ng mga gamit sa pag bake ng cake. Alam mo naman na yung mga yun diba?"
"Sige K.D. kaso may dagdag ung ipapadala mo ha. mahirap maglakad e saka magutom mamili at magikot sa mall"
Putik! Nautakan pa ako ng kapatid ko. Butas na naman ang wallet ko dito.
"Oo na. baka mamayat ka sa kakahanap ng gagamitin ko e. Eto o Isang libo. Balik mo sa akin yung barya ha"
"YES Sir! panatang makaBoy Scout! maliligo lang ako at pupunta na ako sa mall K.D."
-----
shit! kinakabahan ako. First time kong gagawin to. Sana tanggapin nya. sana maappreciate nya yung ibibigay ko. Tamang tama magbibirthday na sya sa susunod na araw. Dadalhin ko na lang yung cake sa bahay nila para makatikim na din sina mama at papa nya. Mababait naman siguro sila. Sana.
Sana di ako mabigo sa first attempt ko na maclarify ung nararamdaman ko. Baka kasi lumiit ung probability na matanggap ako na manligaw kasi wala pa naman akong trabaho. ni hindi pa nga ako nakakagraduate e. di pa kami nagiging engineer.
Pero iniisip ko pa lang na ibibigay yung cake at maguusap kami maghapon e kinakabahan na ako. Kinakabahan na parang may dumadalow na malamig na tubig sa buong katawan ko. na parang nakakapangilig sa lamig. iniisip ko pa lang na hawakan yung kamay nya namumula na ako paano pa kaya kung totoo na 'di ba? grace grace grace. miss na kita. gusto na kitang makita para masabi ko na sayo yung nararamdaman ko at malaman ko na kung anu ba talaga ito.
-----
"K.D. aalis na ako! babalik agad ako para sayo at sa cake mo"
"siguraduhin mo lang na babalik ka agad. kung hindi pektus ka sa'kin" alam ko na mga galawan mo JA. naku naku. magtatagal. walang masasakyan. mauubos yung pera. kumain kuno yun pala pinang date na. tss tss.
"aye aye! Dambulahang Mamaw kong kuya!" *sabay takbo palabas ng bahay*
kung hindi lang ako nakikisuyo sayo hinabol na kita sa labas. nabubog na sana kita sa kwarto. kung hindi lang ako INLOVE ngayon.
----
INLOVE. inlove na yata talaga ako. eto na yata talaga yun. ang simula ng pagtubo ng bulaklak at dahon sa mga radicals. ang pagmove ng nararamdaman ko gaya ng paground off ng mga numbers at paggalaw ng decimal points. ang paglevel up ng feelings ko para sa isang babae na para bang pagincrease ng mga exponents sa mga sequences at progressions.
Inlove nga yata talaga ako.
sa WAKAS naramadaman ko rin. ang feelings na kay tagal kong inintay at hinulaan katulad ng paghihintay ko sa calculator after pindutin ang shift + calc. .
Inlove na ako.
BINABASA MO ANG
When Numbers Fall Inlove
Teen FictionHe is a math addict. So is she. He haven't felt how it is to be inlove. His mind is in total chaos. And his heart follows. 143. All he knew is that it is a number. A hundred and forty three. Until he met her. And she showed him what 143 means. The f...