Kabanata 22

1.1K 39 2
                                    

Black hole

"So this is your hiding place eh."

Napatingala naman ako sa kabilang gilid ko at nakita ang isang darkkeeper na nakatayo habang nilalagatik ang mga daliri at malapad ang ngisi sa labi.

Napalunok ako at dahan dahang napatayo habang itinataas ang kamay bilang pagsuko.

Mas lalo namang lumawak ang ngisi niya at unti-unting naglakad palapit sa akin.

"Wait lang!" Saad ko bigla kaya siya napatigil.

"Natanggal yung sintas ng sapatos mo" saad ko sa kanya at saka tinuro ang paa para madistract.

"Haha. Hindi gagana sakin yan dahil naka tsinelas ako" sagot niya naman habang dire diretso ng naglakad papunta sa akin.

"Bahala ka pagnapatilapid ka sa paglalakad!" sigaw ko sa kanya kaya bigla siyang napadungaw sa mga paa.

Tanga! Alam niya palang nakatsinelas siya dumungaw pa.

Kinuha ko naman iyon na chance para maigalaw ang katawan ko at mag ipon ng hangin saka idinerekta sa kanya.

Agad naman siyang napatilapon dahil sa pagkakatangay ng malakas na hangin kaya kinuha ko na ang pagkakataong iyon para makatakas. Tumakbo ako palabas ng pinagtataguan at saka pumunta sa gawi nila Sam.

"Anong ginagawa mo rito?!" Sabay sabay nilang sigaw sa akin.

"Chillax! Tinulungan ko na nga kayo sa mga kalaban niyo... hindi niyo man lang ba ako pasasalamatan?" Wika ko sa kanila habang nakanguso.

"Ikaw gumawa no'ng kanina?" Tanong ni Lei.

Napaharap naman ako sa kanya saka pilit na ngumiti. "Ahh, oo eh hehe... hindi ko pala sinasadyan kanina sorry na..."

Napailing iling naman siya at saka napabuntong hininga.

"Diba sinabi na nilang manatili ka lang sa HQ" pagalit na saad naman ni Den. "Ang tigas talaga ng ulo mo."

"Syempre, kasi may buto" bulong ko naman na hindi pala nakatakas sa pandinig niya.

Tinapunan niya ako ng matalim na titig kaya napataas ako ng kamay bilang pagsuko.

"Okay...okay... sorry na nga diba. Eh kasi naman nag aalala ako sainyo kaya naisipan kong sumunod. Saka wala namang nangyaring masama sakin eh" at saka inilahad ko pa ang mga braso ko at umikot ikot para ipakitang wala akong galos.

"Tapos na ba kayo sa pagchihismisan dyan" sabat naman ng natitirang darkkeeper sa aming harapan.

"Hindi ka ba naturuan ng manners!" Sigaw ko sa kanya. "Pag naguusap usap ang mga pating huwag makikisali ang botete!"

At napatahimik naman siya.

Nanatiling seryoso pa rin ang mga titig nila sa akin kaya napabuntong hininga na lang ako bilang pagsuko.

"Fine... babalik na nga ako sa HQ oh" at saka tumalikod at nagsimulang maglakad palayo. "Masaya na kayo?"

Lumingon naman ako sa kanila at nakitang nakataas ang mga kilay habang hinihintay akong tuluyang makaalis sa lugar. Bumuntong hininga na lang ulit ako at saka tumalikod na ulit at tuluyan ng naglakad paalis.

Tumulong ka na nga ikaw pa masama. Asan ang hustisya roon? Hibdi man lang nagpasalamat na binawasan ko na ang poproblemahin nila.

Narinig ko namang bumalik na sila sa pakikipaglaban kaya bago pa man ako makalayo ay lumiko na ako para makabalik. Nagtago ulit ako sa gilid ng mga bahay rito kaya hindi na nila ako napansin.

The Last OriginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon