Chapter I: Light

250 7 0
                                    

[Author's Note: Firstly, gusto ko lang sabihin na first book ko ito and I don't write to gain followers or attention or kung pataasan ng popularity/votes/comments/etc. Gusto ko lang i-share sa inyo and mapangiti yung mga laging bitter at nakasimangot dyan. *Ehem!* Also, pasensiya na't medyo maikli itong unang parte. Tinype ko lang kasi sa phone ko, hindi ko ineexpect na short lang pala siya :) Sorry din for any spelling/grammar error na makikita niyo. Lastly, I hope you guys enjoy this and sana magustuhan niyo!] -Z

=====================================

Chapter I

-Maxene's POV-

"Huy, Max, wala ka ba talagang balak maghanap ng kabiyak ng puso mo?" Sabi ni Grex, ang best friend ko since sperms pa lang yata kami.

Nandito kami ngayon sa kwarto ko. Nagbabasa ako ng mga storya sa Wattpad gamit ang aking laptop habang nakaupo sa study table ko. Si Grex naman ay abalang abala sa paglalaro ng GTA V. Bilib ako sa kanya, in fairness, habang kausap niya ako pumapatay siya ng mga inosenteng tao.

"Sabi nga nila di ba, 'Don't find love, let love find you.' Besides, marami pa kong gustong madiscover sa buhay at malaman kung anong purpose natin dito sa mundong to at ikinulong tayo dito," lumakas bigla ang patak ng ulan "at isa pa, malakas din ang ulan, magkasakit pa ko." Mabitter kong idinagdag.

"Charot! Pabebe lang ah? Lagi na lang rational at malalim ang mga iniisip mo ever since... nevermind. Ba't hindi mo na lang kasi enjoy ang life? YOLO te!" Sigaw niya ng nakita kong yung nilalaro niya pala yung sinisigawan niya dahil muntik na siya namatay.

"Grex, think about it. Wala pang nakakadiscover kung bakit ba talaga tayo ikinulong sa mundong ito. Ni wala ngang tao sa mga kapitbahay nating planeta eh! I just know there's an explanation or some reason behind all this." Tumingin ako sa labas ng makita kong bigla na lang umaraw. Sinarado ko naman agad ang blinds ng bintana ko. Oo, tawagin mo na akong bampira, pero ayoko talaga sa araw.

Napabugtong hininga si Grex. "Nako naman, bes, sige kung ayaw mo bahala ka. By the way, kinausap ako ng gwapong fafa Kiel kanina. Tinatanong niya sakin kung makakapunta ka daw sa party niya bukas. Hindi ko alam kung anong isasagot mo eh kaya sinabi ko na lang sa kanya na surprise na lang."

Tumingin ako sa kanya ng bigla siyang ngumiti. Alam naman niya-- este ng buong school na cold shoulder at may pagkatopak ako AND anti-social pero bakit namimilit pa rin sila? "Hay. Pag iisipan ko. Alam mo naman kasi na ayoko sa mga alcohol, drug, at sex na yan eh." Typical and cliché parties. Isa to sa mga kinaiinisan ko dahil sa mga wanna-be at try hard sa school namin. In my opinion, ginagawa lang nila yun to impress people in order to fit in sa society or be popular. But oh well.

Bigla akong nakatanggap ng kurot galing sa kanya. "Gaga ka! Walang droga o magic doon! Plus last time yan din ang sinabi mo pero hindi ka naman sumulpot!" Paiyak niyang sagot.

"Espren, hindi ko naman kasalanan na nakatulog ako habang kumakain." Tawang tawa ako ng maalala ko yun. Nabusog kasi ako sa inihain ni lola. "Chaka sino ba naman kasi yung genius na yun na nagplanong magpaparty on a freakin' Wednesday? Kitang may pasok kinabukasan. I have a life, you know." Kalmado kong isinagot.

Nagpout naman si Grex. I guess gustong gusto niya talaga na sumama ako at lumabas ng lungga ko paminsan minsan. I sighed and sticked my tongue out para mas lalo siyang maasar or mainis. Tumingin siya sa akin ng masama at tinawanan ko lang siya.

