Chapter V
-Mystery POV-
Maliwanag na sikat ng araw ang bumulabog sa aking pagtulog. Hindi ko pa matuluyang mabuksan ang aking mga mata dahil sa hang over ko. Umupo ako sa gilid ng kama para makapaghilamos.
Nanlaki ang mga mata ko ng bigla ko na lang makita na wala ako ni isang damit na suot.
3....
2...
1..
Sumigaw ako ng malakas pagkatapos maprocess ng utak ko ang mga pangyayari. Nasaan ako?! OHEMGEE. 'WAG MONG SABIHIN... NOOOOOOOOOOOOOO. HINDI NA AKO FRESH. HINDI NA AKO DALAGANG PILIPINA. DISGRACE AKO SA AKING MGA MAGULANG.
Nagulat ako ng may kumatok at dahang dahan binuksan ang pinto. Agad agad naman akong pumunta sa pinto para isarado uli ito.
"'Wag kang papasok! Sino ka?! Anong ginawa mo sakin kagabi?! May nangyari ba?! Sumagot ka!" Sigaw ko dito.
Napatameme ako ng bigla siyang tumawa. Huh? Babae?
"Walang nangyari kagabi. Well, except for that one time. Itatanong ko lang sana kung okay ka lang. Ang lakas kasi ng sigaw mo. Chaka, sige hindi na ako papasok sa kwarto KO." Sagot nito.
Anong 'except for that one time'?! "OY! SO MAY NANGYARI NGA KAGABI?! AT BAKIT MO AKO HINUBARAN?! REQUIRED BA TALAGA YUN? MANDATORY TE?!" Pasigaw kong isinagot.
Tumawa na lang ulit ito ng malakas. "Magshower ka na lang muna. Nasa upuan yung tuwalya at yung damit mo kagabi. Nilabhan ko na din. Pagkatapos ay lumabas ka na, may pagkain akong inihanda."
Ang bait niya. Sino kaya siya? "O-okay, salamat." Huh? Nag stutter ako?
Narinig kong paalis na ang mga yapak niya palayo sa kanyang kwarto. Kinuha ko ang tuwalyang nakapatong sa upuan pati na rin ang mga damit ko at dumerecho na ako sa banyo.
--
Dahan dahan akong lumabas ng kwarto at pumunta ng kusina. Ang bango naman ng niluluto nito. Nakita ko na lang ang babaeng nakatalikod na may suot na pink apron, black shorts, white shirt at messy hair bun.
Nag iba agad ang kutob ko at bumilis ang tibok ng puso ko. Parang pamilyar ang kanyang pigura. Napabugtong hininga ako.
Pagharap niya sa mesa kung saan ay ilalapag niya ang kanyang iniluto, napabukas ang aking bibig sa hindi inaakala. Ngayon lang ako nakakita ng santo. Patay na ba ako, Lord?
At talagang pamilyar na siya sakin. Pero saan ko ba siya nakita?!
Hindi ko namalayang alam pala niyang nakatingin ako sa kanya kanina pa.
"Don't you think it's rude to stare too much, miss?" Ngiti niyang tinanong. "Umupo ka na at sabayan mo akong kumain." Sinabi niya habang inaalis niya ang kanyang apron at hinila ang upuan niya.
"Napakaconceited mo naman para isipin na ikaw ang tinititigan ko. Yung pagkain tinititigan ko no!" Indenial kong isinagot.
Tumingin siya sakin. Napahinto ang tibok ng puso ko. "So ako yung pagkain?" Sabay siyang ngumiting tagumpay.
"Huh?" Ang slow ko. Nakuha ko ito after 5 seconds. "Bastos!!!" Sigaw ko agad habang ramdam ko ang pamumula ng aking mga pisngi.
Tumawa naman ito at inabutan ako ng tubig. "Bakit? Ano bang iniisip mo? Ang ibig ko sabihin ay cannibalism." Ngumiti ulit siya. "Ikaw yata bastos dito eh. Tsk tsk tsk."
YOU ARE READING
Her Temporary Bliss
HumorMaxene Fraser is a 17 year-old girl who has been hurt physically, mentally, and emotionally. Although she's been hurt multiple times by numerous people, she remains humble to close and loved ones. She likes showing her affection and soft side to peo...