Kabanata 26

1K 35 0
                                    

Light

"Eydji!"

"Amaia!"

"Ate Mage! Gising!"

"Is she alright?"

Naririnig ko ang mga boses ng kasamahan na tinatawag ang pangalan ko. Dahan dahan akong dumilat at inia-adjust ang pangin sa nakasisilaw na liwanag sa harapan.

"She's awake!" Narinig kong saad ni Summer habang naramdaman ko ang mainit na kamay na pumulupot sa aking braso.

Nang tuluyan ko nang maidilat ang mga mata ay bumungad sa akin ang mukha ni Sam na makikitaan ng pinaghalong saya at pag aalala habang sa gilid ko naman ay nakangiti si Snow habang hindi pa inaalis ang mga kamay sa aking braso.

Inilibot ko ang paningin sa buong silid at nakitang andoon rin sina Lei, Aicy, Den ang magkakapatid na Windsor, maging si nani, Haizea at ang apat na headman.

Halos puti ang buong paligid at pumapasok ang sinag ng araw mula sa bintana na nakaharap sa hinihigaan ko.

Napangiti ako ng maikitang halos kumpleto kami rito.

"Mabuti na lang pala at lahat tayo sa langit napunta" saad ko habang kinukusot ang mga mata. "Pero mukhang naligaw ang isang yan dito."

Itinuro ko naman si Haizea kaya sinuklian niya naman ako ng matalim na titig.

Napahagikhik naman sina Summer at Snow saka nagsalita si Den na siyang nagpatigil rito.

"She must have hit her head really hard to have a head trauma like that."

"Nakakaexperience rin ba ang mga namatay na ng trauma?" Pagtatanong ko habang nakakunot noo.

Napatawa naman ang mga kasama ko kaya napatingin ako sa kanila ng puno ng pagtataka.

Nakatingin naman sila sa akin na bakas ang ngiti sa kanilang labi kaya hindi nagtagal ay napalitan rin ang ekspresyon ng katulad sa kanila.

"We survived the first wave and it's all because of you, Amaia" saad ni headman Irvine.

Wait? Did he just said survived? Ibig bang sabihin no'n ay buhay talaga kami.

Napangiwi ako ng may mapagtanto sa sarili. Kaya siguro natatawa sila sa reaksyon ko kanina ay dahil rito. Ang bobo mo talaga Amaia! Bakit ngayon mo lang iyon napagtanto.

"Yes. If it wasn't because of you, we'd all be rotting on the ground now" dugtong ni headman Phyrrhos.

"P-pero... wala naman po akong ginawa eh" sagot ko habang nalilito sa kanilang mga sinasabi.

"Nakalimutan mo na siguro dahil nabagok iyang maliit mong ulo" pakikisali naman ni Haizea.

"Haizea!" saway ng kanyang ama.

Napaisip naman ako sa kanyang sinabi at pilit inaalala ang mga nangyari bago ako nawalan ng malay. Sa pagkakaalala ko ay napatilapid ako habang may hinahabol na isang babae.

Hindi ko naman maalala ang mukha niya ngunit pakiramdam ko ay pamilyar na pamilyar siya sa akin. Pagkatapos no'n ay nagsimula ng manlabo ang paningin ko hanggang sa mandilim na ito.

Pero bago ako tuluyang mawalan ng malay ay nakita ko ang tila paglabas ng isang nakasisilaw na liwanag mula sa kamay niya. Napakaliwanag nito na kung hindi lang nanlalabo ang mga mata ko ay maaaring mabulag ako dahil sa pagtitig rito.

Matapos ang pangyayaring iyon ay wala na akong ibang maalala hanggang sa magising na lang ako sa loob ng isang silid.

"Teka! Nasaan po pala si Horace?!" Aligaga kong tanong ng maalala iyon.

The Last OriginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon