"Guys! May quiz daw po tayo sa circuit II next week" si nelle, top 1 sa klase at bestfriend ko ngayong college. Ang saya lang nya kasama tapos ang hilig pa nyang magkwento tungkol sa mga love na yan.
" totoo? tungkol saan daw?
"E di sa tinuro nya. Saan pa ba? "
Ayan na naman sya sa pagkapilosopo nya. pero tama naman e. Kaso ang tinatanong ko yung topic syenpre.
Pero hindi sya ganyan lagi, paminsan minsan lang. Kaya nga ang sarap nyang batukan minsan e. Haha
"Ah. Bga bga, cge magastart na akong magreview sa labas.
Salamat""Haha, no prob. "
Umupo na lang ako sa labas ng room, wala din naman kasing makakwentuhan sa loob e. Saka alam ko magrereview rin yun si bes.
"Magrereview magrereview magrereview"
Paulit ulit kong sinasabi habang nagbubuklat ng notes sa circuits.
"Ang sipag naman! Anu yan? "
" ah, ikaw pala grace.
Wala 'to. Nagrereview reviewhan lang para sa quiz namin next week""Ah, grabee. Next week pa yung quiz tapos nagrereview ka na? Huwebes pa lang a. "
"Kailangan e. Para konti na lang rereviewhin sa saturday at sunday"
"Sipag talaga ee.
pwede pa tabi? Wala din kasi akong magawa sa room, saka gusto ko matuto nyan. "" cge ba! Dito o. May space pa."
Naupo sya sa tabi ko. At nanuod habang nagsosolve ako ng mga circuit.
"Ui, DA. Tingnan mo o may rainbow!"
"Saan? Saan? "
Nang tinuturo nya na, napatingin ako sa rainbow. Pero mabilis lang. Mas natawag ang aking pansin ng isang dalagang may napakagandang mukha sa aking tabi.
" ang ganda nga grace.
(Pabulong kong sinabi)
Ang ganda ganda mo""Anu? Anung sinabi mo? "
"Haha, wala wala. Di pwedeng ulitin."
Nakayuko ako nun. Tapos pagangat ko ng aking ulo. Nakatingin pala sya sa akin.
At napatingin din ako sa kanya. Sa kanya,ng mga mata.
Grabee. Ang ganda talaga.. black na medyo may blue yung iris. Ang galing.
Bumilis ang tibok ng puso ko. Bakit ganun? Alam nyo ba? Hindi pa naman ako nahihighblood pero sobrang bilis ng tibok nito para lang hinahabol ng sampong kabayo.
"DA, bakit ka namumula? May nakain ka ba? "
"A e. Wala naman."
Namumula daw ako. Putik. Nakakahiya. Baka isipin nya nag mamake up ako.
"Ui, di ako nagmamake up ha!"
"Hahaha, sino naman ang may sabi sayo na iniisip kong nagmamake up ka?! Grabee naman. "
Nagulat na lang ako ng bigla nyang nilagay yung kamay nya sa tapat ng aking puso.
"Dugdugdugdug"
"Ang lakas a. Parang alam ko na kung bakit ka namumula..
Crush mo ba ako? "
Patay! Panu yan? Anung isasagot ko e wala nga akong alam. Sasabihin ko ba na Oo kahit hindi ko alam O sasabihin ko na hindi ko alam.
"A e,
A e
A e
Aaaaaa.""E I O U, hahaha puro ka a e. Sorry na Napressure yata kita"
"Oo? Crush kita?!
Bakit ko ba. Nasabi yun? E hindi naman ako sigurado at hindi ko alam.
"Totoo? "
"Ou, pero studies muna bago lovelife"
"Lovelife agad?? E, crush lang naman a. Hahaha grabe ka naman"
Naku patay. Wrong choice of words. Haha E anu ba alam ko? Cge na paninindigan ko na, na crush ko sya.
Grace's POV
Hhhmmm, aaminin ko kaya sa kanya? Crush daw nya ako. Totoo kaya? Pero mukha naman syang nagsasabi ng totoo. Sadyang di lang talaga kapanipaniwala ang kanyang mukha.
Ang cute kasi, parang joke lang lahat ng sinasabi.
" DA, may gusto akong sabihin sa'yo"
Itutuloy ko pa kaya? Panu kapag nalaman nya? Magiging okay lang kaya sya?
"Hahaha, anu yun grasia? "
" wala wala, hindi naman pala ganun ka importante. Mag aral na lang tayo?"
"Haha, cge cge. Pero pangako mo pag importante na sya, sasabihin mo rin ha!?"
"Ou naman, ikaw pa! Malakas ka sa'kin e"
Hhhaaayyyy, hindi ko pa kaya. Bka makasakit lang ako ng damdamin.
Sana tama yung decision ko.
DA's POV
Anu kaya yung gustong sabihin ni grace? Sa tingin ko importante yun e. Nahihiya lang siguro sya sabihin.
Pero gusto ko talagang malaman. Siguro, sa tamang panahon.
Pero maiba tayo, panu yan? Naamin ko sa kanya na crush ko sya. Ganun ba talaga pag may crush ka na? Namumula? Bumibilis ang tibok ng puso? At nagsslowmo kapag nakatingin ka sa kanya?
Uwian na naman.
Hahalik na naman ang dilim
Alam ko kapag gabi lagi na namang sya ang nasa isip ko. Ganun ba talaga yun? Yung halos di na sya umalis sa utak mo, Para bang dun na sya nakatira.
Yung gusto mo lagi kayong magkatext. Kahit wala ka nang masabi at puro walang sense na bagay ang pinaguusapan nyo e parang ayaw mong matapos ang convo. LOVE na ba tong nararamdaman ko? O isa lang sa mga laro ng utak ko?
Ito na ba ang tamang panahon para maramdaman ko ang feeling na katulad nito?
Sana maliwanagan na ang isip ko, dahil isa lang ang alam ko .
Hindi ito makakatulong sa pagaaral ko.
Hindi naman nito masosolve ang mga problem sa electronics nor maaanalyze ang mga reaction sa strength.
Alam ko mahihirapan ako sa pagdedesisyon tungkol sa mga bagay na ito,
pero isa lang ang dapat kong gawin sa mga panahong ito.
AT DAHIL NALALAPIT NA ANG QUIZ SA CIRCUITS!
ARAL PA MORE!
BINABASA MO ANG
When Numbers Fall Inlove
أدب المراهقينHe is a math addict. So is she. He haven't felt how it is to be inlove. His mind is in total chaos. And his heart follows. 143. All he knew is that it is a number. A hundred and forty three. Until he met her. And she showed him what 143 means. The f...