Gabing gabi na, pero lumabas parin ako ng bahay upang bumili ng gamot sa ubo.Hanggang sa may nadaanan akong babaeng baliw sa kalye.
Di ko alam kung bakit ako takot na takot sa mga baliw.
Nakakatakot ang itsura nya, nanlalaki ang mga mata nya at kung san san sya tumitingin.
At mas lalo akong natakot ng bigla syang lumapit sa akin at sabihing
"Magtago ka na! Andyan na sya" nanginginig na sabi nya
Kinilabutan ako sa sinabi nya at agad tumakbo papalayo.
Nang nakabili na ko ng gamot at pabalik na ng bahay ay nandun parin yung baliw.
"Magtago ka na! Andyan na sya!" Sabi nyang muli sa akin
Kaya nagmadali ako pauwi ng bahay.
Habang nakahiga ako sa kama ay di ako makatulog
Dahil naiisip ko yung baliw na kumausap sa akin.
Hanggang sa may narinig ako na parang bumubulong sa ilalim ng kama
Natakot ako pero bumaba ako sa kama upang silipin ito.
At pagsilip ko dito ay kinilabutan ako dahil yung baliw na kumausap sakin kanina ay nasa ilalim ng kama ko
At sinabi nyang
"Magtago ka na! Andyan na sya!"
BINABASA MO ANG
Short Horror Stories
Short StoryPinagsama samang mga kwento na hango sa imahinasyon at hango sa tunay na karanasan. Ito ay tungkol sa mga kababalaghan at misteryong bumabalot sa ating mundo.