Nahinto ako ng bigla na lang may nag Skype chat sa akin na mula sa ex kong si Julie. Biglang hindi natuloy ang dapat na sasabihin sa akin ni Grex ng makita niya din to.

"Can we talk, please?" Sabay kaming nagtinginan ni espren. May nakita ako sa mga mata niya tila bang sinasabi niya sa akin na huwag ko na lang patulan o replayan at baka makipagbalikan pa ako sa kanya.

"Sorry, Grex. I know what you think, pero don't worry, I won't do it." Tumango na lang siya't pinagpatuloy ang paglalaro sa PS4 ko. Kinuha ko naman ang laptop ko para sagutin ang tanong niya.

"About what exactly?"

"Us. I want to give an explanation of what happened that day." Mabilis na pagkakareply nito.

Oh god, not this kind of talk. Cliché and predictable. Pero tutal mabait ako nireplyan ko na lang siya "No need. I already know. I've been knowing actually, I just didn't say anything because I wanted to see if you were going to tell me the truth. Just stay with him. Best wishes."

"Buti naman at napatawad mo na siya, bakla." Sabi ni espren. Walang hiya talaga tong buang na to. "At buti naman naisipan mong umuwi muna dito sa Pinas." Ngiti niyang idinagdag.

Ay, medyo na lost kayo no? Teka update ko lang kayo't baka kalbuhin niyo pa sarili niyo katataranta. My name is Maxene Fraser, 17 y/o. I'm part British according to my mudra. Born and raised sa US. Masaya akong nanirahan sa US actually, pero bigla na lang may hindi kanais nais na kaganapang nangyari noong 1st sem ng Junior Year (11th grade) ko, kaya napagisipan kong ipagpatuloy at itapos ang high school year ko dito sa Pinas. Matapos kong kulitin at bigyan ng valid reasons si mama, pumayag na din siya. Basta raw ay pag butihan ko ang pag aaral ko. And yea.. that's about it.. there's not much to say about myself, I'm not that interesting, trust me.

Ngayong Senior year at last year ko na dito sa Kingsley High School, pinagisipan ko ng kalimutan o itabi muna ang mga nakalipas na pangyayari sa States.

Si Grexie Alena Bercelenof naman ay 17 y/o din. Half-Filipino and half-Russian. She was born and raised in the US as well. Mag best friend ang mama niya at mama ko ever since high school pa silang dalawa, so syempre alam na this! Parang mama ko na din mama niya and vice versa. Then, sabi ni mama and tita, we've been best friends since mga baby pa lang kami. Unbelievable, I know. On the other hand, mas nauna siyang umuwi sa Pinas dahil sa business opportunity na tinanggap ng mama niya. But even though nangyari yun, Grex still kept in touch with me through Skype, Facebook, Snapchat, at kung ano ano pa. She's like a sister to me and I'm more like a sister/brother to her. She didn't make a big deal when she found out about my sexuality. Ang sabi pa niya matagal na daw niyang alam.. nung mga bata pa daw kami. Bwiset, kabadong kabado kaya ako nung sasabihin ko na sa kanya, tapos alam na pala? Whatevs.. Anyways, I tell her everything, I never lie to her... kahit minsan masarap siyang sapakin! But that's why I love her to death.

Ano pa ba nakakalimutan ko.. hmm, ay! Si Julie ba kamo? Siya yung ex kong nasa States. Pero chaka na yun! Nagpunta ako dito sa Pinas para makapag isip isip. Sabi nga sa mga FB post eh: "It's more fun in the Philippines!"

"I agree, espren. Tingin ko mas makakahinga na ko ng malalim ngayon. Mas makakatulog na din ako ng mahimbing." Pabulong kong sinabi na may kasamang ngiti. "I wish I could stay here.. pero why does everything have to be temporary?"

"It doesn't have to be, babe. Tiis tiis lang." Sabay yakap sa akin ni Grex.


=====================================  

Her Temporary BlissWhere stories live. Discover now