Kabanata 18

1.3K 37 1
                                    

Friends

"Nightmare..." bulong ko at saka tuluyang isinaksak ang patalim sa kanyang dibdib.

Mabilis namang nagbago ang paligid ko at nang matigil iyon ay nakabalik na ako sa dating kinatatayuan.

Pagtingin ko sa aking harap ay isang patalim na yari sa yelo ang nakabaon sa kanya. Tumulo ang kanyang dugo mula roon at nabahiran rin ng dugo ko ang transparent na hawakan ng patalim galing sa sugat sa aking palad.

"P-paano?"saad niya sa isang nahihirapang boses.

Napaubo siya ng dugo at saka mabilis na natumba habang nanatili akong nakatayo sa kanyang harap at pinapanood siya habang nahihirapan nang huminga.

"Pinapatawad na kita... Kaya isinaksak ko na sa dibdib mo ang patalim" saad ko sa kaniya na may bahid nang sarkasmo ang tono.

Ilang saglit pa'y hindi na siya gumalaw at tumigil na rin sa paghinga.

"Iyan ang kabayaran sa pagkuha mo ng maraming inosenteng buhay..." bulong ko.

Naramdaman ko naman si Summer sa aking gilid at nang lingunin ko siya ay basang basa na ang kanyang mukha ng luha.

Bigla naman siyang napayakap sa akin at sa humagulhol sa balikat ko.

"Akala ko ay hindi ka na magigising pa" saad niya habang patuloy na humihikbi.

"Hindi pa ako pwedeng mamahinga noh, may misyon pa akong tatapusin at may pamilya pa akong kailangang balikan" sabi ko ng may halong pagbibiro sa tinig.

Kumalas naman siya sa pagkakayakap at saka tiningnan ako nang masama.

"Nakakapagbiro ka pa sa lagay na yan."

Nginitian ko na lamang siya at nanatiling tahimik. Maya maya ay pumungay naman ang mata niyang nanatiling nakatitig sa akin at ibinaba iyon sa kamay kong inabot niya at hinaplos ang bahagi ng palad na malapit sa may hiwa.

Naramdaman ko naman ang sakit roon at nang tingnan iyon ay mapula na ang palibot nito at may umaagos pang dugo. Mabuti na lang at may isang napasamang healer sa aming grupo kaya nagamot agad iyon.

"Narinig ko ang boses mo kanina..." biglang pagkukuwento ko sa kanya pagkatapos akong gamutin.

Tiningnan niya naman ako at nanatiling tahimik na tila hinihintay ang susunod kong sasabihin kaya nagpatuloy ako.

"Akala ko rin talaga ay hindi na ako makakaalis sa masamang panaginip na iyon. Pinanghinaan na ako ng loob at inisip na wala nang silbi kung mabuhay pa ako. Ngunit nang marinig ko ang boses mo, nabuhayan ako bigla. Tila nagkaroon ako nang lakas ng loob na harapin ang kung ano mang nasa harap ko... Na dapat ay mabuhay ako dahil may mga taong naghihintay pa sa akin" mahaba kong pagsasalaysay.

"At dahil doon ay salamat. Salamat dahil pinaramdam mo sa akin na mahalaga ako. Na may pamilya pa akong mauuwian."

Bumuhos muli ang luha niya ngunit kumikislap na ang kanyang mga mata dahil sa saya.

"Ano ka ba... wala 'yon ano. That's what friends are for." At marahan niyang sinuntok ang braso ko.

Napatawa naman ako sa kanyang inasal at saka ginawaran siya ng isang matamis na ngiti.

"Yeah. Friends." At saka magkahawak kamay kaming bumalik papunta sa ibang mga elemental.

Mabuti na lang at walang napahamak sa kanila. Ang dalawa namang darkkeeper ay bagsak na sa isang tabi. Hindi na ako nangahas na magtanong pa kung paano sila napunta sa ganoong sitwasyon.

Pagkatapos ay nagdesisyon na kaming sabay-sabay na tumungo sa capital ng Centralia kung saan naghihintay sa amin ang iba.

Sa daan ay nagkukuwentuhan kami ni Sam at nang may maalala ay bigla akong napatanong.

The Last OriginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon